Chapter 5

0 0 0
                                    

"Mommy.. mommy.. mommy.. mommy.."



"Help mopo ako mommy.. hindi po ako makalabas mommy.. mommy.. mommy.."




"Mommy.. hindi po ako makalabas mommy.. mommy... Ko.."



Agad akong napatayo ng gising ng marinig ko ang iyak ni Minya.



Inilibot ko ang aking mga mata sa buong kuwarto pero wala siya roon.




Oo nga pala. Kasama niya ang ama nya na matulog duon sa isang kuwarto namin.





Tiningnan ko ang orasan na nakakabit sa may dingding. It's already been 5:00 am. Mamayang 6 na ang pasok ni Tan at Minya sa school. Kailangan ko nang mag-luto at ihanda ang mga kailanganin nila.

Tumayo na ako at inayos muna ang pinaghigaan ko. Pagkatapos ay lumabas na ako sa kuwarto at dumiretso na sa kusina. Pagkarating ko roon at pansin kong hindi parin ubos ang adobong niluto ko kagabi. Kumain kaya si Tan?

Kaya ang ginawa ko nalang ay ininit ito at inihanda na sa mesa. Ang natirang kanin naman ay isinangag ko.

Ang sunod kong ginawa ay nag-saing ulit nang dalawang takal. Para may pangkai sila sa tanghali. Nagluto narin ako ng manok na ulam naman nila mamayang tanghali.

Nang matapos ay inilagay ko na lahat sa lamesa ang mga kailanganin nila.

At tsaka ko lang naramdaman ang lagkit ng katawan ko. Oo nga pala, hindi ako nakaligo kahapon.

Pupunta na sana ako sa CR, pero napag-desisyunan ko munang gisingin ang mag-ama ko. Kaya lumabas ako ng kusina at pinuntahan ang kwarto namin ni Tan. Kung saan natutulog si Minya at ang aking asawa. At kung saan naroon ang manikang.. iyon.

Ilang minuto na akong andito sa labas ng aming kuwarto, pero hindi parin ako nakakapasok. Ano ba itong nararamdaman ko? Takot?


Ipinikit ko muna ang aking mga mata, at pagkatapos ay iminulat ito. Hinawakan ko ang doornob at tsaka binuksan ito. Pero bigla akong napaigtab ng buksan ko ito.

Dahil ang manika ay.. ang mismong sumalubong saakin!

Nakasandal ito sa may kama, habang diretso na namang nakatingin saakin! Gusto kong magsisigaw sa gulat at takot, pero pinigil ko ang aking sarili. Dahil baka hindi na naman maniniwala saakin ang aking asawa. Na baka.. sabihin na naman niyang namamalikmata ako.


Kumuha ako nang lakas ng loob sa katawan ko at pumasok mismo sa loob. Agad ko namang nakitang mag-katabi ang aking mag-ama. Mahimbing na natutulog.

Agad ko silang pinuntahan at ginising. Niyugyug ko silang pareho.

"Minya.., tan, gising na.." Wika ko.

Ang naunang gumising ay si Minya na pupungas-pungas pa ang mga mata.

"Mommy?"

Tiningnan ko siya at nginitian.

"Good morning, anak." Bati ko rito.

Agad naman niya akong nilapitan at niyakap.

"Good morning rin po." Bati nyang pabalik saakin.

Niyakap ko naman siya pabalik at hinalikan sa noo.



Nang humiwalay ako sa kanya ay nakita ko ang aking asawa na nagising narin. Nakatingin siya sa aming dalawa ni Minya.




"Good morning." Bati nya saamin at ngumiti.


Ngumiti rin kami pabalik ni Minya.



"Halina kayo. Maligo at kumain na. May pasok pa kayo." Aya ko sa kanila.



Tumango naman sila at umalis na sa aming kuwarto. Habang ako ay naiwan namang mag-isa.




Agad akong napatingin na nakasandal sa aming kama.



Kaagad ko iyon kinuha at lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa labas ng aming bahay at itinapon ko iyon sa may basurahan.


Papasok na sana ako, kaso lang ay may biglang matandang tumawag saakin.



"Huwag mong itapon!" Sigaw nito.



Agad kong tinignan kung sino ito. Ang babae ay nakasuot ng puting damit. Ang palda at balabal naman nito ay itim. Diretso at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin saakin. Tila ba may masama akong nagawa sa kanya.




"Po?" Nagtatakang tanong ko rito.




"Masisira kayo! Mamatay kayo!" Huling sambit nito bago tumakbo papalayo.





Habang ako ay naiwang tulala at gulat. Anong ibig sabihin ng ale na yun? Nagtataka man ay hinayaan ko nalang. Baka may mental problems siya.




Pumasok na kaagad ako sa aming tahanan at dumiretso sa kuwarto ni Minya. Inihanda ko na ang uniporme nyang isusuot niya at ang sapatos nya. Inihanda ko narin ang bag na gagamitin niya. Sunod naman akong pumunta sa kuwarto namin ni Tan. Inihanda ko narin ang uniporme niya. At ang laptop at bag na kanyang gagamitin.



Dug!

Kukuha na sana ako ng damit ko sa drawer nang biglang may narinig akong tumunog sa ilakim ng aming kama.


Dug!

Napahinto ako sa aking ginagawa ng tumunog na naman ulit ito. Ano kaya iyon?



Dahil hindi ako mapakali kung ano iyon, ay dahan-dahan akong sumilip rito.


Pero bawat galaw ko ay pakiramdam ko, nay mali. Ang mga palad ko ay pinagpapawisan at nangingig.



Nang makayuko ako ay kumuha lang ako bg tiyempo para tingnan ito.





Isa.. dalawa.. tatlo!




Pero pagyuko ko ay wala naman akong nakita. Namali lang ba ang pandinig ko?




"Mommy!"



Agad akong napaigtad sa gulat ng biglang may sumigaw sa likod ko. Nauntog tuloy ako sa aming kama.



"A-aray.." Mahinang ani ko.




"Mommy!" Agad namang nay dumalo saakin. Si Minya! Sya pala ang tumawag saakin.



Naiangat ko na ang ulo ko sa kama, pero nakaupo parin ako dito sa sahig dahil sa sakit ng aking pagkakauntog.



"Okay ka lang poba, mommy?" Rinig kong tanong saakin ni Minya. Hinahawakan niya rin ang ulo ko at hinihimas ito.


"Oo naman-"

Inangat ko ang aking ulo para tignan siya pero..



Ano ito?!



Nanlaki ang aking mga mata at may gulat na napakaloob nito dahil ang mga mata nang aking anak ay... Ay kulay itim!






Nakangiting nakatingin ito saakin at ang mga mata nito ay itim.



"Okay ka lang ba, Mommy?"


Hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi, pero.. jusko po! Ang boses ng aking anak ay nagbago! Malamig at matigas ito. Hindi.. hindi.. hindi.. hindi ito ang anak ko! Ibang tao ito! O di kaya'y.. hindi ito isang tao!




Gulat at takot ang nararamdaman ko ngayong mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam! Bakit..? Paano..? Ano ito?!




"AHHHHHHHHH!! AHHHHHHHHH!!!!!! LAYUAN MOKO! DEMONYO KA! LAYUAN MOKO!"





Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, pero isa lang ang natatandaan ko. Ang anak ko- hindi, ang gumagaya sa anak ko ay patuloy na tumatawa habang tinatanggal nito ang mukha ng aking anak. May mga dugo at balat rin na nahuhulog sa sahig. Hanggang ako ay mawalan na lamang ng malay.

The Doll NukpanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon