Claire San Pablo
• Active now
July 23, 20XX
7:35 PMClaire:
Pssttt!Claire:
Kumusta ang date niyo ni Stream, kahapon?Reagan:
Gaga hindi date yon.Reagan:
He just cheered me up. Napansin kasi niyang malungkot ako.Claire:
Wow hindi pa boyfriend pero boyfriend na kung kumilos.Reagan:
Yeah. Whatever C.Claire:
Wala ba siyang planong manligaw? Baka naman nag-aassume na siya na magjowa na kayo.Reagan:
Nope. You're wrong.Reagan:
Pag-uwi namin kahapon sinabi niya sa akin na pupunta siya sa bahay ngayon para pormal na hingin ang pahintulot ni Tito Raul na manligaw siya sa akin.Claire:
Ay! Ang taray!Claire:
So, Tito Raul is your official guardian now?Reagan:
Yep. Ayoko ng tumira sa bahay. Hindi ko na kaya ang pakikitungo ni Mama sa akin.Seen at 7:44 PM
7:47 PM
Incoming Call
Claire San Pablo
Accept | Reject
"Oh. Napatawag ka?" Tanong ni Reagan sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama niya, sa dating kuwarto noon ni Rayne sa bahay ni Raul na ngayon ay kanya na.
"R! Your mom is here!" Tarantang sagot ni Claire. Rinig na rinig ni Reagan ang mga kalabog, sigawan at pagkabasag ng mga bagay sa kabilang linya.
Napatayo si Reagan sa gulat. "What? Anong nangyayari diyan?"
"Nagwawala ang mama mo. Akala niya nandito ka sa bahay namin. Gusto niyang umuwi ka na sa bahay niyo. Sinabihan na namin siya na wala ka dito pero nagalit lang siya at nagsimula siyang kumuha ng bato at inihahagis niya ito sa bahay namin." Tarantang sagot ni Claire at bakas sa boses niya ang takot.
"She said she will kill us if you don't come out."
Mabilis na kumilos si Reagan at nagtatakbong lumabas sa kuwarto niya.
"Papunta na ako diyan." Mabilis niyang sagot kay Claire. "Tumawag na kayo ng mga pulis."
"Pero—" hindi na natapos ang sasabihin ni Claire dahil pinatay na ni Reagan ang tawag.
Itinext niya rin kaagad ang Tito Raul niya tungkol sa nangyari. Kasalukuyan kasi itong nasa trabaho at siya lang ang naiwan sa bahay nito.
Pagkarating ni Reagan sa bahay ng pamilya San Pablo ay marami ng pulis ang nagkalat sa labas.
"Bitawan niyo ako! Reagan?! Lumabas ka diyan!" Pagsisisigaw ng Ina ni Reagan habang pinagtutulungan siya ng mga pulis para pakalmahin.
"Ma!" Sigaw ni Reagan at nilapitan ang nagwawalang Ina. Ang kanyang Ina ay may napakaruming daster, magulo ang buhok nito, napakarumi ng mukha at wala pang suot na tsinelas.
Natigilan ang Ina niya ng makita siya at sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Naging malambot ito at naiyak na lang bigla. Kaagad naman siyang binitawan ng mga pulis para makalapit sa kanyang anak.
"Anak!" Humagulgol ito at niyakap ang naguguluhang si Reagan. Pagkatapos ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng dalaga.
"Buhay ka! Buhay ka nga?!" Masayang bulaslas nito habang umiiyak na nakatingin kay Reagan. "Mali sila! Sabi nila patay ka na! Mga sinungaling sila!"
Mariing napapikit si Reagan. Paniguradong may nakarating na balita sa Ina niya galing sa mga kapit-bahay nito. Ngunit dahil mga marites, paniguradong iba ang balitang dumating. Siya na ang pinag-uusapan na namatay eh kambal niya naman ang pumanaw at hindi siya.
Pilit niyang pinakalma ang Ina at ng tuluyan na itong kumalma ay napapayag niya ito na sumama sa mga pulis.
Nang makaalis ang ina ay mabilis naman si Reagan na lumapit kay Claire at sa mga magulang nito.
"I'm so sorry po! Hindi sana to mangyayari kung—" Hindi na natapos pa ni Reagan ang sasabihin ng bigla siyang niyakap ng mag-asawa.
"No, Don't apologize. It's not your fault." Saad naman ng ginang.
"We understand your situation Reagan. Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa amin." Sabi naman ng Asawa nito.
Napaiyak na lang si Reagan sa labis na pasasalamat. Si Claire naman ay nakangiti lang habang nakatingin sa matalik niyang kaibigan at ang mga magulang niya. "I promise po tita at tito hindi na ito mauulit pa. Kasi inireport ko na sa pulis si Mama at dadalhin na siya sa rehabilitation center."
"Kung ganoon saan ka na titira?"
Ngumiti si Reagan. "Doon na po ako kay Tito Raul."
"Kahit nandoon ka kay Raul wag kang mahiya na humingi ng tulong sa amin. Tinuturing ka na rin naming anak. We will be very happy to help you." Muling saad ng ginang at hinimas ang braso ni Reagan.
Napangiti naman si Reagan at tumango-tango sa mag-asawa. Matapos mag-usap ay kaagad siyang nagtungo sa matalik niyang kaibigan na si Claire at sinalubong naman siya nito ng isang mahigpit na yakap.
"Sssh.. it's okay. Just let it all out, R. You can lean on me." Saad ng dalagang si Claire na mas lalong nagpaiyak kay Reagan.
Sa mga oras na iyon isang bagay ang napagtanto ni Reagan. Tama si Stream. Marami siyang biyaya na hindi niya man lang napansin.
At sa oras din na iyon napagtanto niyang..maari ngang hindi siyang pinabayaan ng diyos.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Short Story"Just think that I am just a girl from nowhere. A girl that you will forget." Note: Book cover is not mine credits to the rightful owner.