🅸︎🅼︎ 🅽︎🅾︎🆃︎ 🅰︎🆂︎🅷︎🅰︎🅼︎🅴︎🅳︎ ✞︎
RACHEL'S POV
Mabilis akong pumasok sa kwarto ko ng magsimula ng magcountdown si papa sa may sala. Pag ginagawa nya yan, ibig sabihin lang non, lights off na. Wala ng dapat lalabas ng kwarto, at lahat ay matutulog na.
Ganyan ang patakaran dito sa loob ng bahay. Alas otso palang, lahat kami humihilik na.
Oo, nong una mahirap.. pero habang tumatagal, at narerealize ko na kung bakit 'to ginagawa nila papa, unti-unti, nagiging madali na lang.
Siguro this is what they called, discipline.
Sa una akala mo pinarurusahan ka kasi masakit, pero once na natutunan mo ng tanggapin, yayakapin mo na rin at mamahalin.
Ganyan rin Si God sa atin. Yung mga paghihirap na nararanasan natin, iyon ang tanda na minamahal Nya tayo. He allows pain for us to feel, para may makuha tayong aral mula sa pain na iyon. At yun, iyun ang way or paraan Nya ng pagdidisiplina sa atin. Na through that pain, may natutunan tayo. Naitutuwid Nya tayo. And that's love.
Ini-lock ko na lang yung pinto ko ng matapos na ang countdown ni papa. Dumiretso na'ko sa kama ko at doon nahiga.
Habang naglalakbay ang isip, bigla ko na lang naalala yung mga nangyare kanina. Naikwento ko na kila mama yung tungkol sa mga bagay na yon, at sinabi lang nila sa'kin na.. huwag akong magpapadala sa takot at magtiwala lang ako sa mga plano Niya.
And I agree with that.
For the ways of the Lord, are higher than the ways of us, and His thoughts, are higher than our thoughts. Kaya mas pipiliin ko na lang na mas dumepende at magtiwala sa mga plano Ni Lord.
Saglit akong pumikit para humingang malalim at saka pagmulat ko, inabot ko yung Bible ko na nasa may study table ko. I prayed and asked God to speak to me through His Word, and then after that, I worship Him.
Sinuot ko lang yung headphones ko sa tenga ko habang nakikinig ng solemn worship songs. Sinulit ko ang buong gabi na kausap Sya at Sya lang ang sinasamba. And it's just so peaceful to feel knowing that you're inside the glorious Holy presence of God. Grabe, walang katumbas.
The night ends but the joy and peace formed inside my heart... did not end.
_____________________________
School | 6 am.
"Good morning, Rachel!" nakangiting bungad sa'kin ni Ruth pagkaupo ko sa upuan ko.
Sinuklian ko naman sya ng mas malawak na ngiti.
"Good morning din, Ruth. Kamusta pala dinner nyo kagabi?" tanong ko rito dahil naikwento nya sakin kahapon na mamayang gabi na raw nya susubukang sundin ang calling Ni Lord sa kanya. At yon ay ang share-ran ng salvation ang family nya.
Tuwang-tuwa naman ako kasi grabe ang pagkilos Ng Lord sa puso nya. Sabi nya kasi na-encourage daw sya sobra dahil don sa sinabi ko sa kanya nong unang kita namin at lalo na don sa ginawa ko sa may canteen.
Tingnan mo nga naman, iba talaga ang nagagawa ng simpleng pagtayo mo lang sa katotohanan, noh. Kasi maraming mga tao dyan na nananahimik lang ang tumatapang bigla dahil lang don sa ginawa mo, at nagdedecide na tumayo na rin para sa katotohanan at ipaglaban ito.
Gaya ni Ruth.
"Uhm, yun.. ayos naman. Sobrang nagpray ako bago kami tuluyang makompleto. Hanggang sa pagluluto at pag-aayos ng plato, at pati sa pagkain.. I was fervently praying and praying and praying, as in walang hinto! and then, yun! by the boldness and grace na ibinigay Ni Lord sa akin, nakayanan kong ibuka yung bibig ko nong time na nagpapahinga na sila ng sama-sama sa may sala. Medyo nakakakaba Rach, sa totoo lang. Pero grabe! tulad nga ng sabi mo sakin . . . puso, puso yung pakinggan ko. Pinaalala sa'kin Ng Holy Spirit yung isang dream ko kung saan nakita ko silang lahat na nasusunog sa impyerno, yun, at that exact moment muntikan pa na yung mga luha ko na tumulo." emosyonal ngunit matapang na pahayag ni Ruth sa'kin.
