ENTRANCE

61 5 3
                                        

Yow, babe. Salamat naman at napili mong bisitahin ang aking gawa. So, ano nga ba ulit ang problema mo? Alam mo kase, kaming mga lalake, kahinaan din namin kayong mga babae. Sa totoo lang. Hindi niyo lang alam. Makita lang namin kayong umiyak, gusto namin na sana sa'min na lang nanggagaling lahat ng mga pumapatak na luha sa inyong mga mata. Kapag nakikita naming kaybigat ng inyong dinadala, gusto namin na sana ay kami na lang ang pumapasan ng lahat ng iyan para naman gumaan ang inyo kaloob-looban. Sa tuwing nakikita namin na kayo ay nasasaktan, gusto namin na sana ay kami na lang ang sumasalo sa lahat ng sakit na inyong nararamdaman. Kung kayo ay nahihirapan, gusto namin na sana ay kami na lang ang tumanggap ng lahat ng hirap na inyong dinaranas.

Kami naman kasing mga lalake, handa kaming gawin ang lahat para sa inyong mga babae. Handa kaming suungin ang lahat ng gabundok na hadlang para maiparating sa inyo kung gaano kayo kahalaga sa amin. Kahit na nga siguro umabot sa puntong ikamatay na namin, handang-handa kami. Kung ang gagawin naman namin ay para sa inyo, para naman sa ikaliligaya niyo, basta't makita lang namin kayong masaya at malawak ang ngiti, sobra-sobra na iyon para sa mga pagsubok na tinahak namin. Kung minsan nga eh kahit wala nang kapalit, basta't magiging masaya kayo. Pero syempre, iba pa rin talaga iyong pakiramdam na masuklian ng taong minamahal mo, kapalit ng lahat paghihirap mo.

Minsan pa nga hindi ba, bata man o matanda, mahirap man o mayaman, pangit man o maganda, bungal man o kumpleto, makinis man o butas-butas, maputi man o maitim, matangos man o pango, punggok man o matangkad, sexy man o mataba, matambok man o flat, tigasin man o malambot, konserbatibo man o agresibo, inosente man o well-experienced, maliit man o malaki, mahinhin man o malikot, walang dating man o may sex appeal, mahiyain man o makapal ang mukha, pa-humble man o mayabang, no feels man o nakaka-wet, either good or bad, kakikitaan mo pa rin ng buo at karespe-respetong pag-iibigan. Dapat ganyan ka ka-positive pagdating sa pag-ibig. Hindi iyong puro negative ang naiisip mo, kaya bad vibes ang dumadating sa'yo.

Marami pa kong gustong ibahagi sa'yo. Alam ko naman kasing hanggang ngayon ay gulong-gulo at litong-lito ka pa rin. Totoo naman, mahirap talagang maunawaan sa simula. Kaya nga may kasabihan na nasa huli ang pagsisisi, dahil sa huli mo lang din naintidihan. Ngayon, na-stuck ka pa rin diyan sa sitwasyon mo. Huwag kang mag-alala. Marami akong ipapakilala sa'yo. Mga lalake. Pero hindi kita bibigyan ng lalake ha. Mag-babe muna tayo sa ngayon 'di ba? 'Yang mga lalakeng ipapakilala ko sa'yo, ay mga lalakeng mabigat ang pinagdaanan sa nakaraan, nagmamahal sa kasalukuyan, at hindi pa handa para sa hinaharap. Pero ang maganda sa kanila, hindi sila nagpatinag. Naging matatag ang loob nila. Hindi naman lahat sila ay may mabibigat na dinadala. 'Yung iba naman ay paniguradong kikiligin ka. So... paano? Handa ka na?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bilang Isang LalakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon