Chapter 21

7 0 0
                                    

Zaphnie's POV

Nang sinuggest ko sa kanila ang kakantahin namin, um-oo naman sila.
Dumating ang araw ng contest. Kinakabahan ako, ewan ko kung bakit. Parang may mangyayari na wala naman. Hay nako! Siguro kinakabahan lang talaga ako kasi nga perstaym kung sumali sa kontest na ganito.

"Halina kayo sa backstage participants. Kailangan niyo nang maghanda." Sabi samin ng emcee

Sumunod kami sakanya sa backstage kung saan nandoon na ang iba pa naming kalaban.

"Nakakatense naman nito Zaph" bulong sakin ni Ysa.

"Basta makibagay kana lang." Natutunan lang naman namin 'to noon kaya alam naman namin ang gagawin. Pero! Ito lang talaga ang alam namin. Ito lang.

"Wala tayong magagawa, pinili na tayo eh. Hayaan nalang natin silang dalawa ang mag lead." Sabi niya

"Ladies and Gentlemen! Welcome to the Battle of the Bands!!" Rinig kong sabi ng emcee sa stage.

Unang sumalang sa entablado ang grupo ng mga kalalakihan na kung titingnan mo ay matatakot ka talaga sa mga mukha nila.

"Zaph, ano 'yang nasa tenga nila atsaka bakit marami silang singsing? Pinamana na ba sakanila 'yan? Sino kaya sila?" Pabulong na tanong sakin ni Ysa.

Nakita ko rin 'yun. Ano nga ba ang nasa tenga nila, tsaka ba't ang daming singsing?? Pasensya na ha, hindi kasi kami pinapalabas ng bahay kaya wala kaming alam sa mga ganyan. Sabi kasi ni Tito, iniiwas lang nila kami sa kapahamakan.

Edgar's POV (The day before the contest)

"May balita na ba sa pagbabantay niyo sa prinsesa?" Tanong ko sa mga kawal

"Bukas ng gabi may contest na magaganap at kasali doon ang prinsesa."

"Tamang-tama, pwede natin isagawa ang plano" I smirked.

Akala mo wala na akong plano para sayo prinsesa?

Haha! Patikim palang iyon

"Nakahanda naba ang lahat?" tanong ko sa kanang kamay ko

"Opo" sagot niya

*smirk* Hindi mo ako matatakasan munting prinsesa. Kung matalino ka, mas tuso ako at mautak kesa sayo. Wala pang nakakapigil sa mga plano ko at sisiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko pagkatapos ng lahat.

Hindi ko hahayaang lumabas ang lahat ng enerhiya sa katawan mo kaya papatayin na kita bago pa sumapit ang kaarawan mo at walang makakapigil sakin.

"Magpadala ka ng isa sa mga tauhan mo papuntang Queleyo, sabihin mo kay Haring Hantori na ibig ko siyang makausap ngayong gabi." saad ko

"P-po? P-pero bampira po sila! Baka pagkatapak palang ng tauhan natin sa border nila ay papatayin na agad nila ito. Matinik si Haring Hantori kamahalan.."

"Huwag mo akong pangunahan! Gawin mo ang iniuutos ko!" hangal na tauhan.

"O-opo kamahalan" nakayuko niyang sabi

/Evening/

"KAMAHALAN!!" tumatakbo itong patungo saakin at hingal na hingal na akala mo ay hinahabol ng limang libong bampi-- teka.

"Hahaha mukhang pumunta nga siya *smirk* magaling!" bumaba ako sa inuupuan ko at sinalubong ang dumating na kilala ko na kung sino ito.

Biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito ang taong ibig kong makausap.

"Ano ang gusto mo Fernando at pinatawag mo ako dito sa kaharian mo?" tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.

"Kailangan ko ng tulong mo."

"Tulong? Ha. Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa mga tauhan ko?"

"Oo na, alam ko. Konti lang naman ang napatay ko atsaka labing walong taon na ang nakaraan hindi mo pa rin makalimutan?" pagdadahilan ko

"Nababaliw kana ba Fernando? Pano ko hindi makakalimutan iyong araw na iyon kung saan nilusob mo ang kaharian ko ng walang dahilan!!" Sigaw niya

"Alam mo matagal na iyon kaya kalimutan na natin ang nakaraan dahil kailangan ko talaga ng tulong mo." pakikiusap ko. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo itong si Hantori eh isa lang naman siyang hamak na pinuno ng mga bampira na mga mamamatay.

"Anong pinaplano mo?"
Ganyan nga.. maging curious kaa dapat.

"Sasalakayin namin bukas ang Unibersidad kung saan nag-aaral ang munting prinsesa at papatayin ito. Ngunit kulang ako sa tauhan kaya kinakailangan ko ang tulong mo para magtagumpay ako."

---
A/N: Sorry sa matagal na update T.T Huhuhu, tatapusin ko talaga 'to, pramiss! Sa susunod na ang continuation neto.

Princess of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon