Chapter 4

40 5 0
                                    

Chapter 4

a week after the incident~

KING SANDER'S POV

It's been a week since we initiated the ritual and I really regret doing it. Hindi ko inaasahang dadating si Lance, akala ko wala na talagang pag-asang bumalik siya. 

Nagawa ko ang isang bagay na hindi ko naman dapat nagawa.. Something that will surely haunt me for the rest of my life.

Magmula nung mahimatay si Sky, hiindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Simula ng gabing yun, hindi na din umalis si Lance sa tabi niya.

"Lance, you should go eat, and get some rest. Dalawang araw ka nang hindi nakain, wala ka pa ding tulog. Hindi gugustuhin ni Sky na magkaganyan ka dahil sa kanya. So please, if  you don't care about yourself then do it for Sky." mahabang litanya ko sa kanya, lumingon siya sakin at ngumiti ng mapait.

"Tito Sander, will Sky still wake up?" 

"Of course she will. Kaya dapat kumain ka at magpalakas para kapag nagising siya, gwapo ka naman kahit papano." tumawa siya ng konti at tumango.

"Thanks, tito. At gwapo na po ako sadya, may tulog man o wala." pi-nat ko ang shoulders niya at naglakad na siya palabas. Pero bago siya tuluyang lumabas ay lumingon uli siya.

"Tito, kilala niyo po ba kung sino ang mga magulang ni Sky?" nasamid naman ako sa laway sa tanong niya "I tried to find them but I failed."

"Let's talk about that later, okay? Kumain ka muna at magpahinga." tumango siya at tuluyan ng lumabas.

Sa loob ng halos 3 taon, hindi niya pa rin pala alam na anak ko si Sky. Ang dami ko pang kailangang ipaliwanag sa kanya.

Tumabi ako kay Sky at hinaplos ang mukha niya. "When will you wake up, sweetie? We're all waiting for you." I kissed her forehead and prepped to leave.

"Urrgghh...Umm...Mo...Mom..Mmmm"

 "Sky? Guard! Hurry and call the doctor! And inform Lance and Alexa that Sky might finally wake up." pero nakatayo pa rin yung guard sa labas "So ano? Tatayo ka nalang dyan? Hiya ko naman sayo ako na tatawag sa kanila, naabala pa yata kita eh." lumingon siya sakin pagkasabi ko niyan at parrang tangang ngumiti.

"Talaga sir? Kayo na po ang tatawag? Salamat po. Ingat po kayo ha, sa kabilang part pa po kasi ng palace yung opisina ni Doc." edi wow! Talagang sinabi niya yan sakin.

"Sige, ako na ang tatawag. Pero dapat pagbalik ko wala ka na dito ha?"

"Ha? Bakit naman po sir? San po ako pupunta?"

"Tatanungin muna kita, ano ako dito?" sumagot naman siya na parang obvious na yung sagot. "HAri po."

My Unexpected RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon