Pagkagising ko sa umaga, masayang masaya ako. Ang aga ko ngang pumunta sa kusina e.
"Jeigh, san galing yung ice cream na nasa fridge?" Tanong sakin ni mama nung makaupo na ako sa mesa.
"Ahh. Kay Clark Ma."matipid kong sagot.
"KAY CLARK?" Sabay na tanong ni Leigh at Mama. Si Leigh ay younger sister ko.
I nodded my head. Sabay silang tumawa.
"Di ako nagbibiro." Sabi ko habang nakain.
"Sus, ang aga-aga ate. Wag kang magpantasya, binili mo lang yan kagabi e." Sabi ni Leigh.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Sabi ko.
*Dingdong*
"Aba! Ang aga naman ng bisita natin" sabi ni Papa.
"Baka si Clark yan te, buksan mo na yung gate." Natatawang sabi ni Leigh.
"Papa oh." Sumbong ko kay papa, naghahanap lang ako ng kakampi.
"Sige na, Jeigh. Buksan mo na, Kapag si Clark yan papasukin mo dito at nang mayayang mag almusal." Sabi din ni Papa.
Tumayo ako para buksan ang gate.
Nasa pinto palang ako , nakita ko na siya. Si Clark..
Nakakagulat talaga lahat ng ginagawa niya. Promise. Kung dati napunta lang siya sa bahay para magdala ng ulam (which was rarely) ngayon napunta na siya sa bahay para tumambay.
Nakangiti siya habng papalapit ako.
"Tara daw sa loob." Sabi ko sa kanya.
"Wala man lang Good Morning dyan?" Tanong niya.
"Di naman good ang morning ko e." #Kunwaringbadtrip
Napakunot ang noo niya.
"Ha? Eh nandito na naman ako diba? Di ka ba masayang nakita ang gwapo kong muka?" Tanong niya.Isinarado ko ulit yung gate pagkapasok namin.
"Sila mama kasi e, inaasar na naman ako, di daw totoo na close tayo. Ayaw maniwala." Sabi ko.
"Haha. Hayaan mo, papatunayan ko na sobrang close tayo." Sabi niya.
Dumiretso kami sa kusina.
"Ano te si...... uy, Kuya Clark!" Bati ni Leigh kay Clark.
"Hi. Good morning po tito at tita at Leigh." Bati niya sa kanila.
Natulala nalang silang lahat. Umupo ako ng may pride. Hahahaha
"CLARK, upo ka na!" Diniinan ko talaga yung pangalan niya.
Umupo naman si Clark sa tabi ni mama, katapat ko.
"Tara kain na tayo!" Masigla kong sabi.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA
"Ah. O-onga nga. Anong gusto mo iho? Gatas? Kape? Milo? Juice?" Alok ni mama kay Clark.
"Uhmm. Milo po tita." Matipid niyang sagot. Di na naman 'others' si Clark sa pamilya. Close sila ni Mama at Papa pati nadin nung kapatid ko, kasi tuwing may event like Christmas and New Year sabay kaming nagse-celebrate. Kung nung Christmas sa bahay nila Clark kami nagcelebrate sa New Year sa bahay naman namin, vice versa. Ewan ko kung bakit ganun. Siguro dahil maliit lang yung pamilya naming Dalawa at wala kaming kamag-anak na malapit. Si Clark ay nagiisang anak at yung mga relatives nila nasa UK . Kami naman ay Dalawa lang ni Leigh at yung mga relatives namin ay nasa Davao.
"Sige" tumayo si mama para ipagtimpla si Clark ng Milo.
"So, Clark anong ginagawa mo dito? Nag out of town ba mga parents mo?. Di ka naibilin saamin. Tatawagan ko nga si Nicolai." Sabi ni papa.
BINABASA MO ANG
Goals Achieved
Teen FictionHave you ever had your goals? Yung mga Relationship Goals, Friendship Goals at kung ano ano pang Goals. Siguro di naman mawawala satin yun diba? Di naman masama magkaroon ng Goals, at lalong hindi rin masama kung matutupad ang mga ito.