Chapter 9
SKY'S POV
Nakakapanibago ngayong school year, dati wapakels lang sila sakin kahit na 1st din naman ako sa lahat noon. Mga tanganood lang sila kapag nagbabarahan kami ni Alyanna, mga tangatawa, at tangacheer ni Alyanna na wag daw susuko kahit na mukha siyang painting at mas mukha pang tao ang mukha kong puro pimples with matching blackheads, whiteheads at oily face, kala mo naman close sila kaya lagi silang nakikipaghabulan sa apoy ng gaga. Ayaw ni Alyanna ng mga FC, nakapatay na yun dati ng FC na anlakas ng loob na hawakan siya pagkakita sa kanya sabay sabing totoo daw palang may magic na kayang bumuhay sa painting kung pwede daw paturo. Edi ang ending ng gaga nakipaghabulan sa spirit summon na buwaya ni Alyanna. tsk tsk. Buhay pa kaya ang babaeng yun?
Antindi rin ng babaeng yun, hindi pa rin siya nasuko sa pakikipag-away sakin. Kaklase ko na siya mula elementary at alam niya ang totoong itsura at status ko pero hindi niya ipinagkakalat, sabi niya kasi 'Okay nang hindi nila alam kung anong totoong mukha mo, tama nang ako nalang ang masaktan dahil alam kong masyado kang perpekto.' Drama ng gaga. Nakiki-ride siya sa disguise ko. In a way I can call her my friend. Kahit ngayong hindi niya ako kaibigan at painting siya na may alagang buwaya I think she would be a friend you can trust, someone who won't backstab you. Bawasan niya nga lang ang kashungaan niya at kagagahan pwede na siyang pagtiyagaan.
But really, what could it have been that made this year different?
Lance.
Biglang pumasok sa isip ko ang pangalan ng damuhong iyon. Nagulo ang otherwise tahimik kong buhay mula nang dumating siya. Ano bang trip nun sa buhay? Akala ko ba prinsipe siya, wala ba siyang bahay? Bakit nakikitira na siya samin ang lakas pa mang-inis? Dinethrone ba siya ng magulang niya dahil sa kashungaan niya?
First day palang pero pinush na ng mga kaklase ko ang kashungaan nila nakisali pa si Lance. Para tuloy akong may kasamang mga taga bundok at ako lang ang nag-iisang nasa tamang pag-iisip. Isa pa yung si Ms. V, gagang yun lakas maka-'Your Highness'. Kinausap ko lang naman siya gamit ang telepathy kanina at dahil sharp ang gaga lakas makahula. Di joke lang, nagkita na kasi kami dati nung bata pa ako and we were close back then pero ang kilala niyang ako ay yung totoong appearance ko. I just told her 'Hi Ate V....' kaya nalaman niyang ako iyon dahil ako lang naman ang tumatawag sa kanya ng ganun. Secret na muna yung pangalan niya. Baka magalit siya sakin pag pinagsabi ko e. At hindi naman tayo close so I'm not really obliged to tell you guys.
Anyways, afterschool bigla nalang akong hinigit ni Ken, libre niya daw ako ng kahit anong gusto kong kainin. At dahil gutom na ako hindi ako tumanggi. May silbi din naman pala ang shungang to e. Pero joking aside, I think I consider him as a friend already because for the past 10 years, kahit shushunga shunga siya, lagi siyang sumasama samin ni Alexa at pinapasaya yung mood. He's idiotic but I like him. As a friend, of course. Kasama din namin si Alexa, antahimik niya ngayon kasi hindi yan nakakain kaninang umaga ng dessert dahil kinukulit ko siyang umalis na kami. Medyo badtrip siya pero salamat na din dito kay Ken at mukhang mawawala na ang pagkabadtrip niya sakin. Dinala niya kami sa shop niya, business-minded ang shungang to kahit hindi halata. Marunong siya ng iba't ibang language pero shunga nga lang medyo sa English. At dahil sanay na naman sila sakin sa tuwing nakain kami dito, hindi na ako nahiya at ako na ang unang umorder. Nabanggit ko bang kaklase ko din siya nung elementary? Kaya wala ng hiya sakin tong ugok na to kahit na lagi ko din siyang nababara dahil sa kashungaan niya. Alam niya din ang kagagahan kong nalalaman na disguise. I don't know if he's just pretending to be stupid or what because he wants to brighten up the mood, but I don't care either way because that stupidity of his is one of the reasons that I can stay like how I am today. It helped me keep my sanity when someone dear left me. Dear? Sino? Si Alyanna? namiss ko siya dahil antagal ng summer vacation? Yaakk.. No.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Romeo
FantasyOne snowy night, in the month of January, I found a boy lying in front of our castle's garden. He was a handsome boy, he has wounds and injuries all over his body. Kaloka. I called for help and mended his wounds. He was from one of our neighboring k...