A FEW DAYS has passed already but his actions remained the same, and it’s starting to get into my nerves. What the hell is his problem really? Bakit ba hindi niya na lang sabihin kesa ganito?
“Tulala ka riyan, Ma’am? May problema po ba?”
My mind went back to reality when I heard Nanay Aya’s voice. Lutang akong lumingon sa kanya.
“Ano po ‘yon, Nay?” tanong ko ulit.
Napailing siya. “May problema ka nga. Kanina ka pa tulala riyan.”
I released a problematic sigh. Nasa bahay ako ngayon. I decided to take a day off. Gusto kong magpahinga kahit isang araw lang.
Pero sa dami kong iniisip, parang wala lang din, eh.
“May problema po ba kayo ni Sir? Napapansin ko rin po na nag-iiwasan kayo?” Nanay asked.
Muli akong napabuga ng hangin. “I don’t know about that man. Bigla-bigla na lang hindi namamansin. Nakakainis! Ang sarap yakapin sa leeg nang walang bitawan.”
Natawa si Nanay sa sinabi ko. “Ay baka kulang sa lambing, Ma’am. Kaunting lambing lang ‘yun.”
Pati tuloy ako natawa. Maya-maya ay bigla akong nanahimik. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Alessia.
“’Nay, how will you know if you’re in love with someone?” mahina kong tanong.
Hindi inaasahan ni Nanay Aya ang tanong ko kaya hindi siya kaagad nakapagsalita. Sumeryoso ang mukha niya at saglit na tumigil sa ginagawa.
Nilingon niya ako. “Si Sir po ba, Ma’am?”
Tahimik akong humugot ng malalim na paghinga. Slowly, I nodded.
“Ma’am, marami po akong puwedeng isagot sa tanong niyo pero sa huli, ang nararamdaman niyo pa rin para sa tatay ng anak niyo ang dapat ninyong sundin. Ikaw ba? Sa sarili mo? Ano ba talagang nararamdaman mo para kay Sir?” seryosong tanong ni Nanay Aya.
Bumuka ang aking mga labi ngunit wala namang salita na lumabas doon. In my mind, I keep on asking myself what do I feel for him.
Do I really like him?
Or do I love him?
Napapaisip ako. Kung bibigyan ko ba siya ng chance, maso-solve ba no’n ang tunay kong nararamdaman.
Dapat mainis ako sa sarili ko dahil napaka-ridiculous ng gano’ng idea. But damn, kabaliktaran ang nararamdaman ko. The idea makes me feel excitement instead.
Nasapo ko ang noo. There’s no more need to ask.
I think I already know the answer to my question.
![](https://img.wattpad.com/cover/302085121-288-k131027.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Let Him Know
RomanceRyleigh Sebastian had been living in peace for three years now, until the man she loathed the most suddenly appeared. It was none other than the evil and ruthless billionaire, Reagan Iverson. Her ex-fiance and the father of her son. She knew that on...