The Girl's POV

62 1 0
                                    

Hi ladies and gentlemen! 

Chumi Reyes, here.

17 years old. In college. Sexy, single and free. Haha.

At di ko alam ang dahilan why I'm here.

May POV pa ako.

. . .

. . .

. . .

Ay oo nga pala. I have to tell you guys something about me and the Che'nelles.

Kasi si Paul, may intro intro. Ako rin noh, kala niya siya lang. 

Mag english english din kaya ako. Haha. Grabe nosebleed ako kay Paul noh.

Buti na lang pogi sya.

Heeeeeep. Di ko sya crush for your info, may crush akong iba.

Anyway like I was saying.

Charut, english un ah. Haha.

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos kong makita ang show off na ginawa ng MB Dance Federation. Grabe ang galing nila. Tatawid na sana ako nun pauwi ng biglang may guy na pumunta sa gitna ng kalsada, buti na lang wala pang mga sasakyan.

Tapos, biglang may tumunog na music, galing pala dun sa stereo na hawak ng isang lalaki.

Nabigla naman ako ng biglang sumayaw ang lalaki. Nagbreak dance siya. Maraming nanood at namangha. Then may mga sumayaw mula sa crowd at nakipagsayawan na rin sa lalaki. Mga kasama pala sila ng lalaki. They were awesome. As in nganga ako.

Pagkatapos nilang sumayaw, nilabas nila ang maraming flyers at inihagis sa madla.

I held my hands open para makakuha ng flyer. Mabasa nga. At yun, sila pala ang MB Dance Federation. Naintriga naman ako.

After nun, di ko na matanggal sa isip ko ang invitation na ginawa nila.

Well, mahilig akong sumayaw, another talent of mine aside from being a make-up artist at magaling rin naman kahit papaano.

Hinihiling ko nga na if there will be a chance, gusto ko rin sanang sumayaw in the streets like those guys.

Pero di ko pa natatry ang street dancing, at sa tingin ko panglalaki lang ang mga yun. 

Street dancing, para lang un sa mga tambay haha jowk.

Kaya kinalimutan ko na lang iyon until..

Until isang gabi, while walking home.

May nakita akong crowd na may tinitingnan dun.

Mga dancer na nman siguro kaya nakiintriga na rin ako at I was shocked sa nakita ko.

A group of  four girls.

Oo tama, mga babae na sumasayaw. 

They were street dancing.

Nashocked ako noh kasi mga babae. At dahil dun I proved myself wrong na hindi lang para sa lalaki ang street dancing.

Magaling sila at magaganda pa. 

Nang natapos na sila sa kanilang performance, nilapitan ko sila.

" Ahh.. excuse me."

"Hm?" Tumingin lang saken ang lider ata nila.

Can I Have This Dance (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon