Chapter 6

0 0 0
                                    






Masakit. Napakasakit ng ulo ko nang magising ako. 



Nang unti-unting iminulat ko ang aking mga mata ay ang una kong nasilayan ang aking asawa. May pagaalala itong nakatingin saakin.



"Ayos kalang ba, mahal?" Mahinang tanong nito saakin.



Hindi ako kaagad nakasagot. Nakita ko namang katabi niya si Minya na nilalaro si Mocha sa isang upuan.



Agad akong napaatras nang makita ko ang aking anak na si Minya.



Kaagad kong naalala ang nga nangyari kanina. Kung paano ako nakarinig ng kalabog, kung paano ko nakita ang aking anak na may mga itim na mata, at kung papaano ako nawalan ng malay. Lahat ay aking naalala.






Nang makita nitong umatras ako ay biglang nalukot ang mukha nito at naging matamlay ang kanyang mga mata.




"Mommy.." Mahinang tawag nito saakin.





Hindi ko alam kung ano ang nangyayari saakin. Sobrang napaka-misteryoso nang nga nangyayari ngayon at kahapon. Sobrang.. hindi ko maintindihan.





"Mahal." Rinig kong tawag saakin ni Tan.





Tiningnan ko sya at nakitang may pag-aalala sa mukha nito.




"Anong nangyari kanina? Bakit bigla ka nalang sumigaw, at nung pagkarating namin ay nakahiga kana sa sahig." Mahinahong wika niya.




Biglang nalagyan nang pagkalito ang aking mukha. Huh? Namin?





"S-sinong kasama mo k-kanina nung pinuntahan moko sa kuwarto?" Kinabahang tanong ko.




Huwag mong sabihing si—





"Si Minya."





Nang marinig ko ang pangalang iyon ay parang bigla akong nabingi. Kasama niya ang anak namin na pinuntahan ako? Pero, imposible iyon.. dahil kasama kona mismo ang anak namin.






Nagbaba ako ng tingin at nanginginig ang mga kamay ko na inayos ang aking buhok.






"Mommy.., are you okay po?"





Nang marinig ko ang boses ni Minya at bigla ulit ako napataas nang tingin. Nagaalala itong nakatingin saakin habang yakap-yakap niya si Mocha.





Hindi muna ako nakapag-salita at tinitigan lang siya. Totoo kaya yung nakita ko? O namamalikmata na naman ako?





"Mahal.. ano ba ang problema?" Ulit na tanong ni Tan saakin.





Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.






"Wala, nadulas lang ako kanina kaya ako napasigaw." Wika ko.





Sa totoo lang, ayaw ko munang sabihin kay Tan kung ano ang nangyayari saakin ngayon, at kung ano ang nakikita ko. Ayaw ko namang pag-awayan pa namin ang ganitong bagay. Siguro.. siguro kapag nay ebidensya na ako, na totoo ang lahat ng mga nakita ko, na totoo ang mga sinasabi ko, siguro.. at tsaka ko na sasabihin sa kanya ang lahat.





Tumango naman siya at tinignan ang buong mukha ko. Mukhang naniwala naman siya sa rason ko.


"Maayos naba ang pakiramdam mo? May sugat ka sa ulo, oh." Aniya sabay turo sa sugat ko.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Doll NukpanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon