Jane Camalig • 11h ago
I saw this cute couple kanina at sinubukan ko silang kunan ng picture dahil nakakatuwa silang tingnan tapos nalaman kong nanliligaw pa pala ang lalaki at heto panoorin niyo! Pampakilig lang sa mga followers ko kaya ko ito ipinost.
Congrats po pala sa bagong couple na ito! Stay strong po sa inyo!
_____________________________________________
Do you want to play the video?
Yes | No_____________________________________________
Kuha sa camera ang isang babaeng nakadress ng puti at isang lalaking naka-white long sleeve na magkahawak kamay na tumatakbo sa gitna ng ulan. Ngunit kahit medyo basa na ay bakas ang kislap at saya sa kanilang dalawa at kita pa ang malaking ngiti sa labi ng dalawa.
Sumilong ang dalawa sa waiting shed kung saan naroroon ang may hawak ng camera. Kaya naman ay rinig na rinig ang tawanan nila at kitang-kita ang mga mukha nila at ito ay si Stream at Reagan.
"Bakit ba kasi hindi tayo nagdala ng payong?" Natatawang sabi ng Reagan. "Tingnan mo kung anong nagyari sa atin ngayon? Para na tayong mga basang sisiw!"
"Malay ko bang uulan pala? Badtrip rin kasi nasira kotse ko. Hay." Sagot ni Stream. Kung tawa ng tawa si Reagan, problemado naman si Stream. "Paano na tayo makakauwi? Mukhang babaha pa yata."
"Naku wag ka ng mabahala diyan! Kakasimba lang natin, wala ka bang tiwala sa diyos? Makakauwi rin tayo!" Sagot ni Reagan. "Pero cancelled muna date natin ngayon."
Napasimangot si Stream. "Ang tagal kong hinintay to tapos ganto lang?" Bulong sana nito na nalakasan niya pala ng pagkakasabi.
"Bakit ano bang plano mo?" Usisa ni Reagan at dumikit kay Stream na parang nang-aasar. "Dadalhin mo ba ako sa amusement park? Sa mall? O sa sine? Wag na lang! Ang cliche na nun! Wala ng kilig!"
Umirap si Stream. "Hindi! Sa Zoo kita daldalhin sana. Kasi you belong to the zoo."
Hinampas ni Reagan si Stream. "Wow ah! Ang lakas mo ng mang-asar, eh ikaw naman tong mukhang kabayo?"
"Tapos ikaw yung baka?" Tawa ni Stream.
Sumimangot si Reagan. "Ah ganon? Gusto mo ba na hindi kita sagutin? Ikaw na nga yung nanliligaw, iinisin mo pa yung nililigawan mo. Makatarungan ba yon?"
Napatawa si Stream. "Eh sa ang cute mong inisin eh hindi ako makapagpigil."
Umirap si Reagan. "Cute daw."
"Gusto mo bang kantahan kita para mawala yang inis mo?"
"Sige nga." Sagot ng nakairap na si Reagan.
Napangiti si Stream saka humakbang palabas sa waiting shed at nagpaulan. Napasigaw naman si Reagan sa gulat. "Huy! Siraulo ka magkakasakit ka niyan!"
Ngumisi lang naman si Stream at hindi pinansin ang sinabi ng dalaga.
"Binibini~" panimulang kanta ni Stream. Unti-unti ng humihina ang ulan ngunit hindi parin ito tumitigil.
"Alam mo ba kung pano nahulog sayo
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito, kaya sabihin mo sakin
Ang tumatakbo sa isip mo kung mahal mo na rin ba ako
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako~"Tumigil sa pagkanta si Stream at hindi niya binibitaw ang tingin sa dalaga. Nanatiling tahimik si Reagan ngunit bakas ang matinding saya sa kanyang mukha.
"Will you be my girlfriend?" Tanong ni Stream na may halong kaba at saya ang mukha. "Alam kong sobrang bilis ng mga pangyayaring to. Ako rin naman ay nabibilisan. Gusto ko nga sanang maghintay pa ng ilang buwan para maligawan ka pero napagtanto kong hindi ko na kayang maghintay. I want to be with you."
Natahimik silang dalawa dahil hindi naman sumagot si Reagan.
"Pero kung tingin mo hindi ka pa handa okay lang naman. Kahit na ayaw kong maghintay basta para sayo gagawin ko." Muling saad ni Stream at ngumiti ng may sinseridad.
"Hindi mo na kailangang maghintay." Biglang saad ni Reagan.
Hindi pa man nakabawi sa gulat si Stream ay tumakbo palabas ng waiting shed si Reagan at yumakap ng mahigpit sa basang-basang si Stream. Muli namang bumuhos ang malakas na ulan. Basang-basang na ang dalawa ngunit hindi nila ito alintana. Nanatili silang ganoon ng ilang minuto. Nag-uusap sila ngunit hindi na marinig sa video dahil sa lakas ng ulan.
"Yiee ang sweet!" Bulong naman ng may hawak ng camera. "Sanaol!"
Pagkatapos ng matagal na yakapan ay nagsimulang magsayaw sa gitna ng ulan ang dalawa nang may malaking ngiti sa labi. Natapos ang video nang tumakbo na palayo ang dalawa at sumakas sa isang taxi.
_____________________________________________
20k Comments
Jane Camalig
Sanaol may jowa! Ako na walang jowa nakanganga lang sa gilid. Hostisya beh.
11h | Like | Reply 16k😆Jane Camalig
Hello po sa lahat! Ako po si Jane Camalig, 23 years young, maganda, maputi at mayaman! Sige na, wala po akong jowa mag apply ka po!
11h | Like | Reply 13k😆Pesh Tea
Waaahh ang guwapo ni Kuya! Pa mine!
11h | Like | ReplyRyan Beng
Ganda nung girl. Type po kita!
11h | Like | ReplyGirly Maalat
WAAHH Nakakaingit! Bagay sila huhu.
11h | Like | ReplyShan Shan
Bakit kailangan pang isampal sa mukha ko na ang guwapo ay para sa maganda lang?!
#pangitlangpoako
11h | Like | Reply 9k😆Aileen Mandaragat
Ang ganda ng boses nong guy WAAHH!
11h | Like | ReplyView more comments
______________
Song Used:
Binibini - Zack Tabudlo
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Short Story"Just think that I am just a girl from nowhere. A girl that you will forget." Note: Book cover is not mine credits to the rightful owner.