The Challenge.1

57 2 1
                                    

Paul's POV

Almost 7 pm na. Malapit na ang oras to witness the new challenge that we'll be on this time.

Maaga akong dumating dito sa west street. It's a big street kung saan walang gaanong sasakyan ang dumadaan tuwing sasapit ang gabi so we, street dancers can rule the west street every night.

So, maaga nga akong dumating dito but as usual, marami na agad ang nag-aabang na street dancers. I've known some of them. Yung iba kasi nakakalaban namin minsan. And some of them, I admit were the best.

Every year, the MBDF sponsors a contest. And di lang basta bastang contest. It's a big event. Other crews from different cities ang nagcocompete for the big prize, its money of course and also for the pride of their crew. Sino ba naman ang hindi gustong sumikat. 

Well, it's actually the first time The Mobbers will be joining this big event. It's because, we just formed our crew 2 years ago. Last year naman, di kami nakasali because of time. Kaya ngaun, it's time for us to get to the top. Right now, well be fighting for that fame and that prize for our own dreams. 

Yes, we the mobbers have each of our dreams. Not just to be the best street dancers in the world.

It's our own dreams. Bahala na kayong tuklasin un.

But for my dream?

It's my dad.

"Paul! Ikaw pa?"    Palapit na tanong sakin ni Mike.

At last may dumating ng member. Ako pa kasi mula kanina. Mga late comers, bigyan ko kaya ng punishments, pasaway eh. Just kidding.

"Yeah. Obviously."

"Hahaha.. Nakahanap ka ata ng magandang pwesto diyan."

Tanong ni Mike, napansin niya kasi kung san ako nakapwesto. Oh I'm just sitting here in a big oak tree branch just 5 meters away from the street. Kita ko kasi ang whole view mula rito. At isa pa ayokong sumiksik sa nagraramihang tao, and baka makita kami ng mga fanatics ng the mobbers, sunggaban pa kami. Joke.

"Ohhhh mga pare!! Andyan lang pala kayo. Yo!"

"Kanina pa kami naghahanap sa inyo! Yo!"

Sya namang pagsulpot ng kambal. Si Jake at si Jeff, the identical twins. They're difference? Their bangs. Jake has his bangs on the left side of his forehead while Jeff's on the right. Kaya di nakakalito. 

"Ang dami kasing tao. Yo!"   Dagdag pa ni Jake. Fave word nga pala ng kambal ang Yo!.

"O san na ung iba? Yo?!" 

"Malay.." 

"Si Keen nga pala di makakapunta." I said to them ng maalala ko ung text ni Keen.

"Sus un pa! Absent always. Haha!"

"Iniiwasan na naman cguro ang mga nilalang niya. Yo! Hahaha!"

Pinagkakatuwaan namin si Keen, when my eyes caught Shawn, Terence and Boom on their way towards us. Nag-aasaran na naman ang dalawa habang si Boom tahimik lang na nakasunod sa kanila.

Terence's POV 

"6 palang, andami na ng tao."

         Sabi ko kay Shawn nang makarating kami sa west st. Talaga naman kasing andaming crews at mga audience ang nandito para lang makita ang mbdf at ang new challenge nila.

"Wag ka ng magtaka pare."

"Oyy Boom, alam mo ba kung asan sila?"

          Tanong ko naman kay Boom.

"..."

"Okay. Itext mo nga Shawn."

"Cge.. teka lang.."

Habang tinetext ni Shawn ung iba, ako hinanap ko naman sila gamit ang magaling kong mga mata. Alam nyo bang may Sharinggan ako? Kaso di ko sila mahanap. Wa epek ang sharinggan ko. 

Sa paghahanap ko, iba ang nahanap ko. Iba ang nakita ko.

Biglang tumigil ang mundo ko. 

Biglang nag-iba ang mundo ko.

Biglang may pumana sa puso ko.

Sumulpot sulpot ang mga hearts na ewan ko kung saan nanggaling.

Nang lumapit ako sa nakita ko.

Isang anghel na kamukha ni Aphrodite ang nakita ko.

Sya na ang matagal kung hinihintay.

"My angel."

"Huh? Sino ka?" 

Nabigla naman ako sa narinig ko. Di ako kilala ng anghel nato. Sa gwapo kong to?

"I..I'm terence." Sabi ko, nautal pa talaga. 

"Heh? Sorry, I don't talk to strangers."

At hayun umalis na sya. Pero ako, lutang pa dahil sa nakita ko. Haayy my angel. 

Pero teka, napansin ko ung damit niya, dancer din ba sya? Kung ganun we are meant to be.

Destiny, wag kang epal at kami na ang gawin mong for enternity.

"HOY TERENCE!!"

"Haa?" Ako'y lutang pa rin.

"Anong nasinghot mo't para kang tangang lutang dyan?"

"PArree!! Nakita ko na sya!"

"Sino? Si KAmatayan?"

"Gago.. Nakita ko na ang angel locsin ko!"

"Ha? Asan na? Nang mapormahan ko."

"Sira! Wala na sya. Subukan mo lang agawin sya, magkakaalamanan tayo."

"Tsk. Sayang naman. O tara, andun pala si Paul dun o.. unggoy ungguyan lang ang trip. Hahaha."

"Ehh?" Tiningnan ko naman ung puno dun at nakita ko nga si Paul sa puno. "Cge tara na dun nang mapalitan mo na si Paul,dahil bagay sayong maging unggoy. Hahahaha."

"Aba tapang mo na ah.."

"Noon pa!"

"..."

"O sabi ni Boom, ikaw raw ung unggoy."

"Tsk, sinali mo pa si Boom. Tae!"

At un nag-asaran pa kami nang palapit kina Paul. Kahit kelan tong Shawn nato talaga. Matanda lang saken ng one day, binabata ako lol. Pwes nagkakamali sya. Tong face nato.. mas gwapo pa to sa kanya nyahaha. 

Pero haay ung angel ko, makikita ko pa kaya sya?

"Yo! Ang tagal nyo naman mga fake."  Ang sabi ni Jake samin ng makarating na kami sa kinaroroonan nila.

"Wag mo nga akong tawagin fake! Si Shawn lang un!" Angal ko kay Jake.

"Aba aba, nagsalitaa!" 

"Hahahaha!"

Tawanan naman sila, nang makarinig kami ng music.      

                   ( the music )

At ung music na un ang hudyat na ang hinihintay namin ay dumating na.

Sasayaw na ang moonbay dance federation.

Ang kinaaadikan ng lahat. 

Can I Have This Dance (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon