Chapter Ten
Titig na titig si Monique sa repleksyon niya sa salamin.Hindi siya makapaniwala sa nakikita. The girl in the mirror looks like a bride. Bigla ay parang gusto niyang kastiguhin ang sarili. Hindi niya akalain na siya pala ang tipo ng babae na nagpapadala sa kilig. Nasabihan lang na gwapong lalaki na babaguhin nito ang apelyido niya ay pumayag naman agad siya. Halos isang linggo pa lang mula ng mamanhikan ang mga Villegas pero heto at dalawang araw na lang ay haharap na siya sa altar.
Hindi naman masasabing napilitan lang siya dahil simula't sapul ay hawak naman niya ang desisyon. Hindi lang niya akalain na ganito kabilis ang magiging kasal. Tinanong naman siya ng mga ito kung pabor sa kanya ang petsa ng kasal at nasa wisyo naman siya ng sumang-ayon.
Damn! Anong ginawa sa kanya ni Dominic? Anong klaseng mahika ang ginamit nito sa kanya na ni hindi siya nakapagreklamo sa bilis ng mga nangyayari. Ni hindi na niya nakumpronta kung anong relasyon nito kay Janine. Nginitian lang siya at sinabihan ng gasgas na linyang nagpakilig sa kanya ay nakalimutan na niya ang lahat ng alinlangan.
"Ma'am, ready ba po kayo?" Sumungaw sa pinto ang isa sa coordinator at ngumiti nang makita siya. "Ay, ang ganda mo, ma'am."
"Thank you. And yes, I'm ready."
Sa totoo lang ay tutol siya sa pre-nuptial photoshoot na gusto ng mommy niya. Masyadong maikli ang preparasyon nila para dagdagan pa ng ganitong bagay pero sadyang walang makakapigil sa gusto ng mommy niya, na sinuportahan pa ng mommy ni Dominic.
Ayaw daw ng mga ito na lumabas na hindi pinaghandaan ang kasal nila lalo pa't kumalat agad sa buong probinsya ng San Juan ang tungkol sa kasal sa pagitan ng Villegas at Torralba. Hindi nga niya akalain na pati sa National news ay mapapabalita iyon. Ang sana'y simple at intimate wedding na hiningi niya ay napalitan ng magarbong kasalan. Parehong pamilya ang nag-aasikaso sa kasal at ni hindi na nga sumasangguni sa kanya. Kung hindi pa siya magtatanong sa mommy niya ay baka wala siyang alam miski isang detalye sa magiging kasal.
Well, at least nakapili siya ng kulay ng motif at kilala niya rin ang groom.
Nang tumayo siya ay lumapit naman agad ang coordinator, na nagpapakilalang Iya, at tinulungan siyang bitbitin ang halos tatlong metro yata na longtrail dress na ipinasuot sa kanya ng stylist. Alanganin pa sana siyang isuot iyon dahil bukod sa off shoulder at malalim ang neckline ay backless pa iyon. Pakiramdam niya ay lantad na lantad ang balat niya.
"Bagay na bagay sa'yo, Ma'am. Paniguradong mai-inlove na naman sa inyo si Sir."
Tipid siyang ngumiti. Kung sana nga ay talagang love ang dahilan ng pagpapakasal nila, ang kaso mo ay hindi. Hindi naman niya isinasara ang puso sa posibilidad na 'yon. Marami na siyang nabasang ganoon sa libro. Nagsimula sa isang kasunduan pero kalaunan ay nagkakagustuhan din. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung talagang nangyayari 'yon sa totoong buhay.
Basta ang alam lang niya sa ngayon ay kaya niyang pakisamahan si Dominic. They may not love each other in a romantic way but she knows they are gonna end up being friends. Ang importante lang naman ay maging daan sila para magkasundo na ang pamilya nilang dalawa.
"Ayun na pala si sir."
Agad namang nahanap ng mata niya si Dominic. Nakatayo ito sa dulo ng roof deck at nakatanaw sa dagat. Kahit nakatalikod ay para bang nagsusumigaw na ang kakisigan nito. Ramdam na ramdam din niya ang presensya nito kahit na malayo pa siya. Hindi tuloy niya maalis ang tingin kay Dominic habang naglalakad palapit.
Tila naramdaman nito ang tingin niya dahil bigla itong humarap. Napahinto tuloy siya sa paghakbang nang magtama ang mata nila. His stare was so intense she could barely move. Rinig na rinig niya ang dagundong ng puso at mas tumindi pa 'yon ng bumaba ang tingin nito sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
Defining Destiny
ChickLitSi Monique Gabriel ang nag-iisang apong babae sa buong angkan ng Torralba dahilan kung bakit nasasakal siya sa atensyong nakukuha sa pamilya. Bukod pa roon ay tanyag rin ang angkan niya dahil sa halos sampung dekadang alitan laban sa mga Villegas. I...