Meet Keen

113 2 0
                                    

sound of funky music...

lights flashing on the night street...

the crowd goes wild...



Malakas ang hiyawan ng mga tao habang pinapanood kami ng tropa kong sumasayaw. Ang lakas ng hiyaw nila dahil sa galing naming sumayaw.

Hindi naman sa nagmamayabang pero magaling talaga kami.


Ako nga pala si Keanne Rey Santos, at kilala sa tawag na Keen.

Ewan ko kung bakit iyon ang tawag nila sa akin, may pangalan naman ako. Nag-iisa akong anak ng isang drayber ng jeep. Namatay naman ang nanay ko nung 3 years old palang ako.


Tama, mahirap lang kami. Pero kahit ganun, nakakapag-aral naman ako. Nasa 4th year high school na nga ako ngayon eh. At dahil iyon sa sipag ng tatay ko. Nakatira kami ngayon sa eskwater, slums para sosyal. Minsan hindi kami nakakabayad ng upa dahil kulang ang sweldo ng Itay. Kaya isang araw, napag-isip isip kong humanap ng part time job para tulungan si Itay. Habang naglalakad sa may boulevard at nag-iisip kung anong magandang trabaho ang pasukan, napansin ko ang isang grupo ng kabataang lalaki na nagsasayaw.


Grabe, ang astig ng sayaw nila. Cramping ata tawag dun. Maraming nanood sa kanila. Tulad ko, manghang mangha din sila. Nang matapos silang sumayaw, binigyan sila ng pera ng ilan sa mga nanonood. Tapos, sabi ko sa isip ko, nanlilimos lang pala sila haha jowk. Pero ang galing talaga nila. Nagulat naman ako ng lumapit sa akin ang mukhang leader ng grupo nila.


"Oi Pare. Marunong ka bang sumayaw?"


"Ah. Ako?"


"Hindi, siya. Oo ikaw, bingi ka ba?"


"Ah. Hindi ako marunong sumayaw."


"Ganoon ba? Eh gusto mo bang magkapera?"


"Ha? Naku gusto ko. Pero ayokong manlimos gaya niyo."


"Kami? Nanlilimos? Ahahahaha. Mga tol sabi ng isang to nanlilimos daw tayo ahaha." Tawa niya habang tinatawag ang mga kasama niya.


"Ano daw? AHAHHAAHA." Tawa din ng iba.


"Eh bakit kayo sumasayaw diyan sa kalsada ha. Binibigyan pa kayo ng pera ng mga tao."


"Ahaha. Pare, di kami nanlilimos. Sumasayaw lang kami para magperform. Sila lang ang kusang nagbigay ng pera sa amin."


"Oo nga, sayang naman kung di namin kukunin di ba?"


"Eh bakit kayo nagperperform?" Tanong ko.


"Balak naming sumali sa contest nato."

Can I Have This Dance (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon