Paguwing paguwi ko dumiretso kaagad ako sa kwarto at binuksan ang mahiwaga kong laptop habang nagbibihis. Kahit habang nasa jeep pa ako kanina ay kinikilig na kaagad ako. Di ko pa sigurado kung ichachat nya ako ang sigurado ko lang ay online sya ng mga gantong oras.
Loading... Loading.. Loading...
Tae. Ang bagal nang internet. (10 years later) Joke.
Ayan na nagbukas na yung facebook ko at may nakita akong message, agad agad kong binuksan baka si Clark yun.
Nge, message lang pala galing sa group chat.
*Tunog*
Oy , may nagchat! SIIIIIII CCCCCLLLLLLAAAARRRRKKKKK! Yiee Kinikilig ako.
Clark: Hey!
Ako: O? (Nagmamaganda kunwari ayaw pero kinikilig naman)
Clark: Anong sagot mo?
Ako: Nagiisip pa ako.
Clark: Grabe ang tagal mo magisip. Limang oras na po ang nakalipas.
Ako: Paki mo ba? Haha. Sige na, payag na ako. Let's talk about the details bukas sa room.
Clark: Luh. Kunwari napilitan. Pssh. If i know kinikilig ka na dyan. Sige, see you bukas.
Ako: Yung kahanginan mo umaabot sa kwarto ko. Pssh.
Clark: Pssh. Nagsasabi lang ako ng totoo Miss.
Sineen ko nalang yung chat niya. Kasi naman sobrang kinikilig na talaga ako. Boosseettt.
May nakalimutan nga pala akong sabihin sa inyo. Wag kayong mabibigla, nakatira kami ni Clark sa iisang subdivision. Siya sa Road 6 at ako naman sa Road 4. Magkakilala ang mga magulang namin, in fact, close na close sila. Ewan ko din kung paano nangyari yun, dahil hindi naman ako palalabas ng bahay nung first year high school ko lang talaga nakita si Clark.
Kakain ako ng maaga ngayon, tapos maagang gagawa ng assignment at matutulog na para maaga kong makita si Clark ko bukas. Bye.
Ooopps wait lang, may nakalimutan ako.
Mahal ko si Clark tapos medyo friends na kami tapos niyaya niya akong magbakasyon kasama siya. Yiee #CrushGoals.
Maaga akong gumising para alam niyo na. Medyo di nga ako nakatulog ng maayos e. Kasi naman kinikilig padin ako.
Paganda here, paganda there. Di ko alam isusuot ko, Wednesday pa man din ngayon, di kami nakauniform. Tapos kelangan ko magbihis ng maganda kasi maguusap kami mamaya ni Clark. Hayyyy. Hanap here, hanap there, hanap everywhere.
Kahit sobrang dami kong sinukat na damit nauwi pa rin ako sa pagsususot ng Ripped jeans, converse shoes at ang pinakapaborito kong damit na may nakaprint na BELIEBER sa gitna. (oo, Belieber ako)
I looked at the clock and...
"Shet! 6:45 na" Hay nako naman. Ang epic, malelate padin ako.
7:30 klase ko. 20 minutes papuntang school. 15 minutes pagkain at yung natitirang oras ay kung traffic pa. Hay naman! Epic.
Bumaba na ako para kumain kahit di pa nakapagsusuklay.
"Hay nako Jeigh! Malelate ka na naman. Bilisan mong kumain." sabi ni mama.
"Opo mama!"
Binilisan ko ang pagkain para may oras pa ako para magayos.
Time check. 7:05.
Ayan tapos na ako.
"Ma! Pa! alis na ako" Sigaw ko dahil nasa taas na sila, nagreaready narin para pumasok sa office.
"Osige, mag ingat kayo ni Clark!" sabi ni mama. Nasa may kusina lang pala siya.
"Maaaa!" Medyo kinilig ako dun. Lumabas na ako ng pinto ng nakangiti.
"Si mama naman o, as if susunduin ako ni...........Clark." Oo, nasa labas si Clark.
"Hi, Goodmorning!" Binati niya ako ng super duper ganda niyang ngiti. Hayss, yung puso ko nalaglag yata.
"Uh, G-GoodMorning din!" namumula na siguro ako. Sobrang pula. Alam pala ni mama na nandito siya, di manlang sinabi.
"Tara na!" sabi niya sakin.
Tumango naman ako at maglalakad na sana papuntang sakayan pero bigla siyang tumawa.
"Dito tayo sasakay." Tinuro nya yung itim nyang motor. Yung motor na matagal ko nang pinagpapantasyahang sakyan. Ducati 749 kasi e. Oo, Rich kid si Clark. Nasa kanya na nga ang lahat e.
Pogi. Check.
Matangkad. Check.
Matalino. Check.
Mayaman.Check.
at higit sa lahat Mabango medyo mayabang nga lang.
"Hoy, natulala ka na jan! tara na malelate na tayo" sabi niya.
"Sabi ko nga. Tara!"
Halos 15 Minutes palang ay nasa school na kami. Grabe ang bilis niya magpatakbo.
"Sa may tabi nalang ako ng gym Clark. Bababa na ako dun ha?" Kahit ayaw ko bumaba , pinagtitinginan na kasi kami , nahihiya ako.
"Sus, ngayon ka pa nahiya. Hayaan mo silang tumingin. Kelangan na nating masanay, magsasama tayo buong summer" Dirediretso niyang sabi habang ipinaparada yung sasakyan niya sa may parking lot ng school.
"Magsasama talaga ang term? hahahaha" Pabulong kong sabi sa sarili.
"Ano yun?" tanong niya matapos makababa sa motor niya. Ako, kanina pa ako nakababa inaantay ko lang siya, sabi niya antayin ko daw siya e.
"Wala, wala. Tara na, malelate na tayo " naktingin ako sa orasan hindi talaga para tingnan kung ano nang oras kundi para iwish na san huminto ang oras.
Hinatak niya yung kamay ko, natulala ako.
"Halatang kinikilig ka." Sinabi niya sakin habang tumatawa. Kinurot niya yung ilong ko sabay sabing "Pulang pula ka na baby!"
Baby? Baby! Baby oh. Like baby, baby, baby no.
"Tara na!" Sabi niya.
"Clark naman , binibigla mo ako, diba maguusap pa tayo mamaya?" Yun lang ang nasabi ko.
Tumawa lang siya. Yung tawang nakakainlove. Ihhhhh Dem feels.
Okey, i can't take it any longer . Haysss.
BINABASA MO ANG
Goals Achieved
Teen FictionHave you ever had your goals? Yung mga Relationship Goals, Friendship Goals at kung ano ano pang Goals. Siguro di naman mawawala satin yun diba? Di naman masama magkaroon ng Goals, at lalong hindi rin masama kung matutupad ang mga ito.