Chapter 23

60.8K 1.1K 47
                                    

Chapter Twenty-Three

Mabigat pa rin ang loob ni Monique dahil sa nangyari. Huli na tuloy bago niya namalayan na nakalabas na pala siya ng San Juan at tinatahak na ang daan paluwas ng Maynila. Ilang minuto rin siyang nagdalawang-isip kung pipihit pa ba siya pabalik o didiretso na sa Maynila.

She ended up choosing the latter option. Itetext na lang niya si Dominic para sabihing lumuwas na siya. Kailangan na rin naman niyang pumasok sa opisina bukas, kaya maigi pang bumalik na siya ngayon.

Pasado alas-siete na nang makarating siya sa condo na tinutuluyan sa Makati. Dalawang taon na rin mula ng lumipat siya rito. Bukod kasi sa malaki ang ancestral house ng pamilya sa Quezon City ay malayo pa iyon sa pinagtatrabahuhan. Wala namang nagawa ang pamilya niya dahil ipinaalam lang niya sa mga ito ang naging desisyon noong makalipat na siya.

Pagbukas pa lang ni Monique ng pinto ng unit ay may kakaibang pakiramdam na sumalubong sa kanya. She couldn't exactly pinpoint what it is. Pero alam niyang salungat 'yon sa inaasahan niya. Akala kasi ni Monique ay gagaan ang pakiramdam niya kapag nakabalik siya pero ni wala siyang nakapang saya. Something was missing. Kung ano 'yon ay hindi niya rin alam.

Pagod na hinubad niya ang sapatos tsaka siya dumiretso sa kwarto at padapang ibinagsak ang sarili sa kama. Bigla ay para siyang inatake ng antok. Sa dami nang nangyari ay para bang naubusan na siya ng lakas. Papikit na siya nang maalalang hindi pa niya naite-text ang asawa. Labag man sa loob ay naupo siya at hinagilap ang bag. Napamura siya nang hindi niya mabuksan ang cellphone. Crap! Lobat pa yata. Hinalughog niya ang bag at bahagyang kinabahan nang makitang wala roon ang charger. Hindi pa naman niya dala ang laptop.

Tumayo siya at inisa-isa ang drawer sa bedside table. Nang wala pa ring makitang charger ay nagtungo siya sa kabilang kwarto. It was a guest room that she turned into her home office. Hinalughog rin niya ang bawat drawer pero wala siyang makitang spare charger. Kahit connector ay wala. Sinulyapan niya ang personal computer at frustrated na napabuntong- hininga nang maalalang hindi pa niya naipapaayos ang blue screen kaya hindi rin 'yon magagamit.

Now what? Paano niya ite-text ang asawa? Hindi pa naman siya nagsabi na luluwas na siya ng Maynila. Hindi rin alam ng pamilya niya.

Saglit niyang pinag-isipan kung lalabas ba siya at maghahanap ng convenience store kung saan pwedeng mag-charge. O di kaya ay bumili na lang ng bagong charger. Ang kaso mo ay tinatamad na siyang lumabas. Gabi na rin naman. Sa huli ay pinili na lang niyang ipagpabukas ang pag-contact sa asawa. Hindi naman siguro ito mag-aalala.

Baka nga nasa ospital pa ito at nagbabantay kay Janine. Agad siyang napangiwi sa naisip.

"Seriously, Monique Gabrielle?" Kastigo niya sa sarili. Napag-usapan na nila 'to ni Dominic kaya bakit ba hindi mawala sa sistema niya ang pagkainis kapag naiisip ang dalawa.

What the hell is happening to her? Iniling niya ang ulo at hindi na inanalisa ang nararamdaman. Kulang lang siguro siya sa pahinga. Muli siyang bumalik sa kwarto at muling ibinagsak ang sarili sa kama. Pero hanggang sa makaidlip ay laman pa rin ng panaginip niya si Janine at ang asawa.




WALA SA MOOD SI Monique nang magising kinabukasan. Pero pinilit niyang bumangon. Nang makaligo ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya. She was feeling lethargic. Siguro ay meron pa siyang hangover sa mahigit isang buwang bakasyon.

Argh! Ewan ba niya pero parang gusto niya pang mag-extend ng bakasyon at bumalik na lang sa San Juan. Bumigat na naman tuloy ang pakiramdam niya nang makarating sa opisina.

"Good morning, Miss Monique." Bati ng security guard pagkakita sa kanya. "Kumusta po ang bakasyon?"

"Ayos lang, Kuya Rene. Heto, gusto ko na ulit magbakasyon."

Defining DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon