Chapter 3

89 10 1
                                    

As what as I have said.. Here's the update! Enhhoyy..

---

Zachary's POV

Papasok na ako sa gate ng school namin nang my naramdaman akong kakaiba.. Wala naman akong nakitang anino ng prinsesa dito pero bakit nararamdaman ko ito?

Umiling nalang ako.. Siguro napaparanoid lang ako kasi sabik na sabik na akong makita ang prinsesa. Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan. Haist. Pumasok nalang ako. Pero may nahagilap ang mga mata ko, dalawang babae na nakatayo sa harap ng ... gate? Uh? Binaling ko na lang ang atensiyon ko sa paglalakad.

Pero, kakaiba talaga ang nararamdaman ko pagka kita ko sa isang babaeng mas matangkad. Ah! Gutom lang siguro ito. Hindi naman kasi ako nag almusal.

Dumeretso na ako sa P.O.

*knock* *knock*

"Pasok!"

Pumasok naman ako.

"Ama."

"Oh anak. Anong ginagawa mo dito?" -tanong ni ama.

"Dinadalaw lang kita atsaka. Nandito ako para sabihin na may nakita akong dalawang babae na parang transferee dito."

"Transferee? Ah baka sila iyong tinutukoy kanina nang tumawag sa akin. Pupunta naman sila dito mamaya kaya makikita ko rin sila."

*Silence*

"Ama, Papaano ko ba mahahanap ang Prinsesa?" - biglang sabi ko

"Malalaman mo na siya nga ang prinsesa kapag nakita mong naging kulay berde ang kanyang mga mata"

"Sa tingin niyo po, nandito siya?"

"Kaya nga tayo nandito dahil nagbabakasakali tayo na baka nandito nga siya."

"Hahanapin ko po ang Prinsesa sa lalong madaling panahon."

"Mabuti kong ganoon."

"Aalis na po ako ama, baka mahuli pa ako sa klase."

Umalis naman kaagad ako roon.

Pagdating ko sa classroom, madami na ang estudyante sa loob kaya pumasok na ako.
Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na ang prof.

"Good Morning children" -Maam Romualdo

"Good Morning Maam??-- sabi nang mga kaklase ko. Hindi ako include dahil kilala ko naman siya at wala sa bokabolaryo ko ang bumati sa mga guro dito.

"I am Ms. Jenny Romualdo, and I am your new teacher in History. I taught Physics before but not until now because I try History. You know, new experience. Haha!"
Tumawa naman silang lahat.

Tapos konting introduction and blah blah. Then lesson kaagad. Bilis no? Ganyan talaga dito.

"Okay, pagpasensyahan niyo na kung nag e-english ako. Hehe, hindi mapigilan eh. Anyway ang unang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa Kasaysayan ng mga Costellantes. Ang Pamilyang Costellantes ay Nakatira sa Kahariang Armenya, Sila ang pinakamalakas na clan ng mga Elf. Ang Elf ay binubuo ng dalawang panig. Ang Rentos at Sentos. Ang mga Rentos ay ang klaseng Elf na mga Kulay berde. Sila ang nangangalaga sa mga halaman at mga mandirigma rin. Ang Sentos naman ay kulay Asul at sila ay mga mandirigma lamang na lumalaban sa mga masasama.
Noong unang panahon, si haring Edwardo Costellantes ay hinihintay na manganak na ang kanyang asawa na si Margaret, pagkatapos manganak pinangalanan nila itong Karylle Costellantes. Pero di kalaunan, nilusob sila ng mga lobo na pinamumunuan ni Edgar Fernando, ang hari ng mga lobo. Sila ay mga masasamang lobo na gustong patayin lahat ng mga elf dahil gusto nilang sila ang mamuno. Ngunit, may tumulong sa kanilang mga lobo, pero hindi sila masama. Hindi ko nga lang alam kung sino ang mga iyon. Pinatakas nila ang anak ng hari at reyna. And because--" biglang lumingon si Maam sa pinto.

"Are you two a transferred students?" -tanong ni Maam
Napatingin naman ang mga kaklase ko sa kanila..

"Yes Ma'am." - Sabi ng babae na hanggang balikat niya ang kanyang buhok.

"Pasok kayo." -Maam

"Okay, children may bago kayong kaklase, introduce yourselves mga iha." -Maam

Unang pumunta sa gitna ang nagsalitang babae kanina

"Hello everyone! I'm Marianne Ysabelle Valdez, 17 and it is my pleasure to be your classmate." - Marianne pala.

Sumunod nman yung babaeng mahaba ang buhok na hanggang bewang

"Hi, ako nga pala si Zaphnie Karylle Valdez, 17. Nice to meet you all." - Karylle

V-valdez?? Hindi naman siguro isa sa kanila ang prinsesa.

Nag-angat ng kamay si Allan at nagtanong.

"Magkapatid ba kayo?" -tanong ni Allan

Parang na stiff naman silang dalawa.

"Ah! N-no.. definitely not! Hehe, mag pinsan lang kami.." -biglang sabi nung Marianne

"Alright, dahil tapos na kayong mag pakilala, ako naman. I am Ms. Jenny Romualdo. 6 years na akong nagtatrabaho dito. At ako ang magiging history teacher niyo for the rest of the semester. Now you can sit beside Mr. Montier and Mr. Monteverde."

Tapos tinuro niya ako at si Ralph.
Si Ralph ay kauri ko at kaibigan ko rin.

Pagkaupo nilang dalawa naramdaman kong tiningnan ako nung si Karylle ata.

"Are you done looking at me?" - bigang sabi ko sa kanya tapos tiningnan ko siya.

"A-ah, s-sorry.." - Karylle

Inirapan ko nalang siya at nakinig na kay Maam.

----------------------------------------------

A/N : Hello guyss!! Siya nga pala yung sinabi kong revelation na magaganap baka sa mga sumunod pa na chapter .. Surrry.. 

| Luhan Baozi |

Princess of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon