Kabanata 5

182 14 39
                                    

[Kabanata 5]

Nang makarating si Athena sa kanyang silid ay agad siyang dumiretso sa kanyang banyo. Puno na ng mainit-init na tubig ang kanyang banyera at may lumulutang na mga dahon ng rosas dito. May naka patong na isang puting bestida sa isang maliit na lamesa sa tabi ng kanyang banyera.

Inalis ni Athena ang kanyang bestida at mga alahas na nakasuot sa kanyang leeg at taenga at agad na nag tampisaw sa banyera. Agad niyang nilinisan ang kanyang sarili at mabilis din siyang natapos.

Isinuot niya ang puting bestida at pinag masdan ang kanyang sarili sa malaking salamin na nasa kanyang kwarto. Sinuklay niya ang kanyang mahabang buhok at inilagay niya dito ang isang puting bulaklak na ipit sa buhok.

"Mahal na Prinsesa, kanina pa po kayo hinihintay sa baba." Kumatok si Gwen sa pinto kaya agad na napa tingin doon si Athena. Huminga ng malalim si Athena at binuksan ang pinto.

Napatingin si Athena kay Gwen ng taas baba at napangiti ito ng napakalaki. Naka suot ngayon si Gwen ng isang bestida na kulay itim at napahanga si Athena sa kanyang tinataglay na kagandahan.

Ehem* ehem* ubo ni Athena bago mag salita.

"Bagay na bagay sayo ang iyong bestida," sambit ni Athena at inikutan pa si Gwen. Ngumiti si Gwen at nag pasalamat kay Athena.

"Sa tingin mo magugustohan ni Prinsipe Gabriel ang aking kasuotan?" Napa singkit ang mata ni Athena at maslalong napangiti nang marinig niya ang sinabi ni Gwen.

"Este, magugustohan kaya ng mga bisita?" pag tama ni Gwen sa kanyang sarili. Nanatili si Athena na nakangiti habang namumula naman na parang kamatis ang mukha ni Gwen.

"May gusto ka kay Prinsipe Gabriel?" tanong ni Athena habang naka ngisi ng nakakaasar.

"Mali ang iyong narinig Prinsesa," tanggi ni Gwen ngunit, hindi madaling lokohin si Athena.  Nag-aaral siya ng abogasya kaya matalas ang kanyang pandinig.

"Hindi ako bingi. Narinig ko ang sinabi mo," saad ni Athena at humalukipkip sa harap ni Gwen.

"Mahal na Prinsesa, mali talaga ang iyong narinig," pilit pa ni Gwen kaya tumango-tango si Athena at sinabing...

"Hay, wag kang mag alala, hindi ko iyon sasabihin sa iba. Tara na nga," saad ni Athena at hinila na si Gwen paalis.

Bawat pintuan ng kanilang palasyo ay may mga guwardiya na kabantay rito. May mga naka sabit na larawan sa bawat dingding at ang mga malalaking aranya na nakasabit sa itaas na patuloy na kumikislap at nag bibigay ng ilaw sa boung palasyo.

Kasalukuyang pababa palang sila Athena nang biglang maapakan ni Gwen ang kanyang bestida at sabay silang mahulog pababa sa hagdan.

"Ahhhhh!" sigaw nilang dalawa habang patuloy na tumatalbog sila pababa ng hagdan.

Agad na nanlaki ang mga mata nila Prinsipe Mizra nang makarinig sila ng malalakas na sigaw galing sa napakalaking sala ng palasyo. Agad na tumayo si Prinsipe Mizra at Prinsipe Gabriel at nag paalam sa mga hari upang sila na ang tumingin kung ano ang nangyari kila Athena.

Mabilis na lumakad sila papunta sa maluwang at madulas na sala at agad silang lumapit kila Athena nang makita nilang naka dapa ang mga ito sa sahig habang tumatawa. Agad na nag taka ang mukha ng dalawang Prinsipe habang nag tatawanan ang dalawang dalaga.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon