Chapter 16

77.4K 1.5K 46
                                    

Chapter Sixteen

Tanghali na nang makarating sila sa resthouse ng pamilya ni Dominic sa Batangas. Pagpasok pa lang sa loob ay sinalubong na si Monique ng magandang tanawin ng dagat. The floor to ceiling glass wall facing the ocean made the scenery pisturesque. Pakiramdam niya tuloy ay nasa loob siya ng painting.

"Come here." Nakangiting binuksan naman ni Dominique ang sliding door at iminuwestra sa kanya ang balkonahe. Paika-ikang lumapit si Monique at lalong nadagdagan ang paghanga niya sa ganda ng lokasyon. Nakatayo ang resthouse sa taas ng burol. May malawak na infinity pool sa kanan habang sa kaliwa naman ay natanawan niya ang hagdang-bato pababa sa dalampasigan.

"It's beautiful. Thank you for bringing me here."

Ngumiti ito tsaka naglakad palapit at tumabi sa kanya. They stood there side by side. Pareho silang tahimik habang nakatanaw sa payapang dagat. Panakaw siyang sumulyap rito, at awtomatikong kumabog ang puso niya nang mahuling nakatingin din ito sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tumikhim.

"Kaninong rest house 'yon?" Itinuro niya ang resthouse sa kabilang dulo ng infinity pool.

"Sa mga Montegrande."

"Ah." Muli niya itong sinulyapan at para bang dumoble ang tibok ng puso niya nang makitang nakatingin pa rin ito sa kanya. Sa halip na mag-iwas ng tingin ay tinaasan niya ito ng kilay.

"What?" depensa nito sa naghahamon niyang tingin.

"Anong tinitingi-tingin mo?"

"Masamang tumingin?"

Sinimangutan niya lang ito bago muling ibinalik ang tingin sa dagat. Gusto sana niyang sabihin na masama para sa puso niya ang tingin nito pero hindi na lang siya kumibo. Baka dahil sa magandang tanawin kaya kumakabog ng ganito ang puso niya. Yeah. Iyon nga siguro. Pumikit siya at humugot ng malalim na hininga. Ah, the smell of the ocean breeze.

Napasinghap siya at napamulat ng mata nang maramdamang ang pagpulupot ng braso ni Dominic sa bewang niya.

"Wha—?"

"Let's stay like this for a minute." Bulong ni Dominic tsaka ipinatong ang baba sa balikat niya. Ilang sandali siyang parang tuod at hindi makagalaw bago niya hinayaan ang sarili na maging komportable. Sumandal siya sa dibdib ng asawa at ipinatong ang palad sa braso nito. Paminsan-minsan ay nararamdaman niyang hinahalikan ni Dominic ang buhok niya at hindi naman niya maiwasang mapangiti. Pumikit siya nang maramdaman ang labi nito sa tenga niya hanggang sa bumaba iyon sa leeg niya. Hinawi ni Dominic ang buhok niya at parang wala sa sariling ibinaling niya ang leeg para bigyan ng daan ang labi nito. He did not disappoint her. Hinalikan nito ang leeg niya at ni hindi niya nakilala ang kumawalang ungol mula sa kanya nang sipsipin at padaanan pa nito ng dila ang leeg niya.

"Dominic." Humigpit ang hawak niya sa braso nito at para namang naging imbitasyon iyon para rito. Ipinihit siya ni Dominic paharap, kinabig at para bang uhaw na uhaw na hinalikan ang labi niya. She returned his kisses with equal fervor. Pakiramdam ni Monique ay bibigay ang tuhod niya kaya ipinulupot niya ang braso sa batok ni Dominic at kinabig ito palapit. She gasped when he suddenly palmed her bottom, squeezed it before he lifted her up. And then they were kissing some more. Ni hindi na alam ni Monique kung ano ang nararamdaman niya. All she knows is she wanted more. More.

Kaya nga nabigla siya nang ibaba siya ni Dominic. What... what happened? What? Ni hindi siya makapag-focus nang magmulat ng mata. Kapwa sila humihingal ng mag-agwat ang labi nila, pero walang ibang pumapasok sa isip ni Monique kundi ang muli itong halikan.

Siguro ay nabasa ni Dominic ang gusto niya dahil muling bumaba ang mukha nito. Pumikit siya. She was anticipating his kisses that she felt a wave of disappointment when it didn't come.

Defining DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon