Two: Tiffany Scott

2.7K 57 2
                                    

>>CLEID<<

“Ano ba talaga ang misyon mo?”

“Ahm, medyo mahirap.” -sagot ko.

“Ano nga?” -naiirita niyang tanong.

“I need to search for...” -pabitin ko.

“Sino?” -naiirita na talaga siya. Haha~ Maasar nga.

“The one who really deserves my love.”

*creeeeeekkssss!!*

“Waaaah! Cyd Shoju Haruhi! Papatayin mo ba ako?!” -gulat na gulat kong tanong. Muntik na kasi kaming mabangga eh.

“Cleid, hindi mo naman kailangan pang pumuntang Pilipinas para lang hanapin yan eh! Andito naman ako. Mahal kita Tiffany.” -mahina niya sabi.

“Waaah.. Huehue~ H'wag kang ngang madrama Shoju! I'm just kidding lang naman eh.” -I said pouting. Eto ang syndrome ko. Tiffany Cleid Yu Syndrome or TCYS. Nahihirapang akong huminga dahil sa bilis ng tibok ng pusok ko. At lumalabas ang syndrome na 'to kung tinatawag akong 'Tiffany' ng mga taong malapit sa'kin. Weird right?

He stopped the car and gave me a hug. Then the beating is getting back to normal.

“Grabe ka! Pagmaulit pa yun, hihiwalayan talaga kita!” -singhal ko sa kanya. He just laughed.

“Kasalanan mo. May pa the-man-who-really-deserves-my-love ka pang nalalaman. Eh sino ba kasi hahanapin mo?” -tanong niya. Natawa naman ako dun.

“Si Hiromi.” I said boredly. O_____O naging ganito ang mukha niya.

“Hiromi? As in Princess Hiromi Ishikawa?!” -tumango-tango lang ako.

“Imposibleng makita mo siya Cleid. Patay na siya!” -sabi pa niya. Bakit ba napakadefensive neto?

“Wala daw findings ang death niya noh! Sabi ni Daddy.” -Sabi ko.

“Masyado kayang kritikal ang nangyare sa kanya.” -Shoju.

Ang nangyare? Well, it was 17 years ago. Ipinanganak kaming tatlo. Yes, ako, si Cyd, at si Hiromi. It was October 17. But, a war was occured inside that hospital. It was between the Ishikawas and the Kazuyas—our mortal enemies.

At dahil andun kami sa hospital ay nadamay kaming lahat. Kinuha nila ang dalawang baby na babae na nandun which is ako at si Hiromi. Pero si Hiromi naman talaga ang kailangan nila kaya iniwan nila ako sa isang nurse at itinakas si Hiromi.

Ibinalita ng mga Kazuya na patay na si Princess Hiromi kaya natahimik sandali ang mga Ishikawa.

But, like what Dad said, walang findings ang death ni Hiromi.

Kaya ngayon, I have to find for Hiromi to plan for our revenge. Revenge from the Kazuyas. Because Hiromi is the only Heiress of the Ishikawa clan.

“Lutang ka, Cleid?” -biglang tanong ni Shoju

“Wala. Iniisip ko lang yung nangyari nuon.”

“What do you mean by nuon? 17 years ago?” -he asked.

“Yes.”

***

“Sid, paki sundo sa'kin. Please!”

[But, my lady. Busy pa ako sa papeles mo.]

“Ahm, si Bryce ba? Free? Siya na lang. Sige na Sid! Hindi ko na alam ang address diyan eh.”

[Ok My lady. I'll call him]

“Thank you, Sid!” -and ended the call.

Btw, nasa Pilipinas na ako. And it's already 2am! Ugh! Bryce bilisan mo!

Boom clap

The sound of my heart

The beat goes on and on and on and on and

Boom clap

It make—♪

[Hello Cleid? Nasa Pinas ka na? Nasundo ka na ba? Ok ka lang ba diyan?]

“Oo nasa Pinas na ako, Hindi pa ako nasundo, at Oo, okay lang ako dito. Enebey?” -sagot ko kay Shoju.

[Hindi ka pa nasundo? Cyd, halika nga muna. Ahh, sige Cleid, Text me when you get there. Ok? Bye! Love you!] -then He ended the call.

Ilalagay ko na sana ang phone ko sa bulsa nang mag-vibrate ito.

Fr: Bryce

Hoy! Dearest Cleid! Andito na ako sa Parking! Ang aga-aga mong mambulabog!

To: Bryce

Edi wow!

At naglakad na patungong parking.

“Hoy Bryce! Tulong naman dito!” -sigaw ko sa kanya. Standing pretty kasi siya habang nakasandal sa kotse niya.

Si Bryce Third Sy, kababata ko at anak ng ka-alliance namin dito sa Pilipinas na si Sid.

Nang makapasok kami sa kotse ay nagtanong agad ako.

“Bry, sa CA ka nag-aaral?”

“Oo, bakit? Dun karin mag-aaral?” -tumango lang ako. And the rest was history, Dejk! The rest was a moment of silence.

***

“My lady, Breakfast is ready.”

“Yeah yeah, palabas na ako.” -sabi ko habang sinusuot yung lalagyan ko ng shuriken sa beywang tapos sinuot ang uniform.

Ang uniform namin ay kulay red and black. Mini-dress siya na kulay black na above the knee, tapos V-neck at es edge nito ay may red na ribbon. May belt din itong kulay red na may malaking ribbon.

Pag-labas ko ay nakita ko sa kusina si Bryce na kumakain. Naka-uniform rin siya, Red na long-sleeve polo at black na vest then red necktie at black slacks.

“H'wag mo nga akong titigan! Matutnaw ako, pano na fans ko sa CA.” -sabi niya at patuloy lang sa pagkain.

“Feel mo rin? Dini-describe ko lang ang uniform mo noh! Tsaka, fans mo sa CA? Meron ka nun?” -pang-aasar ko.

“Psh, makikita mo mamaya.”

“Third, ikaw ang kasabay ni Young Lady pauwi at papuntang school. Take care of her and do it for me.” -sabi ni Sid kay Bryce. Ako lang naman tumatawag ng Bryce sa kanya at ako lang rin ang tumatawag Shoju kay Shoju.

Tumango-tango lang si Bryce.

“Bilisan mo na diyan Cleid,” -tumayo naman agad ako at lumabas na ng bahay.

***

“Paka-bait ka, hindi ako marunong mag-baby sit.” -I rolled my eyes. Ginagago ba ako nitong si Bryce?

“Nga pala, may mga nagre-reyna-reynahan at hahari-harian sa CA. Baka may balak kang gumalang sa kanila.” -I rolled my eyes again. Ano ba pinapamukha nitong si Bryce?

“Wala. Sinasabi ko lang. Tsaka kahit 2 years tayong hindi nagkita, kilalang kilala parin kita Cleid.” -tumango-tango lang ako, then I remembered something.

“Nga pala Bry, Hindi ako si Tiffany Yu sa CA. Si Tiffany Scott ako.”

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Credits sa Cover: absolutexduo
Maraming Salamat po sa cover!! Ang ganda po, promise! ^_^ Pagawa rin kayo sa kanya! Galing niya no!?

'Til my next UD! Uso comment guys. ^^ Thanks! Lavya!

Kesh♥

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon