Chapter 2

2.4K 124 11
                                    

Nanatili akong tulala habang nakatingin sa puting kisame. Hindi ko alam kung anong oras na pero ang alam ko lang ay madilim na sa labas.  Unti-unti na rin bumabalik ang mga alaala ni Katniss sa akin at talaga namang kahit sinong makakaalam ng alaala ni Katniss ay malulungkot.

Napahinga na lang ako ng malalim.

Nang malaman kong nasa loob ako ng gustong-gusto kong nobela hindi pa ako makapaniwala dahil, hello, nababasa ko lang 'yon dati pero heto ako ngayon at nandito sa mundong 'to.

Bukod sa hindi ako makapaniwalang nasa loob ako ng nobela, hindi rin ako makapaniwala na nasa pamilyang Havenmour ako. AT AKO PA TALAGA ANG ANAK NG MAG-ASAWANG HAVEN NA WALANG KWENTA! What the heck, 'di ba?

Sa mundo ko, ng totoong ako bilang Zamora, meron akong kwenta! May halaga ako lalo na sa pamilya ko! Panganay ako at ako ang inaasahan nila. Tapos ma-rereincarnate lang ako bilang isang bunso at walang kwentang Haven? Nasaan ang hustisya?

Napabuntong hininga ulit ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala.

Kung paano ko naman nalaman na na-reincarnate ako bilang si Katniss Havenmour na nasa loob ng gustong-gusto kong nobela ay dahil kay Leah. Kumatok kasi siya ulit kanina sa kalagitnaan ng pagddrama ko sa harapan ng salamin at may dinalang gamot at tubig. Habang inaayos niya sa lamesa ang mga dala nagtanong ako tungkol sa buong pangalan ko. Natigilan pa siya at lumingon sa akin na may naluluhang mata at sinabing, "Is the poison's effect truly horrible?"

Akala siguro niya dahil sa lason kung bakit hindi ko alam ang pangalan ng may-ari ng katawan na 'to.

"Your name is Katniss Hermione Tremain Havenmour, my lady."

Havenmour...

To summarize the background of this novel, 9 families dominate this world and the Havemour family is one of them. There are only five countries in this world.

Kung paanong siyam na pamilya ang namamahala sa mundong ito gayong limang bansa lang ang meron sa loob ng nobelang ito ay dahil kada bansa ay dalawang pamilya ang namamahala. Maliban sa isang bansa na siyang pinaggigitnaan naman ng apat na bansa pa.

Iyon ang Hermes na pinamumunuan ng pamilyang Pendleton na siya ring pinakamataas at makapangyarihan na pamilya.

At siya ring pamilya na kinabibilangan ng Male Lead.

Ang apat na natitirang bansa ay ang Balmain na nasa North, Laurent sa East, Givenchy sa South, Cartier sa West.

May pagka-weird ang pangalan ng bansa rito dahil sa mundo ko bilang Zamora ay pangalan lang ito ng mga mamahaling brands. Tapos dito bansa na nila? Ibang klase. Pangalan pa lang ng bansa halatang expensive na ang mga tao roon.

Ang namamahala sa Balmain na nasa North ay ang dalawang pamilyang Grantham at McCarthy.

Sa Laurent-East naman ay Dandridge at Mountmorris.

Sa Givenchy-South naman ay Demetriou at Havenmour.

Sa Cartier-West naman ay Matthieus at Hariette. 

Kahit ganoon may rankings pa rin kung sino ang nangunguna, pumapangalawa at iba pa.

Unang-una ang pamilyang Pendleton, sila ang nangunguna sa mundong ito. Pangalawa ang Demetriou, Havenmour, Grantham, McCarthy, Matthieus, Hariette, Dandridge at panghuli naman ang pamilyang Mountmorris.

Ang panghuli sa mga nabanggit ang siyang pamilyang kinabibilangan ng Female Lead na napasukan kong nobela.

Athena Mountmorris. Ang bidang babae sa nobelang "A rose with deadly thorns".

Reincarnated as the youngest daughter of Haven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon