Chapter 9

1.6K 84 14
                                    

"You should try this one, my lady."

"This one is lovely."

"I think this dress looks good on you."

"It complements your beauty, Lady Katniss."

*

Pagod akong napaupo sa nakita kong silya na nasa Clothing Store. Napapikit ako ng mata bago muling iminulat nang maramdaman ko ang isang presensya sa harapan ko. Bumungad sa akin si Leah. May hawak siyang gown na naka-hanger.

"This one! I believe this dress is perfectly made just for you, my lady!" Malaki ang ngiti niya habang pinapakita sa akin ang gown.

Pinasadahan ko naman ng tingin 'yung gown bago unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko. Sa lahat ng pinakita niya sa akin ay ito lang ang pinaka-nagustuhan ko. Maganda naman lahat ng gown na nandito pero hindi patok sa panlasa ko. Sa madaling salita, hindi ko type.

"We'll get that." Saad ko bago sumandal sa likod ng upuan habang nakangiti pa rin na pinapasadahan ng tingin 'yung gown.

Agad na umalis si Leah sa harapan ko nang marinig ang pinag-utos ko. Habang naghihintay ay pinagkrus ko ang aking braso bago tumingin sa labas ng bintana.

Laputa. Ang weird pero 'yan ang pangalan ng capital nila rito. Ngayon ko lang ulit naalala. Noong nasa kabilang mundo ako, tawang-tawa pa 'ko nang mabasa 'yung part na una kong nalaman kung anong pangalan ng capital nila rito.

Pero ngayon nandito na ako... hindi ko maiwasan ang ma-weirduhan. Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng ipangalan, talagang Laputa pa. Para kasing... nagmumura ako. Hehe.

Hindi ko alam kung nagkaroon ba ng ubo sa utak ang author ng novel na ito o sadyang kaparehas ng novel niya, weird rin siya. Parang ginagago lang ata ng author 'yung mga readers niya, e. Kasama na 'ko don.

Habang nililibot ang tingin sa labas ay bigla na lang dumako ang mga mata ko sa isang lalaki na nakaupo sa bench. Hindi masyadong kalayuan 'yon rito sa Clothing Store na pinanggalingan ko. May hawak na dyaryo 'yung lalaki habang magkakrus ang binti.

Natatakpan man ng dyaryo ang kaniyang mukha ay alam ko naman kung sino siya. Base rin sa katabi niyang babae ay nag-uusap sila. Nagsasalita kasi 'yung babaeng katabi niya at bahagyang lumilingon sa lalaki. Salamat sa mala-eagle eyes ko dahil kahit may kalayuan ako sa kanila, kitang-kita ko pa rin ang namumulang mukha ng babae. 

Unti-unting sumingkit ang mga mata ko nang makita ang kamay nung lalaki na dumapo sa hita ng babae. Iyong babae naman ay umurong palapit sa lalaki.

Hindi ko maiwasan ang mapasinghal habang pinapanood ang dalawang malantod. Napailing-iling na lang ako bago iniwas ang tingin sa kanila

"Hindi lang pala siya extrovert, flirt rin. Hindi man lang nahiya. Nasa public place kaya sila. Anong akala nila nasa pribado silang lugar? Masyado silang PDA."

Yucks.

"Lady Katniss? Sinong kausap mo?"

Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Leah na sumulpot sa harapan ko at bigla na lang nagsalita. Nakahawak pa ang isang kamay ko sa bandang puso dahil sa bilis ng tibok nito.

"Ayos lang ba kayo? Nag-aalala nitong tanong nang makita ang itsura ko.

Mabagal naman akong napatango. "O-Oo, nagulat lang." Potanginuh mo. Pakiramdam ko lumabas ng ilang segundo 'yung kaluluwa ko mula sa katawan ko.

Huminga ako ng malalim bago tumayo.

"So, how was it?"

"We're all set, Lady Katniss. They said they'd deliver the gowns tomorrow morning. We're ready to go, my lady."

Reincarnated as the youngest daughter of Haven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon