Chapter 10

55 7 1
                                    

Zaphnie's POV

"Pare, kapag ayaw niya huwag mo nang pilitin." Nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko.

Tumalikod ako upang tingnan kung sino iyun...

T-teka.... Si.....

"R-ralph, Zach. A-anong ginagawa niyo dito?" bakit sila nandito?

Hindi sila sumagot sa tanong ko

"Pare huwag kayong mangialam dito" napatingin ako kay Chester. Ang higpit nang hawak niya sa akin.

" May karapatan kaming mangialam dahil kaibigan namin iyang sinasaktan mo" tingin kay Zach

"At bakit? Sino ka ba ha?!" tingin kay Chester

"Zach. Zachary Montier" tingin kay Zach

"M-montier? I-ibig s-sabihin a-anak ka n-ni...."

"Tama ka. Ngayon pwede mo na bang bitawan iyang kaibigan namin?" O-kay? Wala na akong mainitindihan dito. -_-?

"P-pasensiya na po." bigla niya akong binitawan at yumuko kay Zach.

"Halika na." sabi ni Ralph at nagsimula na silang maglakad.

Tahimik lang ako na sumusunod sa kanila. Naalala ko bigla si Fernando. Shett! Kailangan ko nang makauwi!

"Ah! A-ano, uuwi na pala a-ako. S-salamat kanina." Tumalikod na ako, baka may alam na sila. Mabuti nang umiwas.

"Sandali." napahinto ako, hinarap ko sila.

"A-ano?"

"Bakit nagmamadali ka kanina?" tanong ni Zach. Eto na nga bang sinasabi ko.

"Da-dahil walang tao sa bahay." pagdadahilan ko. Naku... kailangan nang umuwi nila Tita.

"Nagsisinungaling ka" sabat ni Ralph.

Tumingin ako sa kanya at taas noo ko siyang sinagot "Hndi ko naman sinabing maniwala ka." bahala na, basta makaalis lang ako dito

"Matapang ha." at ngumiti siya. Hindi ko na siya sinagot at tumalikod na

"Ano ba talaga ang sikreto mo?" napahinto ako sa tanong ni Zach.

"Wala akong sikreto at kung mayroon man, It's for me to know amd for you to found out. " dumiretso na agad ako sa bahay pagkatapos kong sabihin iyun.

-----

Zachary's POV

"Anong sinabi mong sikreto niya?" tanong ni Ralph habang naglalakad kami

"Parang mayroon siyang tinatago na ayaw malaman nang iba" sagot ko

"At ano naman iyun?"

"Iyon ang gusto kong malaman"

"Nga pala, kailan pa nandito ang Rodriguez Clan?"

"Nagulat nga din ako pagkakita ko sa anak niya."

"Akala ko nanahimik na sila.."

"Sasabihin natin kay ama ang tungkol sa pagbabalik nang Rodriguez Clan pati narin ang pagsunod ng mga sugo ni Fernando sa pamangkin ni Luke."

------

How is it? Si Ralph po ang nasa picture.

| Luhan Baozi |

Princess of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon