Meet Shanti

80 2 0
                                    

"Ahhhhhhhh!!!"

Sigaw ni Hime habang tumatakbong paparating sa amin ng mga kasama ko.

Nandito kami ngayon ng grupo ko, ang Che'nelles, isang sing and dance group na sikat daw buong lugar namin. 

Shanti nga pala, ang leader daw ng group. 16 years old. I'm in my fourth year in high school na this coming school year.   Family background? Secret muna sa ngayon. I am just a calm and quiet person who loves to dance and sing. Smart and cool daw sabi nila. Pero nag-iiba ako pag sumasayaw at kumakanta, nailalabas ko ang cheerful and happy personality ko pag nagpeperform, ewan ko ba heh. 

Anim kaming Che'nelles.

Ako, ang leader nga daw ng grupo. 

Chumi, ang pinakamatanda at ang make-up artist ng grupo namin. 

Hime, ang pinakabata, pinakamaarte, at pinakamalandi daw sa amin. Madami kasing crush.

Zaire, ang choreographer namin. Amazing talaga ang mga nagagawa ni Zaire.

Mia, the shy one but the fashionable one of the Che'nelles. Sya ang gumagawa ng costumes namin.

At lastly si Colooney, ang nag aarange ng music na ginagamit namin na medyo may pagkaboyish but girl at heart yan.

We are very different from each other but when we dance, we become one.

At eto nga kami ngayon sa harap ng isang MixClubbin Bistro. Magpeperform kami mamaya, kaya habang naghihintay kumakain kami ngayon dito sa pizza hut. Sarap talagang kumain. At iyon dumating si Himeng umiiyak na sumisigaw na parang bata.

"Ano bang sinisigaw sigaw mo diyan Hime?" galit na sabi ni Chumi.

"At san ka ba nanggaling, ang meeting time natin 5 pm, ano nang oras ngayon ha?" ayon naman kay Colooney.

"Ah.. alam niyo kasi.. on my way here, nakita ko ang the mobbers, nagpeperform sa districteast. Ang galing talaga nila. Lalo na si Keen ahhh. Kaya nanood ako sa kanila hanggang matapos sila, then nakita ko si Keen na umupo sa bench, siya lang mag-isa kaya lumapit ako sa kanya para magpaautograph, sayang ang chance noh. Kaya hayun, I approach him. Pero you know what he said to me? Sabi niya i'm ugly daw and my lips is so pula daw.. ahhhh AHHHHHH!! Kasalanan mo to ate Chumi eh, hindi mo ginandahan pagmamake-up mo saken."

Ah, ung Keen lang pala na un. Honestly, wala akong alam sa Keen na yan. Di ko pa nga siya nakikita kahit minsan. Sa tuwing may performance kasi sila ng 'the mobbers', wala ako for no reason. But I know one fact about him that made me curious. He hates girls.

Anyway, ang sarap talaga ng kinakain ko.

"Hoy Hime, wag kang hibang dyan. Alam mo na mang may galit un sa lahat ng babae sa mundo sinisi mo pa sa pagmamake-up ko. Ikaw talaga, kahit kailan, an landi."

"Ahhhh Shanti, tandang Chumi is making away away to me." Lumapit si Hime saken.

"Tama na nga yan. Kayo talaga." Sabi ni Zairie ng biglang tumunog ang cellphone niya. "O tawag na tayo ni boss manager."

"Okay. Yosh! Tara ng magperform." Sabi ni Colooney.

Lumabas na kami ng pizza hut. Tatawid na sana kami sa kabilang daan ng may naamoy akong pamilyar na mabango na nakakatakam na nakakagutom na amoy. Lumingon ako at ayun. Tanaw ko ang tindahan ng kwek kwek, fish balls, at tempura. Wahh, ang tagal ko nang di nakakain niyan.

(☉_☉)(⊙.⊙(☉_☉)⊙.⊙)(☉_☉) silang lima.

"Ayan na naman sya."

"Kakakain lang natin ng pizza ah."

"Sya na. Sya ng gutom."

Sabi nila kasi agad na kong lumapit sa tindahan at bumili ng maraming kwek kwek, fish balls, at tempura, at kumain ng maraming kwek kwek, fish balls, at tempura at ang sarap talaga ng kwek kwek, fish balls, at tempura. Ah I'm in heaven. Thanks Lord.

And another thing nga pala.

Kahit di ko sabihin alam niyo na.

Kahit no big deal sa inyo.

I am proud to say this.

That more than anything..

yes, more than dancing..

I LOVE FOOD. (♥‿♥)

Can I Have This Dance (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon