Chapter 5

1.8K 98 5
                                    

Pakiramdam ko hindi ako tatagal na kasama sila. Masyadong maikli ang pasensya ko para pakisamahan sila at hindi rin sila worth it habaan ng pasensya.

Hindi ko rin alam kung tatagal ba ako sa pag-arte ko na ako bilang Katniss dahil magka-ibang magka-iba kami. Itong ginagawa ko pa nga lang na pagharap sa kanilang apat kahit sinasabihan na nila ako ng kung ano-ano ay iba na sa ginagawa ni Katniss kung siya ang nandito ngayon. Kung tutuusin hindi rin siya mag-aaksaya ng oras na pumunta dito para lang ipagtanggol ang babaeng nakagapos ngayon.

Kung wala lang akong plano kanina pa 'ko nasa garden at lumalanghap ng sariwang hangin. Katulad ni Katniss, hindi na ako mag-aaksaya ng oras kaharapin sila. Tsk!

"Have you already forgotten, Katniss? Ang kung sino mang nagttraydor sa pamilyang ito ay binibigyan ng karapat-dapat na parusa dahil isa iyong malaking kasalanan. That is what she deserves. So now, leave and go back to your room." Pagsabat ni Kaiser.

"I promise to leave this room, brother. I also have no intention of staying in this room for an extended period of time because..." Napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto na masasabi kong mabaho sa kwartong kinalalagyan namin.

Nagtataka naman silang nakatingin sa akin na parang hinihintay na ipagpatuloy ko ang sasabihin kaya naman napilitan akong aminin ang totoo. "... It stinks here."

Wow, kriminal lang na natatakot sabihin ang totoo? Totoo naman kasing mabaho dito pero mukhang wala lang sa kanila 'yon. Sanay na sanay. Sa bagay, natatagalan nga nila ugali nila, e. Oopss... Sorry not sorry.

"I don't like the look on your face, Katniss." Masama ang tingin na binibigay sa akin ni Catherine. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil don. Ano na naman ba ang ginawa ko sa biatch na 'to? Don't tell me nababasa niya ang iniisip ko?

Kung ganon, edi mas mabuti. Para naman malaman niya 'yung totoo. Sabihin niya na rin sa mga kapatid niya tutal doon naman siya magaling. Ang siraan si Katniss.

"What did I do wrong, sister?" Pinigilan ko ang mapangisi dahil sa mas naging masama ang itsura ng mukha niya nang marinig ang tinawag ko sa kaniya.

"Silence." Pagpapatigil sa'min ni Kairos.

Natigilan naman ako dahil para siyang si Lord Havenmour nang sabihin 'yon. Ang pinagkaiba lang ay kalmado niya 'yong sinabi.

"Kung wala ka naman palang balak na magtagal dito, ano pa ang ginagawa mo at nandito ka pa rin?" Nakakunot-noong tanong ni Kaiden.

Mukhang nagtataka na rin siya at hindi maiwasan pigilan ang bibig na magtanong ng deretso. Kapag talaga tinamaan ka ng pagkakuryoso wala kang ibang magagawa kung hindi magtanong ng hindi mo namamalayan.

Nginitian ko siya. Kailangan maging mabait ako kung gusto kong magawa ang nais ko. "Aalis lang ako dito ayon ay kung kasama ko na ang babaeng 'yan." Sabay turo ko sa babaeng maid na nakagapos.

Nagulat naman sila sa sinabi ko. Malamang sinong tanga ba naman ang sasabihin 'yon, 'di ba? Gusto kong isama paalis sa kwartong 'to kung saan pinaparusahan ang mga taong nagttraydor sa pamilyang Havenmour ang taong nagpahamak sa buhay ko. At ang malala, pinagtatanggol pa. Well, iyon ang sa tingin nila.

"Y-You must be joking, sister." Natatawang saad ni Kaiden, hindi makapaniwala.

"Stop pitting some nonsense, Katniss." Komento ni Kaiser.

"Are you out of your mind, Katniss? You must be insane!" Sigaw naman ni Catherine.

"I won't allow it." Striktong saad ni Kairos.

Reincarnated as the youngest daughter of Haven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon