Keen's POV:
TOK-TA-GA-OK
TOK-TA-GA-OK
"AHHHHH- huh?" Bwiset na mga manok yan. Ang himbing ng tulog ko eh.
Lumapit ako sa bintana.
"HOY MANAHIMIK KAYONG MGA TANDANG KUNDI GAGAWIN KO KAYONG PULUTAN!!" Tsk, asar talaga ang mga manok na yan.
TOK-TA-GA-OK
TOK-TA-GA-OK
"SABI KO MANAHIMIK KA-" Naputol ako sa pagsasalita ng nagsalita si Itay mula sa baba.
"Anak! Ano ba yang sinisigaw sigaw mo diyan? Wala na tayong manok, kinatay na natin kahapon pangcelebrate sa birthday ni kobe. Di mo ba tanda?"
Ay putek, oo nga pala. "Ay opo itay, sensya na." Eh san ba naggaling yong tilaok na un.
"O cge na, maghanda ka na't perst day of skul mo ngayon Keanne."
"Opo."
Tsk.. ngayon nga pala ang unang araw ng pasukan. Buti na lang at nagising ako ng mga manok na yan. Ay oo nga, wala na pala yung mga manok. Eh san ba talaga nanggaling ang mga tilaok na un.
Putek, di kaya minomolto ako ng mga manok na yun dahil pinakatay ko sila para lang sa birthday ng aso kong si Kobe?
TOK-TA-GA-OK
TOK-TA-GA-OK
Eh? Ayan na naman. Minomolto nga talaga ako.
Tumingin ako sa cellphone at nakita kong.. asar, dun lang pala nanggagaling ang tilaok ng mga manok na un. Putek sino bang epal ang nagpalit ng alarm ko.
=_= err.. pahamak na Shawn talaga.
Para macool ang head ko, naligo na lang ako tapos nagbihis. Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Nakita ko si itay sa harap ng mesa't nagbabasa ng diaryo.
Hindi na kami sa slums nakatira. Nandito na kami ngayon sa Spring Garden Distict. Nagawa naming bilhin ang dati naming bahay dito. Gusto ko sana mag-apartment na lang kami, pero gusto ni Itay dito dahil marami daw syang magagandang ala ala sa lugar nato. Kaya no choice, kung san si Itay masaya dun na lang ako.
"Keanne.. ito o." Inabot sa akin ni itay ang nagdadamihang sulat. "Mga love letter yan para sayo, nagkalat sa labas, di mo naman magawang kunin."
"Tskk.. paki ko ba sa mga yan Itay. Alam mo naman di ba." Putek love letters na naman.
"Anak.. dapat sa mga edad mong yan, nagkakaroon ka na ng crush, o kaya gerlfriend. Aba di ata ako papayag na wala kang mapangasawa at hindi mo ko mabigyan ng mga apo."
ಠ_ಠ
Bigla kong nasuka ang mga nakain ko. Ano ba tong pinagsasabi ni Itay.
"Ahahaha, biro lang anak. Alam kong darating din ang babaeng makakapagpabago sayo. Bakit ba kasi nagsimula kang magalit sa mga babae simula ng aksidenteng iyon..."
"Itay! Tama na po. Wag mo ng banggitin iyon. Nabubwisit ako." Tapos na akong kumain kaya nagtoothbrush nako't kinuha ang bag at palabas na. "Cge itay, lalakad napo ako."
"Cge anak."
Kinuha ko iyong bike ko.
"Ah Keanne, kung ayaw mong makidnap ng mga babaeng nag-aabang sayo diyan sa labas, huwag mo nang gamitin ang bike mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/3957244-288-k502465.jpg)
BINABASA MO ANG
Can I Have This Dance (on-going)
Novela Juvenilα ғυη ғιcтιση ιηsριяε∂ вү sтερ υρ яεvσℓυтιση αη∂ cнε'ηεℓℓε. Meet the girl-hater Keanne and a food luvin girl Shanti. Imagine them together with the Mobbers and the Che'nelles as they dance to the beat of love...