Chapter 6
LANCE'S POV
"Sky!!!!"
Tatama na sa kanya yung energy ball ni Ateng Abstract ang mukha ng bigla itong maglaho. Edi WOW! Saka ko lang napansin ang magic barrier na nakapaligid sa kanya. Nganga naman daw ako. At kung nganga na ako, mas priceless ang itsura ng mga kaklase namin, may tulo laway sa kakanganga at yung isa naman sa sobrang buka ng bibig may lumalabas na hindi kanais nais na amoy. Yakk.. At si Ate Abstract naman muntanga, abstract na nga mukha niya lumala pa lalo. Bakit kaya hindi nalang niya pinasurgery buong mukha niya tutal mukha namang palpak ang opera ng ilong niyang nasobrahan na sa tangos tabingi pa. O baka naman natural yun? So anong breed niya, half aso half kabayo?
Pero teka nga, bakit parang lagi nalang akong nganga tuwing may mangyayari kay Sky? Bobo ka kasi, bigti ka nalang fre. Weak ka, mas malakas pa nga sayo si Sky e. Tangina mo! Mamaya ka na umepal. Geh, baka ikapangit mo pa lalo e. Hayop ka! Tama, tama ka na. Nagdradrama ako. Panira ka ng moment, gago!
"Urggh! How on earth can you do that? That is so unfair!" pagrereklamo ni Ms. Abstract Fes. Gagang 'to isa pa ring panira ng moment. Leche kayo! "Why can't yo-" patuloy ng bruha pero pinutol na siya ni Sky.
"Unfair? Do you even know the first thing about being unfair? Una sa lahat, ang unfair parang yang mukha mo, pinagkaitan ni Lord ng pagmamahal kaya mukha kang sama ng loob. Pangalawa, I am not being not unfair here, you are just too weak and stupid to be able to hit me. Bakit kasalanan ko bang tanga ka na hindi mo man lang napansin na laging may nakapalibot sakin barrier? Kasalanan ko rin ba na masyadong mahina ang attack mo para hindi magbounce manlang sa barrier at hindi maoverwhelm ng mana ko? Kasalanan ko rin bang lumalaki lalo ang butas ng ilong mo ngayon kaya mas nakakapagtaka kung tao ka ba talaga o gorilla?" taas kilay niyang tanong kay Ms. Abstract, habang yung mga kaklase naman namin hindi na mapakali sa kakatawa na parang may mga kiti kiti sa puwet tapos makahampas pa sakin yung isa wagas. Close tayo 'te?
"Wha-" sisingit na naman sana si Ateng kamukha ang paintings ni Picasso na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan pero inunahan na siya ni mylabs. Oo mylabs, walang aangal. Ang aangal, ipapakiss ko kay ate abstract. Yuck yun, kaya wag na kayo umangal. Baka magkapalit pa kayo ng mukha pag nangyari yun. Eww lang fre.
"At yung huli mong sinasabi, hayaan mong tapusin ko. 'Why can't I just get out of your life?' ang sasabihin mo diba?" natahimik naman si gaga "First of all, hindi ako nanghihimasok sa buhay mo. Ikaw tong gaga na sa sobrang kawalan ng magawa sa buhay sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi nalang akong ginulo. Pangalawa, I do not, not even the tiniest bit care about whatever the hell you do with your life because it doesn't concern me. And lastly, kung tapos ka na sa pagiging clown mo sa room na 'to, uupo na ako bago pa kita maibenta sa museum o sa zoo. Malaki din ang makukuha ko sayo dahil bukod sa endangered species ka na, dinaig pa ng mukha mo ang lahat ng masterpiece ni Picasso." pagkasabi niya nun, tumalikod na siya at naglakad papunta ulit sa upuan niya. Pero nung paupo na siya nagsalita ulit siya "Kayo naman mga magagaling naming kaklase na nagsilbing audience sa palabas ni Alyanna, kung ayaw niyong mapagalitan ni Ms. V uupo na kayo dahil in 15....no...wait.." tumingin siya sa relo niya at nagsalita ulit. " 10 seconds she's coming inside this room."
At dahil sa sinabi ni Sky ang aming magagaling na kaklase ay nag-ala transformers at dinaig pa ang ninja para lang makabalik agad sa kani-kanilang upuan. Tsk tsk. Yan kasi ususero't ususera masyado, edi ngayon pakahirap kayo.
~blag~ (pinto yan)
Pagkabukas ng pinto iniluwa nito ang class adviser yata namin. Iniluwa? Iniluwa? Sure ka? Edi hindi na iniluwa. Pumasok na, yan ha pumasok. Para sa ikatatahimik ng iyong panget na mukha. Subukan mo lang na sumabat pa, ipapaexorcise kita. ....K....
BINABASA MO ANG
My Unexpected Romeo
FantasyOne snowy night, in the month of January, I found a boy lying in front of our castle's garden. He was a handsome boy, he has wounds and injuries all over his body. Kaloka. I called for help and mended his wounds. He was from one of our neighboring k...