"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, Ary?" Dinig na dinig ko ang pag-aalala sa tono ng boses ni Anna, umangat ako ng tingin at binigyan siya isang tipid na ngiti. It's been around fifteen minutes since Markuz El Verde, the very owner of the Crescent Bar, left. With the contract that I signed.
Yumuko ako at tumingin sa brown na envelope sa aking kandungan na ibinigay sa akin ni Markuz kanina bilang up-front payment niya sa akin, inilagay ko ito sa loob ng aking dalang tote bag at humigop sa straw ng iced coffee na in-order ni Markuz para sa akin. As for Anna, she got an iced chamomile tea in a small teacup.
"Sigurado ako. 'Wag kang mag-alala." I assured.
Nang maka-uwi ako, alas-singko na ng hapon, hindi ko na rin naabutan si tatay sa loob ng bahay dahil uminom na naman siguro sa kung saan-saan. Napabuntong-hininga na lamang ako at panandaliang naligo bago pumasok sa loob ng aking kwarto. Tinuyo ko ang aking hanggang dibdib ang haba at kulay tsokolate na buhok gamit ang tuwalya habang naghahanap ng damit na susuotin ko para mamaya papuntang trabaho sa Crescent Bar.
Habang sinasampay ang basang tuwalya sa loob ng CR ay hindi ko maiwasang maisip ang mga posibleng mangyare mamayang gabi, kinakabahan rin ako.
Matapos suklayin ang aking buhok ay nagluto na ako ng ulam para sa hapunan, nagluto na lamang ako ng bulad at scrambled egg. May itinabi rin akong ulam para kay tatay, baka ay uuwi pa iyon mamayang gabi at gutom pa. Pagkatapos kumain ay naghugas ako ng plato at maagang natulog. Nagising na lamang ako nang mag-alarm ang aking cellphone, tumingin ako sa screen at alas-nuwebe na ng gabi. Alas-dyes y medya ang aking trabaho mamaya sa bar.
Mabilis akong nag-prepare at nagbihis, nag-toothbrush, at inayos ang aking buhok. Sinuot ko ang maong kong shorts habang naka-tuck in naman ang fit na kulay puti kong tee shirt, sinuot ko rin ang puti kong sneakers na suot ko rin naman kanina nang makipag-kita ako kay Anna at Markuz sa Beyaz café. Naglagay na rin ako ng pulbo at liptint dahil ayaw ko namang mag-mukhang hindi ka-prese-presentable sa mga customers mamaya. Naglagay na rin ako ng juicy cologne sa aking damit at leeg. Nilagay ko na rin ang aking cellphone at wallet sa loob ng aking tote bag at sinukbit ito sa aking balikat at nagsimulang nang maglakad palabas ng bahay, ni-lock ko ang pintuan at nagsimulang maglakad sa tabi ng madilim na daan; tanging mga ilaw ng nagsisitayuang mga poste sa gitna ng daan ang tanging ilaw ko habang papunta ako sa malapit na paradahan.
Hindi naman nagtagal at may humintong jeep sa harapan ko, mabilis akong pumasok sa loob at nagsimula na itong magmaneho paalis. Lima lamang kaming mga pasareho ang naririto sa loob ng jeep, marahil ay gabi na. Hinugot ko ang aking cellphone mula sa loob ng aking tote bag at tiningnan kung anong oras na.
9:41 p.m.
Tamang-tama at makakaabot pa ako roon sa tamang oras. Hindi naman gaanong kalayo ang bar na iyon mula rito sa aming barangay ngunit hindi rin gaanong kalapit, marami na kasing gusali sa paligid at wala nang nalulusutan na mga shortcuts papunta sa lugar na iyon. Habang nagby-byahe, inabot ko na rin ang aking bayad sa driver at umayos ng upo habang sinisinghap ang sariwang hangin mula sa bintana ng jeep. Air is colder at night, I love it.
![](https://img.wattpad.com/cover/299724755-288-k894808.jpg)
BINABASA MO ANG
Empire Series 2: The Mafia's Maid
Romansa[ON-GOING] - Aryana Madrigal, a woman stuck in her alcoholic father's debts, works day and night for money. One night, while working at a bar, an unfamiliar man appears and offers Aryana a job she couldn't decline. The job was easy; it was to babysi...