Chapter 3

1 0 0
                                    


Pagkatapos ko kuhanin ang manika sa kuwarto ni Minya ay dumiretso na ako sa kusina. Naabutan ko naman siya duong naghihintay.





"Anak, let's go. Shower kana." Aya ko sa kanya. Agad naman siyang sumunod at masayang hinawakan ang kamay ko.





Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manikang bitbit ko sa aking kanang kamay. Ewan koba kung bakit, pero pakiramdam ko, hindi ko dapat ito hinahawakan dahil parang may mali.





Pagkarating namin sa banyo ay agad kong pinaliguan si Minya. Shinampoo ko ang buhok niya at sinabunan ang kanyang katawan.

Bibihisan ko na sana siya, pero nag-aya siyang sa bath tub raw muna siya at panonoorin niyang linisin ang manikang napulot namin kanina sa daan. Kaya hinayaan kona. Minsan lang naman.


Kinuha ko ang manika ni inilagay ko kanina sa upuan bago ko paliguan si Minya. Napansin ko na kanina ang sobrang puti niyang buhok at napaka-duming damit. Pero ngayon na napag-masdan ko na siya sa malapitan ay, may mga kamot siya sa bandang paa. Ang mga mata nito ay kulay ginto.

Kung tutusin nga ay napaka-ganda ng manikang ito. Kakaiba talaga dahil napakaliit at perpekto ng mukha nito. Pero, hindi koba alam. Talagang may kakaiba rito.

"Mommy! I-clean mo na po siya!" Ani ni Minya at sumilip pa sa ginagawa ko.

Natawa nalang ako.

"Opo, ito na po." Wika ko.

"Yehey!" Masaya niyang sambit at pumapalakpak pa.

Ibinalik ko ang tingin sa manika at dahan-dahang tinanggal ang damit nito.

Marami itong dumi at talagang napaka-dumgis. Nakapagtataka lang tuloy kung bakit nalang ito naiwan sa kalsada.


Pagkatanggal ko sa damit ng manika ay agad akong nagulat sa aking nakita. May salita—o pangalan ang nakasulat sa mismong dibdib nito.


Nukpana



Iyan ang nakasulat sa dibdib ng manika. Hindi ko alam ang ibig sabihin nito. Siguro ay ito ang pangalan ng manika o ang pangalan ng may ari nito.



And sunod ko naman na ginawa ay shinapoo ko rin ito sa buhok. Gumamit pa ako ng brush para sa matanggal ang maduming matigas na putik na nakadikit rito.


Nang matapos na ay binalot ko lang ito ng tuwalya.



"Mommy! Mommy! Akin napo siya, bibihisan kona." Sambit ni Minya. Inaabot nito ang kamay saakin para kunin ang manika.


"Oh, eto na. Eto na." Ani ko.


Pag-kaabot ko sa kanya ng manika ay biglang pumatay ang ilaw sa banyo.

Agad na sumigaw si Minya.

"Mommy!" Tawag niya saakin.


Agad ko naman siyang kinapa-kapa. Pero imbes ba si Minya ang mahahawakan ko ay ang.. isang mahabang buhok ang nakapa ko.






Agad ko itong nabitawan at napaatras.





Imposible! Maiksi lamang ang buhok ni Minya. Imposibleng.. sya iyon. Napaka-imposible!






"Mommy!" Napabalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang hiyaw ng aking anak.




Agad ko siyang kinapa. At sa pangalawang beses ay nahawakan ko na siya.




The Doll NukpanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon