Chapter 5

65 8 3
                                    

(A/N : Hindi ko po inaakala na umabot pa ako sa chapter 5 . Haha, marami rin kasing nagbabasa kaya ipagpatuloy ko na.. Kung maganda, vote lang po ha? Hindi ko po ipinagbabawal iyan.)

Zaphnie's Pov

Pagkarating namin sa bahay narinig namin na parang nag-aaway sina Tito sa sala kaya nagtago muna kami sa pinto.

"Sinasabi ko na nga ba! Dapat noon sinabi mo na kay Zaphnie ang totoo hindi ka kasi nakikinig sa akin eh!" Tita.

Ha? Ano ang dapat kong malaman.

"Sasabihin ko naman sa kanya lahat eh, naghahanap lang ako nang tiyempo." Malumay na sabi ni Tito

Tiyempo para saan? Hindi ko talaga maintindihan.

"Kung hindi kapa nakita ni Primotivo, hindi ka gagawa nang aksyon!" Tita.

Hindi ko magets.. tiningnan ko si Ysa, tahimik lang siya na nakikinig.

"Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya!" Tito.

"Eh di sana noon palang sinabi mo na diba? Hindi iyong, ipapasok mo lang siya doon sa eskwelahan na iyun na wala man lang alam. Hay nako Luke!" Tita.

Bago pa sumagot si Tito, pumasok na ako at sumunod naman si Ysa.

"A-ano po ang dapat kong malaman?" Nagulat naman sila.

"Z-zaph.. A-ano, k-kanina kapa d-diyan?" Kinakabahang sabi ni Tita.

"ANO PO ANG DAPAT KONG MALAMAN?!" Nag freak out na talaga ako. Ano ba ang tinatago nila sa akin!

"Zaph, iha umupo ka muna dito ang ipapaliwanag ko."
Sumunod naman ako, gusto ko kasing malaman.

"Sa kwarto lang po ako" sabi naman ni Ysa. Alam kong may alam din ito, bakas sa kanyang mukha na nag-aalala siya..
Tumango lang si Tito.

"Gusto mo ba talaga malaman lahat?" Biglang tanong ni Tito, si Tita naman tahimik lang.

Tumango ako

"Eto muna, alam mo ba ang kasaysayan tungkol sa mga Costellantes?" Tumango naman ako, inulit kasi ni Maam  ang pagkwento niyan kanina kasi hindi namin narinig. Kaya nalaman ko ang tungkol diyan. Pero ano naman ang konek nun?

"Ganito kasi iyun, alam mo naman na may anak sila at kasalukuyan itong nawawala?" Tumango ulit ako.

"Pero diba po matagal na iyun? Akala ko nga po hindi iyun totoo?" Saad ko.

Tumawa naman ng konti si Tito.

"Totoo iyon. Nangyari iyon labing pitong taon na ang nakalipas."

Flashback (nahirapan ako dito XD)

(Itong pangyayari po ay nanganganak na ang reyna, and third person po ang nagsasalita dito. Para mas klaro.)

"Aaaaah!" sigaw ni reyna Margaret

"Ire lang po mahal na reyna.." sabi naman ng babaeng nagpapaanak sa reyna

"Kaya mo iyan mahal. Nandito ako." Sabi ni haring Edwardo

"Aaaaaah!! Hoo! Hooo!"

At sa huli narinig din nila ang iyak ng isang sanggol.

Inilagay ito ng babae sa isang malinis na sapin.

Ngumiti naman ang mag-asawa.

Pero biglang pumasok ang mag-asawang katiwala nang reyna at hari.

"Mahal na reyna! Umalis na po kayo rito! Papunta na dito ang hari ng itim na lobo! Papunta si haring Fernando!" Hinihingal na sabi nang babaeng nagngangalang Susan.

"A-ano?? Paano iyan! Kakapanganak ko palang! Baka mapahamak ang anak ko!" Nababalisang sabi ng reyna

"Kumalma ka lamang aking mahal. Susan, Luke, Ipagkakatiwala ko sa inyo ang aming anak.. Naway alagaan ninyo ito." At ibinigay niya ang kanilang anak sa mag-asawa.

"Pero mahal..baka hindi na natin makita pa ulit ang ating anak."

"Magtiwala ka aking mahal. Hahanapin natin siya sa takdang panahon." At hinalikan nilang dalawa ang kanilang anak.

"Umalis na kayo rito! Dalhin niyo siya sa mundo nang mga tao! Alam kong doon siya magiging ligtas. Alagaan niyo siyang mabuti. Utang na loob ko sa inyo ito."

Tumango lamang ang dalawa at dali-daling umalis. Hindi na nila ito nabigyan pa nang pangalan dahil wala nang oras.

Biglang bumukas ang pinto. Nagulat ang hari at reyna.

"Paumanhin hari at reyna kung pumunta ako dito. Hahaha!" Si Fernando.

"Ano na naman ba ang kailangan mo Fernando?!" Matigas na tanong ng Reyna

"Simple lang naman. Ang kamatayan niyo, kapag nangyari iyon ako na ang mamumuno dito. At kapag ako na ang mamumuno, sasakupin ko ang mundo ng mga tao! Hahaha!! Magandang plano hindi ba?"

"Napakasama mo talaga Fernando, wala kang kasing sama!" Hari

"Alam ko na iyan." At biglang sumugod si Fernando sakanila at nag anyong Lobo.

Pero bago pa ito makaabot sa kinaroroonan ng Hari at Reyna, may pumigil na dito.
Isa itong puting lobo.

Sinugod niya ito sa gilid ang kinagat ang leeg ng itim na lobo kaya umungol ito.
May pumasok rin na iba pang puting lobo at pinalibutan nila ang itim na lobo. Sumugod ang isa ngunit tumakbo ang itim na lobo papunta sa pintuan para tumakas. Bago siya umalis ay may sinabi ito na hindi nagustuhan ng lahat.

"Babalik ako! At sisiguraduhin kong luluhod kayo sa harapan ko! Tandaan niyo iyan!" Iyan ang katagang sinabi niya na bumagabag sa isip ng lahat.

Bumalik na sa anyong tao ang mga puting lobo.

"Huwag niyo nalang pong pansinin si Fernando mahal na hari. Hindi pa sapat ang lakas niya para talunin ako. Ako nga po pala si Primotivo Montier mahal na hari, namumuno sa mga Puting Lobo." Sabay yuko ni Primotivo at sumunod naman ang iba pa niyang kasama.

"Maraming salamat sa inyong lahat Utang ko sa inyo ang buhay namin ng asawa ko" sabi ng hari.

Hindi lamang iyong araw na iyun na lumusob si Fernando. Nakaraming subok narin siya ngunit nabigo ulit siya.

Sa ngayon, isang taon na siyang nananahimik kaya alam nilang lahat na kapag babalik na ito, mas malakas na siya hindi tulad ng dati.

Kaya pinapahanap na nila ang kanilang anak dahil nakasaad sa propesiya na siya lang ang makakapigil kay Fernando.

*End of Flashback*

"A-ako po ba iyung hinahanap nila?" Tanong ko.. hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Oo, ikaw iyun at si Primotivo ang Principal ng Montier Academy. Kaya kita sinasanay dahil para narin maging handa ka sa lahat bago ka namin iharap sa kanila. Pasensya narin kung ngayon lang namin ito sinabi." Tito.

"Okay lang po, atleast ngayon alam ko na ang lahat. Salamat po dahil sinabi niyo sa akin ang totoo." Sabay punas ko sa aking luha.

"Walang anuman iyun iha." at niyakap nila ako.

Ngayon alam ko na kung sino talaga ako. Kailangan ko iwasan si Zach, dahil anak siya ni Primotivo. Kailangan kong maging handa. Babalik ako para sa inyo....

Ama, Ina.

------------------------------------------------------------------

A/N : Wah nah! Parang naluto na yung utak ko.. Mahirap kaya try niyo.. hihi.. eto na si update!  Huwag kokontra! Paki comment naman po kung ano ang masasabi niyo. Ay siya nga pala, may binago ako sa Chapter 3, ang nilagay ko kasi doon na nakita na ni Zach si Zaphnie noong maliit pa, eh ngayon ko lang naisip na baby pa pala sila doon. Whahaha!! XD.

| Luhan Baozi |

Princess of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon