Chapter 15: Special Day

14 4 0
                                    

🅸︎🅼︎ 🅽︎🅾︎🆃︎ 🅰︎🆂︎🅷︎🅰︎🅼︎🅴︎🅳︎ ✞︎

RACHEL'S POV

Ang message na ipinadala sa'kin ay nasundan pa ng ilang mga mensahe in a poetic style sa mga sumunod na araw. Palagi ko itong ibinabalita kay Ruth everytime na nakaka-received ako nito sa cellphone ko. Maging sila Caleb ay nalaman na rin ang patungkol rito.

Honestly, hindi pa rin nawawala yung kaba ko sa tuwing nababasa ko ito, ayaw ko mang i-open na ito ngunit may kung anong nagtutulak sa'kin para buksan at basahin parin ito.

Until now, hindi pa rin namin nalalaman kung sino ang nasa likod ng mga threatening emails na ito. Nagpatulong na rin kami sa kaibigan ni Papa na may alam sa mga hacking-hacking at pagtrace ng mga ganito pero ang nasabi lang nya is matalino raw talaga yung nagpapadala nito sa'kin dahil ang hirap i-trace ng identity nya. Minsan, na-ooverwhelm na kami ng takot dahil rito, pero laging napapaalalahanan kami ng mga pangako ng Lord sa Bibliya... na wala naman talaga kaming rason para magpalamon sa takot, dahil mas malaki at mas malakas ang Diyos na meron kami. At yun na lang ang pinanghahawakan ko sa mga pagkakataong ito upang mapawi ang kaba rito sa loob ko.

Lumipas ang mga araw at linggo at namalayan ko na lang na magsa-siyam na buwan na pala 'ko sa paaralan na pinasukan ko. Malapit na rin kaming mag-Moving-up. At nakaka-lula lang isipin na naka-abot pa talaga ako sa puntong ito. Andami ng nangyari at nagbago sa buhay ko magmula ng pumasok ako rito. Mas lalong nahubog, lumago at maraming bagay pang mga natutunan. Pinagpapasalamat ko sa Diyos ang buhay ng mga kabataang nakilala ko sa loob ng paaralang ito. Hindi lang sila ang mga natulungan kong mabago ang buhay, kundi binago rin nila pati mismo ang buhay ko.

Ruth made me realize na dapat pala na maging mabuting ehemplo ako para sa mga kapwa ko Kristyano na mahina ang kalooban at naduduwag na ipaglaban kung ano ang totoo... Sa kanya ko natutunan na intindihin yung side ng mga gaya nya at magkaroon ng wisdom para i-handle at tulungan sila sa pag-cope sa mga takot at hiya nila.

Mas lumakas yung loob ko para tayuan ang faith ko kahit pa minsan nabibiktima rin ako ng kaba. Kasi nalaman ko na dahil pala ron sa simpleng pagkilos ko lang na yun, ay mayroong mga silent na Kristyano na nakikita ako at nagkakaroon din ng lakas at tapang ng loob para tayuan at ipaglaban rin yung pananampalataya nila.

Si David, sya yung kauna-unahang lalaki na na-win ko para sa Panginoon. Lahat kasi ng mga nadadala ko sa Panginoon ay mga kababaihan, at kung may lalaki man, for sure mga bata iyon... ngunit di ren naman talaga ako ang nakaka-win dahil assistant lang ako ng leader ng Kid's ministry which is ang ate Sara ko.

David is my breath of fresh air. Sa tuwing nakikita ko kasi sya na patuloy na lumalago sa Lord, daig ko pa ang bagong panganak na nanay. Ansarap sa pakiramdam na makitang may isang kaluluwang nabago ang nabuhay at tumalikod na sa dati nyang pamumuhay. Para bang may isang bagong sanggol ang ipinanganak sa mundo! At ang cute-cute nitong pagmasdan, nakakawala ng stress at nakakagaan ng pakiramdam. David thought to me how priceless is the joy of seeing a one dead lost soul being revived again by it's own Creator.

Si Caleb, ang ikalawang lalaki na natulungan kong makabalik sa Panginoon. He's no ordinary. Hindi gaya ng dalawang unang nabanggit ko ang isang 'to. Ang akala ko nga nong una, mabilis akong susuko sa kanya. His heart was hard. Puno ng galit ang laman nito at doon ako pinaka-nahirapan. But the Lord surprised me! Isang araw, namalayan ko na lang unti-unti ng lumalambot ito at nagiging posible na ang mga bagay na naiisip ko. God used Caleb's life to remind me na... hindi nga pala 'ko dapat tumingin sa mga bagay lang na magagawa ko, kasi magiging imposible talaga iyon. Bagkus, I must turn my sight into what HE can do. Kung sino Siya. And I was reminded that HE IS THE MASTER OF THE IMPOSSIBLE THINGS! The God of all flesh and the Creator of human hearts! At walang kahit na anong pusong matigas para sa Kanya.

I'M NOT ASHAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon