Claire San Pablo
• Active now
July 21, 20XX
11:12 PM
Reagan:Spill
Reagan:
Bakit nag-aaway si Luke at Stream? May kinalaman ba ako?
Claire:
May tanong lang ako.
Reagan:
Hmm?
Claire:
Nanliligaw ba sayo si Stream?
Reagan:
HINDI
Claire:
Nag confess ba siya na may feelings siya sayo?
Reagan:
Lalong HINDI
Claire:
Ah okay ganto kasi yun
Claire:
Di ba nanliligaw sayo si Luke? Matagal na diba? To the point na parang minsan naiisip ko nang obsess na siya sayo.
Reagan:
Obsess? Nakakatakot yang word na yan C wag kang magsalita ng ganyan.
Claire:Totoo naman ah! Di mo lang nakikita pero ako nakikita ko. Kaya nga nag-aalala ako palagi sayo pag si Luke na ang pinag-uusapan. At siya na mismo nagsabi na gagawin niya ang lahat para makuha ka niya, di pa ba obsess tawag diyan? Yung hindi niya matanggap na wala ka talagang gusto sa kanya?
Reagan:
Stop it C. Back to the real topic please. Hindi si Luke ang topic natin dito.
Claire:
Okay.
Claire:
Remember nung nahulog ka sa pool at sinagip ka ni Stream?
Reagan:
Yeah. What about that?
Claire:Sabi ni Kevin dun daw nagsimulang nag-iba ang trato ni Luke kay Stream. Naging cold at distant si Luke kay Stream lalo na nung malaman daw nila na inaccept mo si Stream sa FB. They don't know what happened to Luke basta bigla-bigla na lang daw niyang inaaway at sinisigawan si Stream. Kevin knew that something is wrong with Luke pero yung the rest sa barkada nila ay walang clue kung ano ang nangyayari. Inaasar pa nila si Luke dahil daw hindi mo pa inaccept ang friend request niya sa FB.
Claire:
Maging si Kevin rin ay sinubukang asar-asarin si Luke dahil nagbabakasakali siya na masosolusyonan ang problema sa pamamagitan noon. Hindi naman daw kasi sila seryosong magkakaibigan. Pag may nag-aaway o pag may problema idadaan lang nila sa biro at asaran at surprisingly din naman daw ay nagiging okay sila pagkatapos. Kevin thinks na magiging okay lang ang lahat pagkatapos ng ilang araw pero nagulat na lang siya dahil until-unti ng lumaki. Hindi kasi nila alam na seryoso pala si Luke at hindi din nila alam na malalim na pala talaga ang pagkagusto ni Luke sayo.
Claire:
Galit si Luke kay Stream kasi akala niya may gusto rin si Stream sayo at balak nitong agawin ka. Galit siya kasi ramdam niyang close kayo ni Stream habang pag siya Ang lalapit sayo ay kaagad kang hahakbang paatras.
Claire:
Na gets mo yung kwento?
Reagan:
Yep. Ako nga talaga ang dahilan kaya sila nag-aaway.
Claire:
NO HINDI MO NAIINTINDIHAN.
Claire:
Hindi mo kasalanan R! Si Luke ang may kasalanan ng lahat Kasi in the beginning hindi niya matanggap na wala kang gusto sa kanya. Kasi pinagpipilitan niya ang sarili niya sayo. Kasi pilit siya nanghihimasok sa takbo ng buhay mo. Kasi nagagalit siya Kay Stream na sarili niyang kaibigan gayong wala naman itong ginagawang masama.
Claire:
Don't blame yourself please.
Claire:
At wag ka sanang lumayo kay Stream dahil lang kay Luke. Wag mong hayaan na kontrolin ni Luke ang buhay mo.
Claire:
Mas gusto ko na kasama mo si Stream.
Claire:
Kasi sa kanya nakikita ko ang saya sa mga mata mo. Kasi sa kanya lang ako nakakaramdam na ligtas ka.
Claire:
Hindi deserve ni Stream na iwasan mo siya at hindi mo rin deserve na mapunta sa kamay ni Luke.
Claire:
Pero nasaiyo ang desisyon. Wag mo na lang isipin yong mga sinabi ko. Sundin mo lang yang puso mo.
Reagan:
I'll think about it.
Claire:
Follow your heart.
You reacted 💖 the message
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Historia Corta"Just think that I am just a girl from nowhere. A girl that you will forget." Note: Book cover is not mine credits to the rightful owner.