She just take a deep breath for a second at tumuloy ulit sa pagkekwento.
"Then yon, hindi ko na matandaan kung ano pang mga sumunod na nangyare, basta namalayan ko na lang nag-oopen na'ko kila papa tungkol sa buhay ko. I confess to them all the secrets I've hide gaya na lang ng pagiging Kristyano ko. Alam ko magagalit sila kasi devoted Catholic kami pero tinapangan ko na. Masaktan na'ko kung masaktan! 'wag lang sila yung mahirapan..."
I saw great compassion on Ruth's eyes habang sinasabi nya iyon. Grabe! praise You oh Lord.. ibang klase po Kayo kumilos!
"And to make it short, by His grace, nagawa ko na ring ishare ang Gospel at ang special One ko sa pamilya ko, Rach. It may not be so succesful that night but I believe by faith na magtutuloy-tuloy na yun dahil ang importante naman is ang mataniman mo sila ng seed sa puso nila diba? At ang Lord na ang bahala na magpabunga noon basta lagi mo lang didiligan by everyday sharing the Word of God. This is it, Rachel! wooh!! grabe, ang saya-saya ko!!"
Wala na'kong ibang nagawa pa kundi ang mapayakap sa kanya. Wow. Lord, thank You po!
Halos magkaiyakan pa kami dahil ron pero agad rin naman kaming naghiwalay nang marealize namin na andami na palang nakatingin sa amin.
Nahihiyang nagpeace sign na lang si Ruth sa kanila na ikinatawa ko naman ng mahina. Haha para kaming mga artista.
"Ok lang, ladies. Tuloy nyu lang yan." narinig naman naming sabi ni David sa may unahan. Napatawa na lang rin ulit ako at si Ruth, na ngayo'y namumula na.
Haist. Ganyan yan pag hiyang-hiya na.
Umupo na lang kami sa seats namin at saka don na lang pinagpatuloy ang kwentuhan, nang di naririnig ng iba.
_____________________________
Hallway | 10 am
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway pabalik sa classroom. Kagagaling ko lang kasi sa gymnasium dahil don daw gaganapin yung club booths kung saan pipili ang mga estudyante ng gusto nilang salihan na club. At yun, after asking for God's will, ni-lead Nya 'ko sa Music Club.
Not to boast, parte rin kase ako ng Music Team sa church, actually I'm the Songleader, kaya yun.. kaya siguro dito 'ko nilagay Ni God.
Pinauna na'ko ni Ruth sa room dahil di pa raw sya makapili. Pero sinabi ko naman na ipagpray nya lang then samahan nya ng claiming faith. Ayun, iniwanan ko muna. Nagback-up prayer na rin naman ako para di na sya kabahan.
Habang tinatahak ang hallway papunta sa building namin, nag-huhum lang ako ng worship song.. nakakachill naman itong gawin dahil sakto ang ganda ng mood ko ngayon.
Sino ba namang hindi magiging good mood sa kaninang mga balitang narinig ko? Para tuloy mas nag-apoy pa 'ko lalo para magpatuloy sa paglilingkod. Grabe, tindi!
I was humming while walking nang bigla na lang akong mapahinto dahil parang may natapakan ako. Tiningnan ko kung ano ito at napakunot ako ng noo nang malamang isang ID ito.
Hmm.. kanino kaya 'to?
Kinuha ko ang itim na lace nito at saka tiningnan ang litrato na nakalagay rito.
Halos manlaki naman ang mga mata ko ng masilayan ko rito ang isang napakapamilyar na lalaki...
At ang pulang buhok nito.
"Caleb Clint Montano." pabulong na basa ko sa pangalan nito.
Then after a few seconds of processing . . . I just heard the Holy Spirit's calming voice, saying to me..
"Pauwiin mo sya Sa'kin, anak . . ."
BINABASA MO ANG
I'M NOT ASHAMED
EspiritualA story of a Christian girl, that eagerly desires to make her God be made known to all her schoolmates. She has a bold faith that never fears to speak and stand for the truth. She will met different kinds of people inside her school, and gonna be u...