Chapter 5

84.8K 1.8K 151
                                    

Chapter Five

According to Gerald Vincent Raymundo, former formula one race car driver at ngayon ay bagong ambassador ng campaign for safe driving advocacy dito sa Pilipinas, speed-driving daw ang isa sa nagiging dahilan ng car crash.

Alam ni Monique 'yon dahil siya mismo ang nag-interview sa binata para sa January edition ng A-Men.

Kaya nga hindi makapaniwala si Monique nang makita ang napakaraming kabataan na nakatayo sa gilid ng kalsada habang panay ang sigaw para sa dalawang sasakyan na nakatigil sa gitna ng kalsada. Nilingon niya si Marcus.

"What the hell? Drag racing?" Namimilog ang matang aniya.

Tumango lang si Marcus.

Napahawak siya sa noo. "This is illegal." Aniya at agad na sinuyod ng tingin ang paligid; hinahanap ang sasakyan ng kapatid. Dumako ang tingin niya sa mga sasakyan na nakaparada sa isang bakanteng lote. Wala roon ang kotse ng kuya Michael niya.

Ibinalik niya ang tingin sa dalawang sasakyan na nasa gitna ng kalsada. Pilit niyang inaninag kung iyon ba ang kotse ng kapatid. Masyado nang mausok dahil panay ang buga ng usok ng isa, kinailangan niya pang makipagsiksikan sa mga kabataan na naroon para matanaw ang dalawang kotse.

"Oh my God!" Bulalas niya at napatakip sa bibig nang makitang sasakyan nga ng kuya Michael niya ang isa. Mabibilis ang bawat hakbang na isiniksik niya ang sarili sa mga naghihintay na magsimula ang laban. Ni wala na siyang pakialam kung sino ang masagi niya. Ang importante ay mapigilan niya ang kapatid.

Lalong namilog ang mata niya nang makita ang isang babae na naglakad at tumayo sa gitna ng dalawang sasakyan. Itinaas nito ang hawak na flag dahilan para lalong lumakas ang ugong ng makina kasabay ng paglakas ng sigaw ng mga tao.

Tinakbo na niya ang distansya pero huli na dahil ibinaba na ng babae ang bandera dahilan para umarangkada ang dalawang sasakyan.

Napatili na lang siya.

Nanlambot ang tuhod niya nang makita ang mabilis na pagpapatakbo ng kapatid hanggang sa hindi na nila matanaw ang mga ito.

"Brat!" Agad siyang sinaklolohan ni Marcus bago pa man siya mapaupo.

Naiiyak na tiningnan niya ang pinsan. "What the hell is this?"

Umiling lang ito. "Ilang beses na kaming hinahamon ng mga Villegas na makipagkarera. Ayaw lang patulan nina Kuya Michael. I think napuno na sina kuya."

Napasinghap siya. May ideya siya kung bakit napuno na ang kapatid. And It has something to do with his ex girlfriend and a certain Villegas.

Lalong nagsigawan ang mga taong nasa paligid habang nakatingin ang mga ito sa screen na nakaset up sa bakanteng lote.

Napapikit siya. Wala siyang lakas ng loob na panoorin ang karera pero malakas naman ang loob niya na itigil qng kalokohang ito. Kuyom ang kamao na nagmartsa siya pabalik sa sasakyan. Nang makuha ang cellphone ay agad niyang idinayal ang isang numero.

"Hello? May irereport po akong illegal drag racing." Simula niya bago ibinigay ang kanilang lokasyon.

Kabadong-kabado si Monique habang hinihintay na muling sumulpot ang sasakyan ng kapatid. Hindi siya mapakali at tanging ang hiyawan lang ang nagsasabi sa kanya na wala namang napapahamak sa karera.

Napatayo lang siya nang tuwid nang marinig ang tunog ng humahahibis na sasakyan. Napatakip siya nang bibig nang makita ang kotse ng kuya Michael niya. Ilang pulgada ang lamang nito sa kalaban hanggang sa mauna na nga itong makatawid sa linya.

Lalong lumakas ang sigawan at nangingibabaw sa buong lugar ang apelyido nila. Torralba.

Malayo-layo rin ang inabot ng kotse ng kuya niya bago tuluyang huminto. Kahit pa nakahinga na siya ng maluwag ay hindi pa rin nawawala ang inis niya. Agad siyang tumakbo palapit sa kapatid na ngayon ay lumabas na ng sasakyan kasama ang dalawa nilang pinsan. Nakapaskil sa mukha ng mga iyo ang isang ngisi bago itinaas ang kamay.

Defining DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon