Chapter 4: What Can I Do?

24 6 0
                                    

🅸︎🅼︎ 🅽︎🅾︎🆃︎ 🅰︎🆂︎🅷︎🅰︎🅼︎🅴︎🅳︎ ✞︎

𝗖𝗔𝗟𝗘𝗕'𝗦 𝗣𝗢𝗩

"Pakopya naman oh, eto ang damot nito!" narinig kong sabi ni Niel sa katabi nyang si Kurt. Gumagawa kami ng assignment ngayon sa Physics dito sa may plaza area, mamaya na kasi ang pasahan nito, at pag di kami nakapasa, panigurado palakol na naman aabutin namin nito sa report card. Psh, nakakasawa na.

"Ano final answer mo sa number nine?" siko sakin ni Rai habang nakatulala ako sa kawalan.

"Uy! sabi ko ano final answer mo sa nine! puyat ka ba?" natatawang sabi nito.

Umiling lang ako at saka bored na tumingin sa notebook ko. "Wala pa, kila Kurt ka na lang mangopya."

Mabilis naman itong tumabi kila Kurt at saka di nagtagal nagkumpol-kumpol na.

Tss. mga 'to talaga.

Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa kawalan. Wala 'ko sa mood ngayong mag-aral... mas gusto ng utak ko na lumipad muna sa kung saan at tumakas sa reyalidad.

Haist.

Hanggang ngayon, di pa ren maalis-alis sa isipan ko yung mga nangyare sa canteen nong isang araw.

Who would expect? na may isang babaeng bigla na lang papasok sa eksena ng magulong buhay ko at mas guguluhin pa ito?

Matagal ko ng kinalimutan ang tungkol sa Jesus na sinasabi nya. Eversince na namatay sila mama at papa dahil sa paglilingkod sa Kanya, nagsimula ng lumabo ang paningin ko para sa Kanya.

Yea, I became a Christian, NOON... pero hindi na ngayon. Backslider . . . tama, backslider nga siguro ang tawag nila run. And isa akong backslider.

Nasa gitna ako ng pag-iisip ng malalim nang bigla ko na lang matanaw ang isang nakadilaw na babae habang nakangiti na lumalapit sa posisyon namin.

Napakurap ako ng tatlong beses bago ko tuluyang nakilala kung sino ito.

"It's her..."

* * *

𝗥𝗔𝗖𝗛𝗘𝗟'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Nakangiting naglakad ako papalapit kila Caleb ng makita ko itong kasama ng mga kaibigan nya sa plaza area. I thanked God for His leading, at ng tuluyang makalapit na'ko sa kanila ay nagpray muna 'ko saglit.

"Hi." I smiled at him.

Nabaling naman sa'kin ang tingin ng lahat at kunot-noo sa'king nagmasid.

"Anong ginagawa mo rito?" napatayo si Caleb at saka maangas na humarap sa'kin.

Napayuko na lang naman ako dahil bigla kong naalala yung huling pagkikita namin.

"A-Ah kasi, may ibabalik lang ako sa'yo." kinuha ko sa bag ko yung ID nya na napulot ko. "Nakita ko yan sa may hallway kanina, nahulog mo siguro. Nakita ko yung picture mo kaya for sure, sa'yo 'to."

Sabi ko sa kanya at tinitigan lang naman nya'ko bago ito tuluyang abutin.

"Tss, salamat ah," he responded. Pero I wish it was sincere..

"Thanks to Jesus, Caleb. He made it." I just smiled at him.

Hindi naman na sya sumagot pa kaya nagpaalam na'ko. Naglakad na ulit ako pabalik sa may classroom habang nagpipray sa isip about sa sinabi Ni Lord na revelation sa'kin kanina kay Caleb.

God wants me to win his soul back. He wants to use my life to return him home.

Medyo kabado man, dahil hindi ganon kadali isipin na magiging ka-close ko ang lalaking yun, still, I stick to trust by faith na hindi ako pababayaan Ng Someone na nagcommand sa'kin na gawin ang bagay na ito.

When God leads, He provides.

So I'm just gonna trust Him in entering this challenging, uncomfortable but worthy path...

______________________________

Classroom | 12 pm.

Lunch time na. At patungo na kami ngayon ni Ruth sa canteen para kumain. Nasabi na rin nga pala nya kanina na sa Drama Club sya ni-lead Ng Lord. Siguro doon kasi, para raw mamold na rin sya mula sa kanyang pagiging introvert. Mahiyain kasi 'tong si Ruth eh... at naniniwala ako na sa club na ito, dito talaga sya babaguhin Ni Lord.

Minsan talaga, nilalagay Nya tayo sa mga lugar na kung saan hindi natin gusto. Sa hindi tayo komportable. Kasi don.. dun Sya magkakaroon ng chance para hubugin tayo.

Kaya asahan mo na, na kung saan ka pa 'di magaling at pinakamahina, ay dun ka pa mas lalong pinagsisiksikan Ni Lord. Kasi ibig sabihin lang nun, He wants you to get out of your comfort zone and to grow.

Palabas na kami ni Ruth ng pinto ng bigla na lang may humawak sa braso ko. Napahinto kami at takang tiningnan ang gumawa nito. Ngumiti lang naman sya sa'min at saka nagsalita.

"U-Uhm, sorry to bother, but... can I ask something?" napapakamot sa batok na sabi nya.

Napangiti naman ako rito dahil ang cute nitong tingnan. "Oh, sure. Ano yun David?"

Tumingin sya sa'kin at saka muling sumagot.

"P-Pwede ba'kong sumabay sa inyo ng lunch?"

Nagkapalitan kami ng tingin ni Ruth pagkarinig nun, pero di kalaunan, sabay rin naman namin syang sinagot.

"Oo naman!"

Isang malawak na ngiti ang sinukli nya sa'min.

"Wow, thanks. Oh tara, ako na bahala, treat ko kayo."

Wala naman na kaming nagawa pa dahil mapilit sya. Kaya yun, sabay-sabay na kaming tatlo na naglakad patungo sa canteen habang nagkekwentuhan.

David is kind, actually. Madali lang syang makagaanan ng loob dahil ang light lang ng personality nya.

He's also smart, tall and . . . yeah, gwapo sya. Sya rin ang napiling class president sa room nong mag-election kami kahapon.

He's almost perfect.

but...

There's something in him, specially in his eyes, na hindi ko magustuhan.

Para syang hindi totoong okay...

Parang mayroon syang lihim na natatakot syang i-open sa kahit na sinong tao, kaya pinipili na lang nyang itago ito sa pamamagitan ng pagpapanggap na ayos lang sya . . . kahit hindi.

𝘓𝘰𝘳𝘥, 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘤𝘢𝘯 𝘐 𝘥𝘰 𝘵𝘰 𝘩𝘦𝘭𝘱 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘨𝘶𝘺? mahinang panalangin ko sa isip habang palihim na tinititigan sya.

I'M NOT ASHAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon