PROLOGUE

598 44 2
                                    

Tatlong katok.





Tatlong mabibigat na katok ang narinig ni Aryana habang abala ito sa paghuhugas ng plato sa lababo ng kanilang maliit at madilim na kusina. Tatlong katok na kaagad na pinalitan naman ng sunod-sunod na kumakalabog na mga katok.





Pinunasan ni Aryana ang kanyang mga basang kamay bago nagmamadaling tumakbo sa pintuan, nang buksan niya ito ay kaagad na sinalubong siya ng mga nanlilisik na mga mata.




"Nasaan ang tatay mo?!" Bulyaw ni aleng Nina, magkasalubong na naman ang maninipis at matataas nitong kilay habang nakatingin ito sa loob ng bahay nila, tila ba ay may hinahanap sa loob.





"H-Hindi ko po alam, eh. Hindi pa po nakaka-uwi simula kagabi." Sagot niya sa ale, nawalan na siya ng bilang kung ilang beses itong nagpabalik-balik sa kanilang bahay upang hanapin ang kanyang tatay na halos hindi rin naman umuuwi sa kanilang bahay.





Mas lalong lumaki ang butas ng ilong ni aleng Nina na halos may makikita nang usok mula rito, at pumeywang pa siya habang masamang tinitingnan si Aryana. "Aba't apat na buwan na iyang hindi binabayaran ang kanyang utang sa akin, ah! Pati na rin sa iba niyang inuutangan; sina Berto, sina Tinora, sina Marites, at marami pang iba! Kailan niya kami babayaran?! Hanggang sa matigok siya sa kaka-inom niya?!"





Napakagat si Aryana sa kanyang ibabang labi habang nakatungo sa harapan ng ale, tumingala ito at tinagpo ang mga nanlilisik na mga mata ni aleng Nina. "Babayaran ko ho kayo kapag may pera na ako."





"Aba't dapat lang! At pagsabihan mo rin iyang tatay mong lasinggero na maghanap ng disenteng trabaho at 'wag puro inom lang, simula nang mamatay ang nanay mo ay naging ganyan na ang lalakeng iyan!" Singhal ng ale. Naikuyom ni Aryana ang kanyang mga kamay nang marinig ang tungkol sa ina.





"O-Opo." Nanginginig ang boses na aniya. Suminghal pa ang ale bago itong padabog na umalis. Bumuntong hininga si Aryana bago sinarado ang pintuan at tinapos ang mga hinuhugasang plato.





Nang matapos sa paghuhugas ng mga plato ay kaagad niyang inabot ang kanyang cellphone upang tawagan ang kanyang kaibigan, si Anna. Si Anna ang kaibigan niyang maraming alam na raket, kaya nga siya natanggap sa isang modelling company kung saan magpo-photoshoot siya para sa isang hindi gaanong kilalang brand at ginagamit ang pictures bilang flyers. Ngunit ang kita niya rito ay hindi sapat para pagbayaran ang mga utang ng kanyang tatay, kailangan niyang maghanap ng trabahong malaki ang sahod.





Walang nagawa si Anna nang magmakaawa si Aryana sa kaniya, pumayag itong papasukin siya sa isang bar, hindi bilang waitress kundi bilang isang entertainer sa mga V.I.P. customers. Pagkatapos ng tawag sa kaibigan ay lumabas ito upang isampay ang mga nilabhang damit.





Habang nilalagay sa mga hangers ang mga basang damit at sinampay ang mga ito sa kinakalawang nang sampayan, ang hindi niya alam, mula sa malayo ay may nakatingin sa kaniya na may mapupungay na mga mata. Nakasandal ito habang may sigarilyo sa kanyang mga labi, inalis niya lamang ito nang paubos na at tinapon ito sa may lupa at inapakan. He blew out a breath, white smoke coming out of his mouth. Umayos siya ng pagkakatayo mula sa pagsasandal sa kanyang kulay itim na kotse at namulsa habang tinitingnan ng maayos ang babaeng sumasampay ng mga damit.





Pagkatapos ng ilang sandali na pagsusuri ng mukha ng babae mula sa malayo ay pumasok na siya sa loob ng kanyang kotse at nagmaneho na palayo.





Napaangat si Aryana ng kanyang paningin nang marinig niya ang napaka-ingay ngunit halatang mamahalin na tunog ng humaharurot na kotse, ilang segundo niya lamang nasilayan ang kulay itim na sports car bago ito mawala sa kanyang paningin marahil malayo ito mula sa kaniya at maraming mga bahay sa kanyang paligid.





Napa-iling na lamang siya. Ayaw na ayaw niya talaga sa mga reckless drivers, maliban sa pagiging hambog sa kanilang yaman ay marami rin silang nabubungguan at napapatay dahil sa pagiging reckless nila sa daan.





Nang matapos, bumalik na si Aryana sa loob ng kanilang bahay upang magpahinga. Wala siyang kaalam-alam na may nakamasid na pala sa kaniya kanina mula sa malayo.





Little did she know, he is coming to get her.

Empire Series 2: The Mafia's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon