Chapter 3

31 0 0
                                    

Nagpunta na kami sa classroom, hawak niya padin yung kamay ko. Naiilang ako, Itutuloy ko pa ba to? Hay nako.

Pinagtitinginan kami ng mga blockmate ko lalong lalo na yung mga mongoloid na mga barkada. Tingin  palang nila alam ko na ang ipinahihiwatig e. Bumitaw na ako sa kamay ni Clark at Lumapit kay Jessie. Dahil may seat plan kami , hindi kami magkatabi ni Clark. (As if naman tatabihan ako nun.)

"Ano naman ang ganap aber!" Tanong ni jess.

"Wala" sinabi ko habang nilalabas yung binder ko.

"ANONG WALA?" Sigaw naman ni Blaire.

"Sshh. SHhh. Wag kang sumigaw" Natataranta kong sabi.

"Anong wala? Magkahawak kamay niyo ni Clark pagpasok nang room e. Iniwan ka lang namin kahapon naging close na kaagad kayo?" tanong ni Blaire.

"Ugh ? Parang ganun na nga." Sagot ko.

"What The? Don't tell me may nangyari sa inyo dito sa room? Nirape mo siya ano?" Tanong ni Valerie.

"Gago! Di ko pwedeng ikwento dito sa room kasi kinikilig ako pag naaalala ko. Mamaya nalang breaktime." Sabi ko sa kanila.

Lumingon pa ako ng isa sa likod, kung saan nakaupo si Clark at ayun nakita kong #BEASTMODE na naman siya sa kaseryosohan. 

Lumipas ang mga oras.

Klase...

Klase...

Klase..

Di manlang kami nakakapagusap ni Clark, namimiss ko na siya. HAHAHAHA Ang landee mo teee.

Kanina naikwento ko na sa mga kaibigan ko yung nangyari kahapon nung bumili kami ng pagkain sa labas saglit. Sa sobrang kilig nila ako yung napagtripan nilang palupaluin kaya tuloy pagpasok ko sa room muka akong nirape.

Di ko na sinabi sa kanila yung deal namin ni Clark. I just don't feel like i should tell them.

-----

Natapos ang buong araw ko na puro recitation. Kasi nga exam na next week so goodluck to me. Luckily, i answered all of them.

"Bye guys!" Nagbabye na ako dun sa tatlong mongoloid kasi magkakasama sila sa dorm kaya heto ako naglalakad papuntang sakayan.

*Beeeeeppppp

"Ay kalabaw!" napasigaw ako habang nagtatakip ng tenga.

"Ano ka ba? San ka nanggaling Jeigh. Kung sabay tayong pumasok dapat sabay tayong uuwi. Natataranta na ako sa paghahanap sayo, tapos uuwi ka na pala!Dapat nagpaalam ka sakin." Dirediretsong sabi ni Clark. Yung reaksiyon niya ay parang nawalan ng pinakamamahal na pusa tapos nahanap ulit.

"Grabe! HAHAHAHAHA and the best actor goes to Clark Agustin." Pumalakpak pa ako habang natawa.

"ANO BANG NAKAKATAWA DUN. PINAGALALA mo ako!" Sinigawan niya ako.

"Luh? Clark, huminahon ka? Chill. " Pinakalma ko muna siya bago ako magsalita ulit.

"Clark, ganto kasi yan. Di ko naman alam na isasabay mo ako paguwi kasi di mo naman sakin sinabi at di tayo nagusap kanina. " Sabi ko nung kumalma na siya.

"Dapat alam mo na yun kasi nga diba girlf--- Kunwaring girlfriend na kita." Okey na sana e. May 'Kunwaring' pa na word.

"Oo na, next time, tara na uwi na tayo." sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga nalang siya. Ewan ko ba kung sigh of relief yun dahil nakita niya na ako o dahil di na siya mahihirapang maghanap.

------

Hinatid niya ako sa mismong tapat ng bahay namin.

"Sige, Clark. See you bukas. Slamat " sabi ko pagkababa ko at pagkabigay ko ng helmet sa kanya.

"Sige" Nginitian ko siya at naglakad papasok nang bahay.

"Uh, Jeigh-----" tawag niya kaya napalingon ako

"Hmm?" Tanong ko.

"Can i get your number?" KINUKUHA NIYA YUNG NUMBER KO. YIEEEE.

"Su-Sure" Sabi ko. Fvck Nagstutter pa ako.

"Haha. Namumula ka na naman." Sabi niya.

"That's life!" sagot ko habang tinatype ko yung number ko sa phone niya. "Done. Sige papasok na ako!" sabi ko pagkatapos kong itype yung number niya.

"Uh, Jeigh-----" tawag ulit ni Clark.

"Hmm?" Tanong ko ulit.

"Sorry if i shouted at you kanina." sabi niya.

"Oh? Sus yun lang ba, ikaw pa! Lakas mo sakin e kaya pinapatawad na kita" Sabi ko.

"Thank you" at nagsmile siya. Yun yung bagay na hindi ko nakikita tuwing nasa loob kami ng room. hayss. Kaya nagsmile na din ako at ayun umalis na din siya sa wakas at pumasok na ako sa bahay.

-------------

Guys. Vote, Comment, Follow me. Kung gusto niyo lang pero sana gusto niyo. HAHAHAHAH

Goals AchievedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon