Kinabukasan ay nagising akong walang katabi, just like what I have expected. Buong araw ko din siyang hindi nakita.Siguro ay lasing lang siya kagabi at maling kwarto ang napasukan niya. At siguro, napagkamalan niya akong kanyang asawa na matagal nang wala.
He's still yearning for her and I completely understand.
Mahirap mawalan ng mahal sa buhay, at mahirap mag-adjust kapag wala na sila. The idea of them being gone forever is painful, lalo na at marami kayong alaala sa isa't-isa.
Habang iniisip ang mga ito, bigla kong naalala si nanay. Hindi pa naman gaanong matagal nang sumakabilang buhay na siya, ngunit unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga detalye sa kanyang mukha, dahilan upang ma guilty ako at madismaya sa sarili dahil dito. Mabuti nalang at dala-dala ko ang kanyang maliit na litrato ngunit unti-unti na rin itong napupunit dahil sa sobrang luma na nito.
"Mama?" Bigla akong natauhan nang marinig ang manipis at maliit na boses ni Yulia, nang tumingin ako rito ay kaagad na sumalubong sa akin ang matitingkad na kulay ng kanyang mga mata.
Kaagad akong ngumiti upang ipaalam na ayos lang ako. "Yes?"
"You..." Naputol ang kanyang salita at saka niya ako tinuro at tila ba ay hinahanap niya ang mga kasunod na mga salita, "spaced out."
Mahina akong tumawa bago siya nilapitan at niyakap nang mahigpit, narinig ko din ang mahina niyang tawa.
"Ya tebya lyublyu, Mama." My heart immediately warmed when I heard her say those words.
"Mahal din kita, anak." Tugon ko sa kaniya na para bang sarili ko na din siyang anak. Sa totoo lang, naaawa ako kay Yulia, dahil wala siyang kaalam-alam na hindi pala ako ang kanyang ina. I wonder what her reaction might be when she finds out, sigurado akong magagalit ito sa akin.
Tumayo kami ni Yulia mula sa damohan dito sa likuran ng bahay malapit sa mga naka linyang pine trees kung saan palagi kaming nagpi-picnic kasama si sir Damien.
"Yulia, slow down!" Mahinahon kong sigaw kay Yulia habang pinapanood siyang tumatakbo pabalik sa loob ng bahay, tumatawa ito habang sumasayaw na para bang ito'y nasa fairytale.
"Mama, hurry!" Sigaw nito sabay kaway kaway sa akin, may malapad na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin. Golden light struck her skin. Her blue eyes glowed like diamonds under the sun. Ngayon ko lang napansin na sobrang kamukha niya talaga ang kanyang ama.
Tumakbo ako papunta sa kaniya at kaagad siyang sinugod ng yakap at diretso siyang binuhat, tumawa siya nang malakas habang binubuhat ko siya papasok ng bahay.
"Mama, put me down!" Tawa parin ito nang tawa, nakitawa na rin ako dahil masarap pakinggan ang mga tawa niya. Ilang momento pa at tuluyan ko na siyang ibinaba sa may sahig.
"Go shower, I'll cook dinner." Ang sabi ko, tumango siya habang may maliit at inosenteng ngiti sa kanyang mga labi bago siya tuluyang tumakbo paakyat sa kanyang kwarto.
Niluto ko lang ang kung ano ang meron sa loob ng ref, niluto ko ang manok sa loob ng freezer. Fried chicken nalang ang niluto ko bilang ulam namin para sa mamayang hapunan.
Nang ibabad ko na ang manok na mayroon nang harina sa may kumukulong mantika ay saka ako nakaramdam ng mainit na kapit ng mga kamay sa aking beywang, dahil sa gulat ay kaagad akong napalingon at aksidenteng nabangga ng aking labi ang malambot na parte ng kanyang mukha. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata at pilit na humiwalay sa kaniya, ngunit imbes na humiwalay rin ay mas lalong humigpit ang kapit nito sa aking beywang at tuluyan na akong pinaharap sa kaniya. Sinabunot niya ang aking buhok at mas lalong idiniin ang labi namin sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Empire Series 2: The Mafia's Maid
Romance[ON-GOING] - Aryana Madrigal, a woman stuck in her alcoholic father's debts, works day and night for money. One night, while working at a bar, an unfamiliar man appears and offers Aryana a job she couldn't decline. The job was easy; it was to babysi...