Chapter 1

49 1 0
                                    

Its almost our summer vacation. Wala pa din akong plano kung ano ang gagawin ko at saan ako pwedeng pumunta. Nakapagipon na ako ng sapat para makarating kung saang saang lugar sa Pilipinas. Hindi ko lang talaga alam kung san ako magsisimula, wala namang gustong sumama sakin kasi may sarisarili ring lakad ang mga kaibigan ko. Dahil ayw nilang sumama sakin nagtampo ako sa kanila at hindi sumabay kumain sa Manokan, at napagdesisyonan kong magpaiwan sa room at matulog. Inilagay ko sa kabilang armchair yung papel na nasa armchair ko at tsaka natulog na ko.


After 15 minutes.

Pakiramdam ko may nakatingin sakin. Oo na ang creepy, ayaw ko sanang magmulat ng mata kasi baka may mumung nakatingin sa akin. Huhu, kahit ayaw kong magmulat binuksan ko pa din mata ko.


"May gusto ka pala sakin?" tanong niya pagmulat na pagmulat ko palang ng mata.


Agad kong inagaw yung mga papers ko. "Wala akong gusto sayo no?Di naman akin tong mga gamit" pagtanggi ko habang kinakapa yung mata ko kung may muta.


"Kaya pala." Sabi niya tapos umupo sa tabi ko.


"Anong kaya pala?" pagtatanong ko.


"Kaya pala yung pangalan mo ang nakasulat sa taas." Sabi niya tsaka nagsmirk.


Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko sa muka. Pakiramdam ko pulang pula na muka ko. Nabuko na ako ng crush ko, wait scratch that ng First love ko.


"Nagblublush ka na. Sabi na nga ba e, Alam kong matagal ka nang may gusto sa kin di mo lang sinasabi sa iba. Simula highschool pa tayo diba? Ang gwapo ko talaga. " Pangiti ngiti pa sya habang sinasabi niya yun.


Halata na pala nya na gusto ko siya dati pa? OMG, nakakahiya. Napataklob nalang ako ng muka at hindi ko na siya pinansin. Ano pa bang dapat kong sabihin na buko niya na naman ako. Nilabas ko yung Iphone ko at nagfacebook, mga walng kwentang status lang tungkol sa Ariel , milk tea at forever ang nakikita ko. Then may nakita akong video na nakashare sa isang group na kasali ako, plinay ko yun. Napapangiti ako sa mga picture at words na nakikita ko. #RelationshipGoals. Matapos magplay nung video ay nakangiti pa rin ako.


"Do you want something like that?" nabigla ako sa tanong niya.

"like what?" painosente kong tanong.


"Yung pinanood mo? Gusto mo bang ganon din yung mga gagawin at paguusapan niyo ng magiging boyfriend mo?"


"Oo, ang sweet kaya pag ganun. Yung magtratravel kayo ng magkasama, Kakain ng mga paborito nyong pagkain, magcucuddle, Yung hahatidan ka ng paborito mong pagkain sa bahay niyo kahit alas tres na ng umaga, lahat naman siguro ng babae gusto ng ganon" Sabi ko habang nagdeday dream with matching pikit pa ng mata. Narinig kong napatawa sya ng bahagya.


"Btw, may plano ka na ba ngayong summer?" pagiiba niya sa topic.


kahit nabigla ako sa tinanong niya sumagot pa din ako "Meron na." Matipid kong sagot.


"Really? Do you want to change your plans?" seryoso nyang tanong.


"HAHAHAHAHAHAHA" Malakas kong tawa.


"oh bakit ka natawa?" tanong nanaman niya.


"Wala lang, gusto ko lang!"sabi ko.


"Let's make a deal" Seryoso nyang sabi habang nakaharap sakin at kahit natatawa na ako dahil sa sobrang kilig pinilit ko paring magseryoso.


"Ano naman yang deal na iniisip mo?" tanong ko.


"Diba gusto mong maranasan lahat ng napanood mo?" Tumango naman ako. "I can let you experience that since crush mo naman ako alam kong ok na ok yun sayo" Mahangin niyang sagot.


"Aba! ang yabang mo talaga." naiinis kong sabi. "At bakit mo naman gustong makipagdeal sa akin?" Tanong ko.


"Gusto kitang pagpraktisan. Tutal sabi mo naman gusto ng mga babae yang mga ganyan, gusto kong iparanas yung mga ganyan sa Future Wife ko. Para malaman ko kung ano yung mga dapat gawin para mas maiparamdam ko sa kanya na mahal ko din siya" walang preno nyang sabi habang ako namumula na sa kagaspangan ng ugalin nitong lalaking to. Gusto lang pala ako pagpraktisan. Badtrip. Hmmp.


"Pagiisipan ko pa. Chat nalang tayo mamaya!" sabi ko habang inaayos yung mga gamit ko. Bibili muna ako ng pagkain, bigla akong nagutom.


"OK. Saan ka naman pupunta Jeigh?" tanong niya sa akin.


"Sa lugar kung saan wala ka" pagtataray ko.


bago ako makalabas ng pinto narinig ko pa yung huli nyang sinabi.

"Asus, Gusto mo naman na lagi akong nakikita".


At dahil sa ungas na Clark na yun di pa ako nakapagpakilala. Ako nga pala si Jeigh Lory Marquez , 19 years old at yung lalaking mahangin kanina ay ang first love ko na si Clark Angelo Agustin. OO, first love ewan ko din kung bat ako tinamaan sa mahangin na yun. Unang kita ko palang sa kanya pagpasok ko sa classroom ay nagkaron na ko ng goosebumps. Pano ba naman, akala ko sakin siya kumindat yun pala dun sa babaeng nasa likod ko. Nakakainis diba? pero dahil matalino siya at malinis tingnan di na talaga nawala yung pagkacrush ko sa kanya. Hay nako! Ewan ko ba , bakit siya pa.


Tungkol naman dun sa deal na sinasabi niya. WAAAAAAAA, my insides are screaming. Alam na alam ni Lord kung ano ang isasagot ko syempre nagpapakipot lang ako tapos pag nagchat sya sakin mamaya iiiscreenshot ko para may remembrance. Excited na kong umuwi mamaya, sana sya unang magchat para nakakakilig. Grabe ang Landi ko na, tama na to.


End of Chapter One

Goals AchievedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon