Tahimik ang buong byahe sa loob ng kotse ni sir Damien, halos mag da-dalawang oras din ang byahe papunta sa kung saan man siya pupunta sa oras na ito. Napansin ko rin na ganitong klaseng sasakyan ang ginagamit ni sir Damien sa tuwing aalis siya sa ganitong oras at ang isa niya namang magarang kotse ang ginagamit niya kapag ay aalis siya ng bahay ng umaga o hapon.
Unti-unti na akong hinihila ng antok nang maramdaman ko ang pag hinto ng kotse, narinig ko rin ang pag labas ni sir Damien mula sa kotse at kaagad akong sumilip sa may bintana nang mabuti dahil tinted ang mga ito. Nakita ko ang pag diretso niya sa isang malaking puno, nasa gitna kami ng parang kagubatan na similar sa lokasyon ng pulang mansyon niya sa Pilipinas. Nakita ko ang pag katok niya rito, na para bang isa siyang baliw.
Nanlaki ang aking mga mata nang bumukas ang malaking kahoy na para bang dalawang higanteng pintuan, I could see flashing lights from inside it as it happened. Diretsong pumasok naman si sir Damien at kaagad na sumarado ang mga pintuan.
Nakaawang pa rin ang aking bunganga dahil sa nakita. A giant tree with a door leading towards something?
Ano ba talaga ang sekreto ni sir Damien?
Hindi ko na alam kung ano ulit ang pumasok sa aking isipan nang lumabas ako ng sasakyan at tumungo rin sa malaking puno, kaagad akong bumuga ng malamig na hangin. I rubbed my hands together to at least feel heat, somehow it helped at least a little. Kahit na naka suot ako ng pajama at puting long sleeves ay sobrang lamig pa rin ng klima.
Nang naka harap ko na ang malaking puno ay pumikit ako at inalala ang ginawa ni sir Damien. Madilim kasi ang paligid kaya hindi ko gaanong nakita ngunit sinubukan ko parin. Inangat ko ang aking kamay at kumatok sa may puno.
Two knocks. Pause. Two knocks. Pause. Two knocks.
Hindi pa ako sigurado kung tama ba talaga ako, tumalikod na lamang ako at aalis na sana nang marinig ko ang pag bukas ng mga pintuan. I could actually hear my own breath, could even feel the warmth of it.
Nandyan na naman ang aking nararamdaman na parang may kumakarera sa loob ng aking dibdib dahil sa bilis ng pag tibok ng aking puso dahil sa kaba.
Sa likuran ng bumubukas na puno slash pintuan ay dalawang maskulado, matangkad, at malaking mga lalake. Parehas ding nakahawak ng malaking baril. Mas lalo lamang akong kinabahan at napa mura na tuloy sa aking isipan, nanlalamig at nanginginig na ang aking mga kamay sa kaba na nararamdaman.
When I entered, there was a staircase leading downstairs. Sinunod ko na lamang ang landas ng hagdanan hanggang sa maka salubong na naman ako ng isang malaking pintuan, kasing laki ng pintuan sa unang entrance. May dalawa paring bantay na may mga hawak na malalaking baril, nakakatakot silang tingnan kaya ay umiiwas na lamang ako ng tingin.
Unlike earlier, the second entrance did not need a knocking pattern. Diretso na nila akong pinag buksan at kaagad akong sinalubong ng malakas na ingay. Nanlalaki ang mga matang nakatingin na lamang ako sa isang malaking boxing ring sa gitna habang may naka palibot na bleachers dito, punong-puno ng mga tao ang bleachers at puro ito... lalake.
"Prikonchi yego, pridurok!"
"Chert voz'mi!"
"Bey yego sil'neye!"
Halos nakakabinging mga hiyawan kasabay na sa maingay na announcer ang pinuno ng malapad na underground boxing match, at sa loob naman ng boxing ring ay dalawang duguang lalake. Ngunit hindi iyon ang nagpa gulat sa akin. It was because one of the guys inside the boxing match is a kid!
Halos hindi na makita ang mga mukha nilang dalawa dahil sa sugat, tama, at dugo. They weren't wearing any boxing gloves at all, just white cloth wrapped around their knuckles, and the blood was also visible on their knuckles.
Parang hindi ko ma proseso kung ano ba talaga itong pinasok kong lugar, legal ba ito? Syempre ay hindi, may batang pinapasok sa isang duguang laban!
I gasped when the teenage kid quickly kneeled and jabbed the bigger guy on his groin, when the bigger guy groaned in pain and kneeled due to the unbearable pain, the kid immediately knee kicked the bigger guy's face causing for the bigger guy to immediately lose its consciousness.
Ang kanina pang maingay na kapaligiran ay mas lalo pang umingay, kaagad ding lumapit ang announcer upang itaas ang kamay nung bata sa ere at itiniwag itong kampyon. Halos mabingi akong ulit dahil sa hiyawan ng mga tao sa bleachers.
Ngunit parang nag laho ang ingay sa aking paligid nang makita ko si sir Damien na naka upo sa harap ng ring, may yosi sa kanyang bibig. He sits there as if he is the king of the world. Sa likuran niya ay mayroong dalawa pang naka itim na suits na malalaking lalake. Ngayon ko lang din napansin na naka suot pala si sir Damien ng black suit at naka taas din ang kanyang buhok, sobrang pormal niyang tingnan at parang ibang-iba ang awra niya. He looks so domineering, so dark, and so... dangerous. Malayo sa awra niya kapag nasa loob siya ng bahay.
Nag simula akong mag panic nang makita ko siyang tumayo mula sa kanyang upuan, tinaboy niya ang kanyang yosi at saka inapakan ito at nagsimulang mamulsa. Halos liparin ko na ang pintuan palabas ng lugar na iyon bago ko nakita ang sasakyan ni sir Damien at kaagad na pumasok dito, nag tago akong muli sa may passenger seat kung saan ay madilim.
Ilang minuto ang lumipas at narinig ko ang pag pasok ni sir Damien sa loob ng kotse sa may driver's seat, kaagad nitong pinaandar ang sasakyan at nagmaneho na palayo.
Parang hindi parin ako makapaniwala sa aking mga nakita kani-kanina lang. An underground match with no age limits? Normal ba ang mga ito sa bansang ito?
Hindi ko na namalayang naka idlip pala ako nang magising ako dahil sa pag hinto ng sasakyan, narinig ko rin ang pag labas ni sir Damien at ang pag bukas nito ng gate ng bahay at bumalik din ito sa loob ng kotse at inimaneho papasok ang kotse sa loob ng garahe ng bahay.
Ilang minuto ko munang hinintay bago ako sumunod para pumasok sa loob ng bahay na walang ingay.
Nang makapasok ako sa loob ng aking kwarto ay kaagad kong binagsak ang aking katawan sa kama, inuulit kong pino-proseso ang mga nangyari kanina. Secret tree. Underground fighting match. Sir Damien. The mystery of sir Damien.
Ito ba? Ito ba ang tinutukoy ni sir Danyel na katutuhanan ukol kay sir Damien?
BINABASA MO ANG
Empire Series 2: The Mafia's Maid
Romance[ON-GOING] - Aryana Madrigal, a woman stuck in her alcoholic father's debts, works day and night for money. One night, while working at a bar, an unfamiliar man appears and offers Aryana a job she couldn't decline. The job was easy; it was to babysi...