THE FACT that he can just tell me to do something he wants is making me mad. Ngunit ang mas nakakapagpakulo ng dugo ko ay ang kaalamang hindi ko siya kayang suwayin. Kilala ko siya.
Kung hindi ako susunod, siya talaga ang susunod sa akin sa bahay. At hindi puwedeng mangyari ’yon muli. He can't go again in my house. Hindi puwedeng makita siyang muli ni Gideon.
My son is easily curious. Ngayong nabuksan na ang kaalaman tungkol sa Dad niya, mahirap nang mawala ’yon sa kanyang isipan. Kaya hangga't hindi pa masyadong nakatuon ang atensyon niya sa kanyang ama, dapat na gawin ko ang lahat upang mawala sa isipan niya si Reagan.
Kahit na ang kapalit ay araw-araw na pagkikita naming dalawa ni Reagan.
"Nandito na po tayo, Ma'am."
Bumalik sa reyalidad ang aking isip nang marinig ang boses ng aking driver. Sumulyap ako sa mansyon sa aking gilid. Pasado alas syete na ng gabi yet I'm here, at his house.
"Magte-text na lang po kapag magpapasundo," saad ko. I thanked him before hopping out the car.
Alistong binuksan ng nagbabantay na guard doon ang gate nang makita ang pagbaba ko. Tahimik akong pumasok sa loob. Napansin ko ang kotse na naka-park sa harap.
He's here.
"Uy! Hello, Ma'am! Kayo na po ba ni Sir?" salubong sa akin ni Mary. Nakangising aso pa.
Tumalim ang tingin ko. "Oo, kaya humanda ka dahil ipalilinis ko sa ‘yo ang buong mansyon!"
Napa-backout siya sa gilid ng pinto at alanganing ngumiti. "J-joke lang po, Ma'am, hehe. N-nasa kuwarto po pala si Sir, Ma'am. H-hinihintay ka po."
Hindi ko na siya pinansin. Diretso akong naglakad papunta sa ikalawang palapag ng mansyon. Hindi na ako nag-abala pang kumatok at basta na lang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto.
Ang dim na ilaw kaagad ang napansin ko sa loob ng kuwarto. Iisa lang ’yon kaya may mga parte na madilim talaga. Iginala ko ang tingin nang makita na wala siya sa kanyang kama.
"Reagan," tawag ko.
Ngunit katahimikan ang sumagot sa akin. Naglakad pa ako papasok sa loob. Where the hell is he? Akala ko ba ay nandito siya?
Napahinto ako bigla.
Presensya ng isang tao ang naramdaman ko sa aking likod, and I knew very damn well who it is. I turned around to face him but it was a wrong move dahil isang mainit na halik ang sumalubong sa akin.
"Hmp!"
Napakapit ako sa kanyang balikat dahil sa panghihina ng aking tuhod. Tila hinihigop ng kanyang halik ang lakas ng aking katawan. Napahingal ako nang kagatin niya ang aking ibabang labi.
Ngayon ko napagmasdan nang maiigi ang kanyang kabuuan. He's still wearing the polo-shirt pero nakabukas na ang ilang butones niyon. Magulo ang kanyang buhok at parang mas dumilim ang kanyang abuhing mga mata. Ang kanyang ilong at mga labi ay mas naging kaakit-akit dahil sa malamlam na ilaw na nagmumula sa nag-iisang nakabukas na lamp.
I hate to admit it, but he looks so hot and fuckable at this moment.
"I want you, Ryleigh..." he whispered. "So fucking bad."
Hindi ko magawang pigilan siya nang bumaba ang kanyang mukha sa aking leeg. Napapikit ako nang maramdaman ang kanyang labi roon. Ang kanyang kamay ay senswal na humaplos padausdos mula sa gilid ng aking dibdib pababa sa aking balakang.
"Why?"
Nagtaka ako sa kanyang tanong.
"Why him? Do you still love him?"
Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. It's Tristan.
I want to answer him but because of the pleasure he's giving me, hindi ko magawa.
"What's wrong with me, Ryleigh? Why can't you love me? Bakit siya pa?"
Sumikip ang aking dibdib nang marinig ang sakit at pagdaramdam sa kanyang boses.
"Bakit hindi na lang ako?"
Nagtama ang aming mga mata nang mag-angat siya ng tingin. Halo-halo ang nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata. Sakit, pait at galit.
Mahina akong napasinghap nang haplusin niya ang aking pisngi. He didn't let go of my cheek.
"You don't love me. You don't want to marry me. I don't have any reasons to make you stay with me, Ryleigh. I don't have anything to make you want me."
Napalunok ako. May kakaibang init ang lumukob hindi lang sa aking puso kundi maging sa aking buong katawan nang bumaba ang kanyang kamay sa aking tiyan. Marahang humaplos doon.
"R-reagan—"
Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang sakupin ng kanyang mainit na mga labi ang akin.
BINABASA MO ANG
Don't Let Him Know
Любовные романыRyleigh Sebastian had been living in peace for three years now, until the man she loathed the most suddenly appeared. It was none other than the evil and ruthless billionaire, Reagan Iverson. Her ex-fiance and the father of her son. She knew that on...