Nowhere #31

21 1 0
                                    

Girl • Boy • Bakla • Tomboy
July 20, 20XX
3:24 PM

Claire San Pablo Added Stream Peterson and  4 others to the Group


Claire:

Pssttt guys!! Saan kayo?

Seen by Luke, Cardo and George


Luke:

Sa classroom namin. Kaka start lang ng klase.

Cardo:

Claire naman! Bakit ganyan pangalan ng GC NATIN?

George:

Ako ang Boy si Cardo ang Bakla😆

Luke:

Tapos tomboy ako, ganun?

George and Cardo reacted 😆 the message

Claire:

Sori naman. Nagmamadali lang wala akong ibang maisip.

Claire:

GUYS BAD NEWS

Claire:

Tinawagan ako ni Tito Raul kani-kanina lang. NAWAWALA DAW SI REAGAN!

Luke:

WHAT?!

George:

Guys natatakot na ako baka mahuli tayo ni Ma'am Acacia na nag c-cellphone!

George:

Wait whaaatt?! Anong nawawala si Reagan?!

Cardo:

Baka naman nagpapahangin lang sa kung saan-saan?? Baka naman paranoid lang tayo? Wala naman sigurong nangyaring masama sa kanya??

Luke:

Tangina mo Cardo okay sana sinabi mo kaso bakit naka question mark lahat?! Mas lalo mo lang kaming pinapakaba eh!

Claire:

BTW, nasaan si Stream?

George:

Di nga namin alam. Kanina lang naman ay kasama namin tapos bigla na lang nawala. Hindi nga umattend sa klase ni Ma'am Acacia eh favorite teacher niya naman to.

Claire:

Ah pakisabi na lang din kay Stream ang nangyari.

George:

Yes ma'am!!

Claire reacted 😆 the message

Claire:

May klase pa kayo diba? Kami na lang muna ni Kevin ang maghahanap kay R. Sumunod na lang kayo mamaya pagkatapos ng klase niyo. Okay?

George:

MAGKASAMA KAYO NI KEVIN??

Claire:

Oo bakit?

Cardo:

BWAHAHAHA 1 point goes to Kevin Dela Paz

Claire:

Ha?

Cardo:

Wala² wag mo na lang akong pansinin Claire.

George:

Kaya pala biglang nawala yung unggoy na yon. Bwesit naisahan ako ng gago.

Cardo:

BWAHAAHAHA

Luke:

Sige tawa pa! Tingnan niyo nakatingin na sa atin si Ma'am.

Claire:

Haha sige na mag pukos na kayo diyan baka mapagalitan pa kayo.

George:

AT NAGALIT NA NGA SIYAAAAA

Claire reacted 😆 the message

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon