Chapter 10.1

28 3 0
                                    

Chapter 10.1


KEN'S POV



These past few days ang saya saya ng aura ni Sky. At ngayon ko napatunayan kung anong dahilan nun. Nang makita ni Sky si Lance, parang nakalimutan na niyang nag-eexist pa ako. Puno ng lungkot ang mata niya nug lumingon ako sa kanya.


Umiyak siya ng parang walang bukas nung may sinabi sa kanya si Lance tapos nagwalling pa. Nung lumingon si Lance at sumigaw kitang kita ko kung paanong nagliwanag ang mukha niya sa sinabi nito. Matagal ko na namang alam na hindi na hihigit sa pagkakaibigan ang tingin niya sakin, tangna mahigit 10 years kaming magkasama at araw araw kong narerealize ang bagay na yun kaya naging masaya na ako sa pagiging kaibigay na dadamay sa kanya sa panahong kailangan niya ako. Pero puta masakit parin pala na makita siyang sumasaya at nagkakagusto sa iba.


Matagal ko ng inihanda ang sarili ko para sa araw na magkakagusto sa iba pero bakit ganun? Ang sakit parin. Dahil ba tinake advantage ko ang friendship namin para mayakap at mahalikan ko siya kahit sa noo man lang? Yun ba ang kapalit ng selfishness ko? Pero ngayon, nandito parin ako sa tabi niya, kumakain, ngumingiti, tumatawa para lang hindi niya mahalata na pinapatay na naman niya ang puso ko.


Ano bang magagawa ko? Hindi ko naman siya masisisi e, hindi niya alam ang nararamdaman ko at hindi ko din naman balak sabihin. Kasi kapag nalaman niya sigurado akong uunahin niya pa ang kasiyahon ko bago ang kasiyahan niya. Ganun siya kabait, oo maldita siya pero ang kabaitan niya walang kapantay.


Hindi ko din naman masasabing manhid siya kasi hindi naman ako nagpaparamdam.


Ganun yata talaga, sanayan lang yan.


"Hoy Ken! Ano bang iniisip mo diyan? Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka nasagot, okay ka lang?" yan na naman siya kaya hindi ko din mapigilang mahulog ng mahulog kahit na alam kong wala namang sasalo sakin.


"Ayos lang ako, naisip ko lang na may test tayo sa english bukas, patulad ha. Hahahaha"


"In your dreams! Tests are supposed to meassure how much you've learned, not how much your seatmate has." anubayan? Hanggang dreams llang naintindihan ko. Magagalit kaya siya kung ipapaulit ko sa kanya?


"Sky tagalugin mo, kahit ano pang language wag lang english, sige na please?" inirapan niya lang ako pero hindi nakawala sa paningin ang pagngiti niya ng kaunti.


Siguro ganito nga talaga ang purpose ng buhay ko, ang pasiyahin ang babaeng mahal ko kahit na alam kong hindi ako ang mahal niya.



"Aaaaahhhhh!!!!!" lahat kami napatigil sa pagkain nang marinig namin ang tili sa labas ng dining hall.


Lalabas na sana si Sky para tingnan kung anong nangyari pero pinigilan siya ni tito Sander.


Lumipas ang 1 minuto at nagulat kami nang pumasok si Alexa nang duguan.


"Please take Sky away from here! " at tuluyan na siyang bumagsak sa sahig.



~to be continued



















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unexpected RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon