Chapter 10

1.7K 93 25
                                    

Matapos ng walang hangganang paglalakad ay sa wakas nahanap ko na rin si Leah. Naglalakad din ito habang magkasaklop ang kamay na nakadikit sa gitna ng dibdib niya. Umiiyak din siya habang nililibot ang tingin sa paligid na parang may hinahanap.

Napabuntong hininga ako bago malakas na tinawag ang pangalan niya. Agad niyang hinanap ang pinanggalingan non.

"Lady Katniss!" Malakas niyang sigaw nang makita ako bago mabilis na naglakad palapit sa akin. Umiiyak siya habang lakad-takbo ang ginagawa. Hindi naman siya makatakbo ng tuluyan dahil sa mga tao.

Nagulat ako nang bigla siyang umiyak ng malakas habang nasa harap ko na. Akala mo'y namatayan dahil sa inaasta.

"K-Kanina pa kita hinahanap. Bigla ka na lamang n-nawala sa likod ko. D-Dapat t-talaga hindi ko hinayaan na ako ang maunang maglakad p-para hindi ka nawala." Humihikbi niyang usal.

Naawa naman ako dahil sa itsura niya. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang tao. Nagtataka kung anong nangyari at umiiyak ang babaeng nasa harap ko.

Akmang luluhod siya dahil mukhang hindi pa siya nasapatan sa ginawa niyang pag-iyak nang pigilan ko.

"P-Patawad, Lady Katniss. Naging pabaya ako."

"Leah, stop being such a crybaby. I'm fine, you see. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, oh." Pang-aalo ko.

"P-Pero, Lady Katniss..."

"Okay nga lang ako. Huwag ka ng umiyak. Kung makapagreact ka naman akala mo ilang taon akong nawala sa paningin mo."

"My lady, something could possibly happen to you while I'm not by your side. You can't blame me for being this concerned about you. You're also not used to crowded places, so I was even more worried. A lot has happened to you, especially this past week." Bakas ang labis na pag-aalala sa boses niya.

Napabuga na lamang ako ng hangin. Walang patutunguhan ang pag-uusap namin 'to kung hindi ko iibahin ang topic. Panigurado akong naiinip na rin 'yung tatlong 'yun. Baka bigla na lang mag-amok ng away kapag naubusan ng pasensya. Halata pa naman na mahilig silang makipag-away.

Isa pa, alam kong hindi titigil itong si Leah sa kakasabi kung gaano siya nag-alala sa akin. Natutuwa naman ako na nag-alala siya pero hindi ito ang oras para don.

"Yeah, yeah. I'm sorry. Can we go now? May pupuntahan tayo."

Kumunot-noo siyang tumingin sa akin. Naguguluhan kung saan kami pupunta at bakit ko iniba ang topic.

"Hindi ba't nagugutom ka at gusto mong kumain ng chocolate cake? Hindi diyan ang daan natin, Lady Katniss." Sabi niya nang mapansin na sa pinanggalingan ko siya hinila at naglakad.

Hindi ko na lamang siya pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad. Nang mapansin siguro ni Leah na paunti ng paunti ang mga tao sa bawat nilalakaran namin ay kinabahan na siya bago muling nagsalita.

"L-Lady Katniss, saan tayo pupunta?" Nanginginig ang boses niya.

Hindi ko ulit siya pinansin.

Naramdaman kong bumigat ang paglalakad niya at medyo nahihirapan na rin akong hilahin siya dahil pinipilit niyang makatanggal mula sa pagkakahawak ko.

Ilang sandali lang nang makarating na kami sa pinanggalingan ko kanina na siyang pinagdalhan sa akin nung may kulay green na highlights sa buhok.

Nandoon na rin sila. 'Yung powerpuff boys.

"Magtiwala ka sa'kin, Leah. Hindi kita ipapahamak. Huwag ka lang magkakamali ng galaw dahil parehas tayong malilintikan dito." Mahina kong bulong saka ko binitawan ang kamay niyang nanginginig na sa kaba. Medyo pawis pa 'yon.

Reincarnated as the youngest daughter of Haven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon