=A/N: ang konti lang nang kada chapter 'no? Hehe! ^_^v Short story nga e. Joke lang. 'La lang, trip ko lang ang konti. (^^)
Ps. Don't forget to vote and comment guys. ^_________^
Dedicated to: glynespilapil salamat po sa pag comment at paghihintay ng update ko. Hehe!. 🥰😊❤️
=========================================
Mica's PoV
Maaga akong nagising kinabukasan. Maaga din akong pumasok ng school. Wala lang, trip ko lang.
Naninibago ako sa sarili ko. Noong una, masaya akong babangon sa umaga, lagi akong nakangiti. Kaya lagi akong inaasar ng kapatid ko. Masaya akong papasok, ang lawak pa ng ngiti ko.
Pero ngayon, halos hindi na ako makangiti, medyo nababakas sa mukha ko ang lungkot. Nalulungkot ako dahil sa nangyari kahapon. :-(
Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang ang sakit sakit ang puso ko. Parang tinutusok. Noon naman hindi naman ako ganito. Hindi naman ganito kasakit kapag bina-baliwala niya ako. +_+
Hindi lang ba pagka- crush ang nararamdaman ko sa kanya? Gusto ko na ba siya o mahal? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko? Lagi akong nasasaktan pagbina-baliwala niya ako? Sunod sunod kong tanong sa akin isipan.
Pagtinigil ko na ng tuluyan ang pangungulit sa kanya at pagpapansin. Mami-miss niya kaya ako? Wala sa sariling tanong ko na naman sa isipan ko.
Biglang kumirot ulit ang dibdib ko.
Of course hindi niya ako ma-miss. Baka nga ang saya saya na niya dahil hindi ko na siya kinulit e.
Hindi ko namalayan na may luha na palang tumulo sa pisngi ko. Pero agad ko din itong pinahid.
Dahil maaga pa, agad kong tinungo ang likod ng school.
Habang naglalakad ako, may natamaan ang paningin ko.
Isang taong gustong gusto kong makita araw araw. Parang gusto ko siyang lapitan para matiin siya pero agad ko ding sinaway ang sarili ko. Ayoko ko nang dagdagan ang inis niya sa akin dahil lang sa kakulitan ko.
Bawat hakbang ko papalapit sa kanya. Mas lalong naninikip ang dibdib ko nang hindi ko alam.
Basta patuloy lang ako sa paglalakad nang hindi tumingin sa kanya. Diretso lang patingin ko. Parang baliwala lang siya sa paningin ko.
Hanggang sa malagpasan ko siya. Nang makalagpas ako, doon ako nakahinga ng maluwag. Kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko.
Pero hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon o ano. Nang magkapantay kasi kanina, nakita sa gilid ng mata ko na medyo napatigil siya sa paglalakad, nakita ko pa na tumingin siya ng konti sa akin.
Hmm. Baka guni guni guni ko lang 'yun.
¯\_(ツ)_/¯
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko.
Tumambay lang ako sa lagi naming tinatambayan ni Ria. Maaga pa naman. Kaya magbabasa muna ako ng Wattpad. Hehe! Adik ako doon e.
Mahilig din akong gumawa ng Stories. May apat na din akong tapos.
Title: Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy, The Man In My Dreams, Diary Ng Walang Jowa at Hiding My Twins From Their Billionaire Father
Title yan nang mga gawa ko.^_________^
=[A/N: pagsingit po ng mga iba kong story. Hehe! Meron po talagang ganyan na story. Punta po kayo sa profile dito. Hehe! _ilazywriter_ ^_________^V]=
=====
Third Person's PoV
Napatigil saglit si Kevin nang lagpasan siya ni Mica. Pero saglit lang iyon, at pinagpatuloy din ang paglalakad.
Habang naglalakad siya hindi maalis alis sa kaniyang isipan ang nangyari kanina. Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang hindi pinapansin ng dalaga. Ine-expect niya na babatiin siya nito. Pero laking gulat niya ng lagpasan siya.
Hindi siya sanay na hindi siya binabati ng dalawa kapag nagkakasalubong silang dalawa. Mangungulit at mangungulit ito sa kaniya.
Kilala na niya ang dalaga mula elementarya palang sila noon. Noon pa man alam niya na may crush sa kanya ang dalaga pero hindi niya pinapahalata.
Ilang taon din siyang kinukulit ng dalaga. Pero ngayon, hindi niya ito kinulit kaya nakakapanibago sa kanya.
Sa ilang taon na pangungulit nito sa kanya. Hindi niya din namamalayan na nagkakagusto na pala siya sa dalaga. Nagising na lang siya na nakangiti habang iniisip ang mukha ng dalaga habang nakangiti ito. Parang kulang ang araw niya kapag hindi niya ito binabati kapag nagkakasalubong sila o di kaya kapag umaga.
Hindi niya kung bakit nato-torpe siya dalaga. Hindi niya masabi na gusto niya din ito. Masaya siya dahil gusto din siya ng babaeng gusto niya. Pero iyon nga lang, torpe talaga siya. Hindi man lang niya matignan ng diretso ang mata ng dalaga.
====
A/N: thank you sa pagbasa po. 🥰❤️
BINABASA MO ANG
Ignoring The Campus Hearthrob [A SHORT LOVE STORY] =COMPLETED=
Teen Fiction=A SHORT LOVE STORY= Minsan nakakasawa din ang magpapasin sa crush mo. Kahit ano'ng gawin mong pagpapasin sa kanya, hindi ka parin niya makita kita. Para ka lang hangin na dinadaan daanan niya. Pero darating din 'yung araw na magsasawa kang habol n...