One: Mission

5.7K 79 1
                                    

>>CLEID<<

"Dahan dahan lang Cleid. H'wag mo masyadong pagudin ng sarili mo sa pakikipaglaban dahil mas madali kang matalo niyan." -sabi ni Shoju sa'kin.

"Opo."

"So, tuloy ba yun?" -biglang tanong niya.

"Ang ano?"

"Is it true? You're going back to the Philippines?"

"Oo daw."

"Iwan mo ko dito?" -tanong niya ulit.

"Hindi. Isasama kita." -bigla namang naglighten up yung mukha niya.

"Talaga?"

"Hindi. Iiwan kita dito. Sumunod ka na lang." -sabi ko.

"Ang gulo mo." -sagot pa niya. Tumawa na lang ako.

"Anong gagawin mo dito pag-aalis ako?" -tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung lalagyan ng katana sa legs ko.

"Mambababae." -sagot niya agad kaya kinuha ko yung shuriken na nasa gilid ko at ibinato ko patungo sa kanya.

"Woah! Joke lang! Grabe."

"Ewan ko sa'yo. Manglalalake rin ako sa Pinas." -sabi ko at naglakad palabas pero hinawakan niya braso ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Cleid naman. You're not Fany anymore." -he said. Binatukan ko naman. Eto na naman siya, inaaway ang pangalan ko.

"Young lady, sorry for the interuption but Master Reji called you." -Chad, Ang Butler namin.

"Ok Chad.. Susunod ako." -sabi ko at kumalas sa pagkahawak ni Shoju sa braso ko.

Btw, Ako nga pala si Tiffany Cleid Yu. 17 years old. Nakatira sa Japan pero Japinay ako. Anak ako ng isang sikat na Assassin sa UGW (underground world). Yung kanina? Kababata ko na naging Boyfriend slash Trainor ko. Si Cyd Shoju Haruhi. Japinoy rin. Kaliwang kamay ni Daddy ang clan nila.

Ang Yu Assassins ay ang Assassins ng isang Yakuza clan na tinatawag na Ishikawa. Ang Ishikawa ang pinakamalakas na Yakuza clan sa buong Underground world.

"Dad?" -tanong ko sabay katok.

"Come in." -binuksan ko ang pinto at nakita ko si Daddy na nakatalikod at nakaharap sa malaking bintana.

"Darling, I have another mission for you." -He said in a serious tone.

"Po?"

"This is a hard one. I'll give you 3 years about it." -Three years? So ganun ba talaga yun kahirap?

"Yes anak. You know the issue about the Ishikawa's heiress right?" -tumango lang ako kahit nakatalikod siya.

"There are no findings about Princess Hiromi's death. None of us are sure if she really died. But, every one of us are sure that if she's alive, She's still in the Philippines." -sabi ni Daddy.

"Yes Dad."

"So, my mission for you is to find Princess Hiromi in the Philippines. Are you okay with that?"

"Anything, Dad." -I said.

"Ok darling. So, we are settled. Titira ka sa bahay natin dun, mag-aaral ka sa Crawford Academy using the name, Tiffany Scott. You know you can't use your surname. I'll give you a credit card and just let Sid work on your papers. That's all. You may now leave." -sunod-sunod niyang sabi. Nagbow na lang ako para umalis na.

"And One more thing... Your flight is tomorrow 8pm, pumunta ka muna dito bago ka umalis. Ok?" -dugtong niya bago pa man ako maka-alis.

"Yes Dad."

***

"Shoju, sunduin mo ko dito sa mall. Please!" -sabi ko through phone. Andito ako sa mall, namili ng mga kakailanganin ko para bukas.

[I'm sorry Cleid, pero may date pa ako eh.]

"Gusto mo bang matadtad gamit ang Kunai na hawak-hawak ko ngayon?" -sabi ko sa kanya. I heard him chuckle.

[Joke lang! Eto naman. Eto na nga oh, nasa sasakyan na.] -sabi pa niya.

Kami kasi ni Shoju, ay seryoso sa relasyon namin pero kung mapapansin niyo walang cheesy-cheesy sa'min. Ang corny kasi nun. Yang mga date-date, mambababae, manglalalake, yan ang way of being sweet namin sa isa' isa. Minsan na nga'y nag-away kami pero mabibilang lang yun sa daliri. Wala nga kaming tawagan eh.

"Earth to Cleid!"

"Ay Tae ng Baboy! Ano ka ba naman Shoju!"-Singhal ko kay Shoju.

"Hahahaha!! Hindi naman kita ginulat eh. Ikaw ang lutang." -natatawa niyang sabi. Inirapan ko lang siya.

"Tara na nga!" -at naglakad patungong Parking lot.

"Para sa'n ba yang pinamili mo?" -tanong niya.

"Para bukas." -sagot ko.

"Bakit? Anong meron bukas?" -bigla naman akong nalungkot dun. Pupunta na akong Pilipinas, maiiwan ko siya. Eh kahit naman sadista ako sa kanya, mahal ko parin siya.

"Hoy!"

"Ay baka!" -sigaw ko.

"Ano ba meron bukas?"

"Uuwi akong Pilipinas. May misyon na ibinigay sa'kin si Daddy." -I sadly said.

"B-but?"

"Pwede ka namang sumunod sa'kin eh, pagkatapos ng misyon mo." -Pange-enlighten ko sa kanya. He just let out a convincing but a small smile at pinagbuksan ako ng pinto sa kotse.

Sana nga makita ko agad si Princess Hiromi para matapos na 'to.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

'Til my next UD! Uso comment guys. ^^ Thanks! Lavya!

Kesh♥

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon