Kabanata 12

105 8 30
                                    


[Kabanata 12]

Athena's point of view...

Alas dos ng tanghali nang makarating kami kami sa malaking tarangkahan ng Carnelian. Pumapagilid ang lahat ng mga tao at nag bibigay galang habang patuloy na tumatakbo ang karwaheng pinag sasakyan namin.

Kasalukuyang naka silip ako sa bintana at manghang mangha sa mga tao na naninirahan dito.

"Ito ang palengke ng Carnelian. Pumapasok dito ang mga taga ibang nayon upang mag tinda o bumili ng mga iba't-ibang uri ng makakain, damit, at iba pa tulad din sa inyong kaharina ngunit, limitado ang mga nakakapasok sa Garnet dahil masyadong mahigpit ang iyong ama," paliwanag ni Prinsipe Mizra saakin kaya mas lalo akong humanga.

"Naaalala mo ba ang lugar na iyon?" Nabaling ang aking tingin sa lugar kung saan kami unang nag kita. Tumawa ako ng kaunti nang maalala ko kung ano ang mga nangyari at kung ano ang aking suot nung mga araw na iyon. Nakakahiya!!

"Syempre," tipid na tugon ko.

"Naging espesyal na ang lugar na iyon simula nang makilala kita," saad ni Prinsipe Mizra. Ngumiti ako at tumango. Gusto kong masuka dahil sa ka kornihan niya pero ayoko namang maging bastos noh.

Makalipas ang ilang munuto nakarating na kami sa kanilang palasyo. Sinalubong kami ng Hari habang nakalinya sakanyang likoran ang mga guwardiya na naka suot ng bakal, ulo hanggang paa.

"Maligayang pag balik aking anak at sayo rin Prinsesa Amalia," pagbati ng Hari kaya yumuko ako at ngumiti.

"Nagagalak po akong bumisita rito--" bago ko pa matapos ang aking sinasabi ay narinig na namin ang malakas na boses na ni Prinsipe Alister.

"Ama! Nasan ba yong kabayo ko? Nandito lang yon kanina!" Inis na nag kamot si Prinsipe Alister na parang bata at agad na napatigil nang makita kami ni Prinsipe Mizra.

"Mag bigay galang ka sa Prinsesa ng Garnet, Alister." Agad na sumunod si Prinsipe Alister sa kanyang ama at yumuko sa harap ko.

"Maligayang pag dating Prinsesa Amalia, at sayo asungot kong kapatid," saad niya kaya natawa ako ng kaunti. Mahinang tinadyakan ni Mizra ang kanyang kapatid dahilan para mapaiwas ito. Hindi ko alam na ganyan pala sila.

"O siya, halina kayo at kanina pa nakahanda ang mga pagkain. Sigurado akong nagutom kayo sa biyahe," pag aya ng Hari kaya sumunod kami sakanya patungo sa kanilang hapag.

"Kapag hindi mo nahanap ang iyong kabayo, wag kang hihingi saakin ng pangbili Alister," saad pa ng Hari ng Carnelian habang nag lalakad kami. Bahagyang napanguso ang Prinsipe at humiwalay saamin upang hanapin ang kanyang kabayo.

"Sobrang makakalimutin ang aking kapatid at labing-walong kabayo na ang kanyang nawawala. Hindi naman namin alam kung may nangunguha ba ng kanyang kabayo o sadiyang nakakalimutan niya lang itali o ikulong at nakakatakas ang mga ito palabas ng palasyo." Natawa ako sa kwento ni Prinsipe Mizra at pinag masdan ang kanyang kapatid na nag tatanong sa mga guwardiya.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon