Chapter 4

0 0 0
                                    

Hindi kaagad ako nakapag-salita ng tanungin ako ni Tan.

Tiningnan ko ang lighter na hawak-hawak ko at bigla iyong nabitawan.

"Mahal, ano bang nangyayari sa'iyo? May problema ba?" Narinig kong tanong nito saakin.

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.


"May mali sa manikang iyan!" Malakas na wika ko sabay turo sa manikang hawak-hawak niya.

Naguguluhang napatingin naman siya sa manikang nasa kamay niya.

"Huh? Seryoso ka diyan?" Naguguluhang tanong nito saakin.

Tumango naman ako at nagsalita.

"Kanina.. papaliguan ko na sana si Minya, kaya nilapag ko muna yang manikang iyan sa sahig, pero pagkabalik ko.. nasa kama na ni Minya ang manukang iyan.." Mahinang wika ko at napahawak sa aking noo.

"Baka pagod kalang, mahal." Ani niya.


Agad akong nanlilisik na napatingin sa kanya.

"Hindi ako pagod, at alam ko ang sinasabi ko, kung yan ang ibig mong sabihin."


Agad naman niyang kinamot ang kanyang ulo.

"Alam mo, pagod lang yan. Halika na, matulog na tay—" Kukunin na sana niya ang kamay ko pero inilihis ko ito.

"Kung pagod kang ako, bakit kanina nung nawala yung ilaw, may nahawakan akong mahabang buhok, pero ni isa naman saatin dito ay walang mahabang buhok?" Mas lalong naging matibay naman ang tingin ni Tan saakin. ".. tapos kanina pa, nung aalis kami ni Minya sa CR, naiwan ko dun yung manika, sigurado akong naiwan ko iyon duon! Pero.. nung pinuntahan ka namin ni Minya sa likod bahay dahil sabi mo ay inaayos mo yung Generator ng kuryente natin, paglikod ko, andun na yung manika! Kaya papaano mo iyon maipapaliwanag?" Mahabang paliwanag ko.




Hindi muna ako sinagot ni Tan at tiningnan ang aming anak na ngayon ay yakap-yakap ng kanyang ama.

"Daddy.." Tawag ni Minya kay Tan.

"Totoo ba ang sinasabi ni Mommy mo?" Mahinahong tanong ni Tan sa kanyang anak.

Para namang napiksi ang ugat ko sa noo dahil sa narinig.

"Tan! Hindi kana naniniwala sa sinasabi ko?" Nauubos na pasensyang ani ko.

Hindi niya naman ako pinagtuunan ng pansin at itinuon lang ang atensyon niya sa aming anak.


"Is it true, minya?" Ulit na tanong nito.

Tiningnan ko ng maigi si Minya nang makita kong tumingin ito saakin. Bago ipunta ang kanyang tingin kay Tan.


"Hindi po.." Mahinang ani ni Minya.



Agad naman nanlaki ang mata ko at nilapitan ang anak ko.

"Minya! Diba ang sabi mo ay nasa likod ko ang manikang iyon kanina?" Tanong ko saaking anak.

Nakita ko naman siyang umiling.

"Mommy, ang sabi kopo is sinama ko ang doll ko." Nang marinig ko ang mga katagang iyon ay para akong binuhusan ng tubig sa mukha.


Namali ba ang.. pagkakarinig ko sa sinabi ng aking anak?

Tiningnan naman ako ulit ng maigi ni Tan na may pagtatanong sa mukha.


"Hindi ako nagsisinungaling." Madiin kong sambit.


Napahinga nalang siya ng malalim at pinikit ang mata. Pagkatapos ay iminulat narin makalipas lang ang dalawang segundo.

"Mahaba ang araw natin ngayon, magpahinga muna tayo." Wika nito at inaya ang aming anak na pumasok sa loob habang bitbit nito ang manika.



Hindi naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng ilang minuto.




Paano nangyari iyon? Namamalikmata labg ba talaga ako? Pero napaka-imposible nun'. Nilapag ko talaga sa may sahig ng kwarto ni Minya ang manikang iyon. Sigurado rin akong nakita ko iyon na nakataas na sa kama pagkabalik ko. At may nahawakan talaga akong mahabang buhok sa loob ng banyo nang mawalan ng ilaw. Isa pa, si Minya. Siya mismo ang nag-sabi saakin na nasa likuran ko ang manikang iyon. Kaya papaano?


Papaano niya nasabing dala-dala niya ang manikang iyon? Nagkamali lang ba ako ng kita at rinig? O pagod lang talaga ako? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon, pero isa lang ang alam ko.. na hindi ako pwedeng mag-kunwari. May misteryo ang manikang iyon.




Pinikit ko ang mga mata ko ng ilang segundo at pagkatapos ay iminulat narin ito. Kinuha ko ang lighter na nabitawan ko kanina.



Pagkatapos ay pumasok na ako sa aming tahanan.



Pagkapasok ko ay nakita ko naman na kakalabas ni Tan mula sa kuwarto namin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tsaka ay nilapitan ako.




Niyakap ako nito at hinalikan ako sa aking labi.



Humiwalay naman ako sa kanya at umupo. Sumunod naman siya saakin at minasahe ang ulo ko.



"Binihisan kona si Minya. Natutulog na sya ngayon sa kuwarto natin." Pangbabasag niya sa katahimikan na namamayani saaming dalawa.



"Tan.." Mahinang tawag ko rito.

"Hmm?"

"Nasan na yung manika?"


Naramdaman ko namang tumigil siya sa pagmasahe saakin.


"Mahal, alam mo pagod kalang. Magpahinga kana kaya." Rinig kong wika niya.



Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.



"Tinatanong ko lang kung nasaan." Ani ko.


Narinig ko naman siyang bumugtong-hininga bago ako sinagot.


"Katabi ni Minya sa kuwarto natin. Pinunasan ko narin yun para baman malinis. Kaya please lang mahal, matulog—" Hindi ko na siya pinatapos pa aa sinasabi niya. Iminulat ko ang mga mata ko at tumayo na.



Tiningnan ko siya ng diretso, habang siya naman ay mukhang pagod narin ang mga mata.


"Doon ako sa kuwarto ni Minya matutulog. Hinding-hindi ako magiging kampante na makita o makasama sa iisang kwarto ang manikang iyon." May diin kong pagkakasabi.



Nakita ko naman siyang susundan sana ako pero pinigilan ko kaagad siya.



"Huwag mo na akong samahan matulog. Kaya ko ang sarili ko." Ani ko.

Napahawak naman siya sa kanyang buhok.


"Sasamahan nalang kita—" Hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sasabihin at dumiretso lang ako ng lakad papunta sa kwarto ni Minya at ni-lock ang pinto pagkapasok.



Umupo ako sa kama at inilagay ang mga kamay sa aking hita.



Oo. Masama ang pakiramdam ko dahil hindi siya—sila ni Minya naniniwala saakin. Isa pa, naguguluhan ako. Gulong-gulo ako. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa sarili ko ngayong araw. Basta, simula nung matagpuan namin ang manikang iyon sa may daan, may nagbago na. May mga unusual nang nangyayari saamin—o saakin?



Umayos na lamang ako ng higa at ipinikit ang aking mga mata.



Siguro.. siguro, siguro nagha-hallucinate lang ako dahil gutom at pagod ako. Siguro, sana nga.

The Doll NukpanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon