Chapter 8

57 6 1
                                    

Zaphnie's POV

Pagkarating namin sa bahay sinabi namin kay Tita ang nangyari. Hindi naman siya nagalit bagkos ay nagpasalamat pa siya dahil sa sinabi ni Tito.

Nandito kami ngayon sa study room ni Tito dahil gusto niya akong makausap

"Umupo ka Zaph." Kung nagtataka kayo dahil totoo kong pangalan ang tawag sa akin ni Tito ay dahil ito ang sinabi ko sakaniya. Hindi kasi ako sanay na tawagin akong Prinsesa.

Umupo na ako sa tabi ni Tito.

"Alam mo ba ang dahil kung bakit ganoon ang sinabi ko kay Mr. Montier kanina?" Umiling ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan ni Tito. Basta ang alam ko lang, hindi niya sasabihin ang katotohanan nang walang permiso sa akin o di kaya pag-uusapan muna namin.

"May nakapasok na ibang Lobo dito sa mundo nang mga tao."

"Po? Lobo? Pero diba sina Mr. Montier lang naman ang Lobo dito?" Sabi ko. Nagtataka ako, bakit naman sila pa ang pupunta dito?

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko may Lobo na umaaligid dito. Naalala mo paba iyung umatake sa atin sa gubat?" Tumango ako.

"Base sa nakita ko sa balita, hindi lamang iyon ang lobong nandito." Pahayag ni tito

"Balita? Ano pong konek nun?" naguguluhan kong

"Bali-balita ngayon na may umaatakeng mabangis na hayop sa mga gubat, at nakita ko mismo ang mukha nang namatay na tao sa balita kagabi. Lobo lang ang may kayang gawin sakaniya iyun. Kaya nga wala nang pumupunta sa gubat." Mahabang sabi ni Tito

"Pero bakit naman bigla silang umaatake?"

"Hudyat ito na maghihiganti na si Fernando. Ilang taon na siyang nanahimik, sapat na iyon para magpalakas siya. Iyon ang dahilan kung kaya't kailangan kong magsinungaling ky Mr. Montier. Kailangan kong masiguro ang kaligtasan mo Zaph, sana ay maintindihan mo ako."

"Naiintindihan ko po kayo Tito. Salamat po sa pag-alala sa kaligtasan ko."

"Walang anuman. Matulog kana. Gabi na. Mabuti nalang at sabado na bukas. Wala kayong klase, makapagpahinga ka. Hindi muna tayo magsasanay pero kung gusto mo magsanay kalang sa basement."
May basement talaga dito sa bahay. Malapad doon kaya pwede kami roon magsanay.

"Opo, Goodnight po Tito." Sabi ko at umalis na ako at nagtungo sa kwarto ko para magpahinga.

Sa kabilang dako.....

Someone's POV

Twinkle Twinkle little one
How I wonder where are you?
Up above the world so high
Be ready and prepare to DIE.

Tumawa ako nang malakas.

Mahahanap din kita munting Prinsesa. Sisiguraduhin kong mauuna kang mamatay keysa sa magulang mo. *smirk*

Primotivo's POV

Hindi ko lubos maisip na namatay na ang prinsesa... Paano nalang ang aming mundo? Nakasaad sa propesiya na tanging ang prinsesa lamang ang makakatalo sa kalaban. At iyon ay walang iba kundi si Fernando, ang hari ng mga itim na lobo.

Kasuklam-suklam sila.

Mga traydor.

Dahil wala na ang prinsesa, ako ang papatay kay Fernando.

Tandaan mo ang pangalang PRIMOTIVO MONTIER, Fernando.

Dudurugin kita nang pinong-pinong..

hanggang sa balahibo mo nalang ang maiiwan.

Hindi ko hahayaan na ang isang katulad mo ang mamumuno sa Ortex at sasakupin pati ang Mundo ng mga Tao.

--------
(A/N : Wooop!! Ang Ortex po ay ang mundo ng mga wolves at elf at kung ano pa. Nakalimutan kong isulat sa simula palang. Sorry po..

Kilala niyo na ba si.Someone? Hahaha... I'm sure kilala niyo na siya  .. hihi)

| Luhan Baozi |

Princess of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon