WARNING: (medyo) SPG
Hindi nga ako ako nakatulog nang mabuti dahil sa mga pangyayari kagabi. I could still feel the warmth of sir Damien's kiss from last night and everytime I think of his lips on mine, my heart couldn't stop beating.
"Mama!" Napukaw ako sa sariling iniisip nang tawagin ako ni Yulia, lumingon ako sa kaniya at saka matamis na nginitian. Kaagad ko siyang nilapitan habang may hawak siyang dalawang tali sa kanyang maliliit na mga kamay.
"What's this?" Tanong ko naman sa mahinahon na boses habang tinitingnan ang mga taling hawak niya, ngumiti naman siya at nakita ko ang bungi niyang ngipin.
Ang cute talaga niya, ang sarap kurutin!
"Tie my hair! Pigtails, pigtails!" Aniya sa masiglahin at excited na pagsasalita, ang cute niya pa dahil sa kanyang maliliit na pagtalon-talon.
Natawa ako at saka kinuha ang mga tali mula sa kanyang hawak. "Okay, okay! Mama will tie you hair into pigtails."
Kakagising ko lang ngayon pero dahil ay hindi ako nakatulog nang mabuti kagabi, pumapait ang aking mga mata. Nang magising rin ako ay wala na si sir Damien sa kamang hinihigaan namin at tanging kami na lamang ni Yulia ang narito. Saan kaya siya pumunta?
Kagaya ng ginusto ni Yulia, tinali ko ang kanyang mahaba, kulot, at kulay tsokolateng buhok. Kasing kulay ng kanyang buhok ang buhok ng kanyang tatay, pati na rin ang magagandang kulay asul na mga mata niya. Siguro ay nasa lahi na nila ang pagiging maganda at gwapo.
"Thank you, Mama!" Masiglahin paring ani Yulia at saka tumakbo paalis ng kwarto ng kanyang tatay.
"Yulia, be careful, slow down!" Pahabol ko sa kaniya, nag-aalala na baka ay madulas siya o mabunggo.
Ilang sandali pa at bumangon na ako at saka inayos ang kama bago lumabas upang magluto ng aming uulamin ngayong umaga.
Napag-isipan ko ang magluto ng sinigang.
Habang nagluluto ay palaging kong nililingon si Yulia na nasa may lamesa habang naglalaro ng kanyang mga laruan. Nagsasalita pa siya habang hawak ang Kermit the frog na stuffed toy at sa kabilang kamay niya naman ay isang plastic barbie doll.
"A potom oni potselovalis'." Narinig kong aniya sa lingguwaheng ginagamit nila ng kanyang tatay, nang lingunin ko siya ay nanlaki ang aking mga mata nang idinidikit niya na ang mukha ni Kermit the frog at Barbie na para bang naghahalikan. (And then they kissed.)
"Yulia," suway ko sa kaniya, she cringed and immediately placed down her toys. Napailing-iling na lamang ako nang pagsuntok-suntokin niya na ang mukha ni Kermit habang pagalit siyang nagsasalita sa lingguwahe nila. Minumura na ata si Kermit.
Nang matapos akong magluto ay hinanda ko na ang mga pagkain sa may lamesa, niligpit na rin ni Yulia ang kanyang mga laruan at dinala ito sa kanyang kwarto sa may ikalawang palapag. Habang hinahanda rin ang mga pagkain, natigilan naman ako nang bumukas ang pinto at pumasok si sir Damien.
Nakasuot pa ito ng puting button down shirt, itim na slacks, at saka leather shoes na dark brown. Suot niya rin ang kulay itim na leather wristwatch sa kanyang kaliwang pala-pulsuhan, nakataas ang bagsak na buhok, at nakasuot ng glasses.
Ang fresh niyang tingnan, mas lalo lang siyang gumwapo.
"Good morning," bati nito sa akin habang nakaangat ang magkabilang sulok ng kanyang mga labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/299724755-288-k894808.jpg)
BINABASA MO ANG
Empire Series 2: The Mafia's Maid
Любовные романы[ON-GOING] - Aryana Madrigal, a woman stuck in her alcoholic father's debts, works day and night for money. One night, while working at a bar, an unfamiliar man appears and offers Aryana a job she couldn't decline. The job was easy; it was to babysi...